CHAPTER 28: Oleander

1.4K 80 0
                                    

"Paanong bigla kang napunta rito?!" I questioned.

"Tss. Just shut up, Khairo might hear you." Kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya, alam ko kung anong klaseng reaksyon ang pinapakawalan niya ngayon.

Ang katunayan, wala akong nakikitang kahit na ano. Madilim sa loob, wala rin namang mga ilaw o kahit na anong panggagalingan ng liwanag dahil nahaharangan ng malalaking itim na kurtina ang bintana.

"Hmm.."

Tumaas lahat ng balahibo sa katawan ko nang marinig ang paghinga niya. She's too close to me! Kahit pa hindi ito dumadapo sa balat ko, kung naririnig ko naman, wala rin! Naaapektuhan parin ako!

"What's wrong with you? Ang galaw mo masyado."

Just great. Gusto ko lang namang umalis dahil ayaw kitang katabi. Hindi ko nga alam kung bakit biglang Ikaw ang nahila ko papunta rito. Katabi ko lang si Gail kanina, ah? Paanong bigla kang nag teleport doon sa pwesto niya?

"Stop moving," hinawakan niya ang kamay ko, which I immediately slapped away. Pati ako nagulat.

Hihingi na sana ako ng pasensya pero narinig ko na ang dahan-dahang pagbukas ng pinto. Pagbukas ng ilaw, sabay-sabay kaming lahat na tumayo at nagsabi ng–

"SURPRISE!"

Ipinutok nila ang limang party popper sa mukha ni Khairo.

"Gagi," his jaw dropped open. "Parang mga ewan, hindi n'yo naman kailangang-"

"Hep! Hep! Kantahan na 'yan! Birthday... Birthday... Birthday... Birthday..." Hindi kumpletong pagkanta nila rito.

Pasimple akong lumingon kay Kaori habang pumapalakpak. The smile on my face immediately disappeared when I saw the dark aura coming from her side. Her face is serious as if I've done really bad. Oh no, nagalit ba siya dahil sa paghampas na ginawa ko?

Pero hindi ko naman yun sinasadya. Sadyang nagreact lang ang sarili ko on her own at yun ang nagawa nito.

I was about to say something but she walked away. Nagpunta siya sa pwesto ng mga kabanda, sa pwesto kung nasaan si Catrina na malakas na kumakanta. At dahil ayoko namang maiwang mag-isa rito, ganoon din ang ginawa ko at nagpunta sa pwesto ni Gail.

"Bakit bigla kang nawala sa tabi ko?" Badtrip na tanong ko sa kaniya.

"The audacity of you to get mad. I should be the one asking that. Someone pushed me! Muntikan akong madapa! Ikaw ba yun?! Are you the one who pushed me?! Nagmadali-madali pa kayo e halos one minute pa naman ang lumipas bago pasok si Khairo rito loob!" Parang batang pagrereklamo niya.

Someone pushed her?

Curiosity immediately filled my body. Hindi ko nagawang tawanan ang bengkong na pagtatagalog niya. Posible kayang si Kaori ang tumulak sa kaniya? Kaya ito ang nahila ko imbis na ang kaibigan ko dapat? Kaya ba bigla nalang siyang sumulpot sa tabi ko?

Madiin ko siyang tinitigan. She's standing besides her bandmates, both hands in her pockets, while watching them greet the birthday boy. She's wearing a plain white t-shirt and grey jogger pants, unlike her schoolmates, who're all wearing their complete uniforms.

Nang lumingon siya sa banda ko, kaagad akong nag-iwas ng tingin.

Hindi nagtagal, naglakad na palapit si Khairo sa harapan, kung nasaan ang lamesang puno ng mga handa.

"Uy, Tamg!" Napansin niya ako.

"Happy birthday." Nginitian ko ito at tinanguan.

Nang matapos siyang kantahan, nagsimula na silang kumain. Nagpaalam namana na akong uuwi dahil napaaga ang dating ng sundo ko at naghihintay na ito roon sa labas. Ang kaso, hindi ako pinayagan ni Khairo na umalis.

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Where stories live. Discover now