CHAPTER 15: Cornered

1.4K 84 0
                                    

"Ano na? Sasama ka ba?" Tanong ni Zia sa kabilang linya. Katawagan ko s'ya ngayon.

"Oo nga, pero wait lang, okay? May gagawin pa kasi ako." Kailangan ko munang burahin sa phone ni Kaori yung video. Hindi ako papayagan nun kapag nalaman n'yang party ang pupuntahan ko ngayong gabi.

"Fine, just hurry up. Magsisimula na ang party maya-maya. We need you here!"

"Oo, nakabihis naman na ako." After saying that, ibinaba ko ang tawag at nagpunta sa kusina para kausapin si tita Kelly.

Tonight is the celebration of the 18th birthday of Zia's cousin. Kaya napili kong magsuot ng itim na fitted off-shoulder dress. Maikli ito, at hapit na hapit sa katawan ko. Gusto kasi nung debutant na dark colors ang susuotin namin dahil mag w-white s'ya. Pastel colors are prohibited.

"Oh, iha? Saan ang punta mo?" Tita Kelly asked.

"May party lang po akong pupuntanhan."

"Nakausap mo na ba si Tirseng?"

"Opo, magpapahatid po ako sa kan'ya tonight. Nasaan po pala si Kaori?"

"Nasa kwarto ata iha, bakit?"

"Ah, wala po, may itatanong lang sana ako sa kan'ya." Nginitian ko s'ya. "Hintayin ko nalang po s'ya sa kwarto n'yo. Okay lang po ba?"

Tumango ito saakin.

Dali-dali akong nagpunta sa taas at sumilip sa pinto. Halos magdiwang ako nang makita itong nakabukas. Nandoon sa banyo si Kaori, naririnig ko ang pagbuhos ng tubig mula rito. Nagpagawa si Papa ng CR dito last year. Para raw hindi na sila mahirapang bumaba taas sa tuwing gabi.

Tahimik akong kumilos at naghanap sa loob. Dahil maliit lang ang space, kailangan kong magdahan-dahan dahil baka may mabangga ako.

"There you are." I smirked after seeing Kaori's phone. Nakapatong ito roon sa lamesa n'ya, malapit sa pinto ng banyo.

Dinampot ko ito at binuksan—pero ganoon nalang ang panlulumo ko nang makitang may password nga pala ito. Oh damn it, Tamg! How can you forgot about this?!

Joke! Haha! Syempre napag-handaan ko na 'to 'no! Lagi ko s'yang sinisilip sa tuwing bubuksan n'ya ang phone n'ya. Medyo nahirapan pa nga akong kabisaduhin kasi madalas finger print lang ang ginagamit niya.

093876

Kulang nalang ay mapatalon ako sa saya pagtapos itong makitang bumukas. Ha! I'm so freaking happy right now! Lagot ka sa'kin, Kaori. Sa oras na ma-delete ko na yung video ko, ikaw naman ang pahihirapan ko. Lagot ka talaga sa'kin.

"Huh? Where is it?" I annoyingly whispered to myself.

Kanina pa ako naghahalungkat sa album at gallery n'ya pero hindi ko ito makita, kahit sa recently deleted wala. Sinearch ko pa ang date ng birthday ni Khairo dahil yun yung time na kinuhaan n'ya ako ng video. Pero wala, wala akong makita.

Puro mga pictures lang ng electric guitar ang nandito. Mayroon din s'yang isang stolen pictures habang hawak ang pulang electric guitar.

She likes guitars?

Tapos may video rin s'ya habang nagtatambol. Hininaan ko muna ang volume bago panoodin. Sa music room 'to ah?

Chinicheer s'ya ng mga nanonood. Kahit ako napapa cheer e, ang galing n'ya kasi. May nalalaman pa s'yang paghagis nung drumsticks sa ere.

Nag scroll pa ako at nag swipe-swipe para tignan ang iba. Hindi naman sa iniinvade ko ang privacy n'ya, okay? Hinahanap ko lang talaga yung video ko. Syempre hindi maiiwasang madaanan ang mga pictures at videos n'ya habang hinahanap ko ito.

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon