CHAPTER 7: Second Time

1.6K 87 0
                                    

"Ang tagal mo naman, ate! Saan ka ba nagpunta? Dapat talaga iniwan ka na namin, e."

Tinarayan ko lang si Bryle, ang bunso kong kapatid. Kung akala n'ya nakalimutan ko na yung ginawa n'yang pagsusumbong kay mama tungkol sa sitwasyon ko sa social media, hindi pa 'no!

Tatlo sila nila tita Kelly sa backseat, habang nasa passenger seat naman ako, katabi ni Papa.

"Uuwi na ba tayo?"

"No, we're going to a restaurant." Wika n'ya dahilan para magsalita si tita.

"Ho? Naku, mag co-commute nalang ho kami, Sir-"

"No. You and your daughter will come with us. Regalo ko narin kay Kaori dahil with high honor s'ya." Minata ako ni papa habang sinasabi iyon. "Kamusta nga pala ang pag-uusap ninyo ni Lynpen? Nakakatuwa ang batang yun, ngayon palang nakikitaan ko na ng potensiyal sa buhay."

"Goods naman." Nakakatamad sumagot. Mabuti nalang at hindi na s'ya nagtanong pa.

Sa isang kilalang restaurant kami ni papa dinala. Puro tuloy tanong si tita Kelly kung dapat ba silang tumuloy dahil nahihiya s'ya. Kinailangan ko pa siyang hilain papasok ng resto dahil nagbabalak na s'yang umuwi.

"Magtatampo ako sa inyo ni Kaori kapag umuwi kayo ngayon." Wika ni Papa habang tumitingin ng oorderin n'ya sa menu. "Sige na, pumili na kayo. Minsan lang naman ito, pabayaan n'yo na akong gumastos."

Katabi ni Papa si tita Kelly at si Bryle. Habang katabi ko naman si Kaori at ang bunso kong kapatid. Pabilog kasi ang lamesa kaya nakapalibot kami rito.

I lazily look at the menu while resting my cheeks on my left palm. Hay, sayang.. puro seafoods pa naman. Kaso sinong gaganahan kumain kung puro dakdak ang narinig sa buong byahe papunta rito? Binging-bingi na ang tenga ko sa boses ni papa.

"Ikaw iha? Anong gusto mo?" Tinanong ni Papa si Kaori, at nang hindi ito sumagot, nagsalita ulit s'ya. "Hm... I see.. you can't decide? Sige, it seems like everybody can't decide what they want to eat, bigyan mo nalang kami ng order bawat isa nitong nasa menu." Papa said to the waiter.

Alam ni Papa na malakas akong kumain kaya malakas ang loob niyang umorder ng gano'n kadami. Kaso kahit na anong kain ang gawin ko, hindi ako tumataba.

"Wow! I want that too!" Sigaw ni Bryle pagtapos makakita ng kaedad n'yang may hawak na cotton candy. "Papa! I want that too-"

"No, Bryle. Kakain muna tayo bago ka mag eat ng sweets." I scolded him.

"Pero I want that! Look, batman yung shape!"

Parang hindi grade 6 ang isang 'to, mygod! Next week na ang graduation n'ya, at turning highschool na s'ya next school year pero parang grade 2 parin hanggang ngayon.

"Fine. Come on, let's buy some-"

"Papa. Pakainin muna natin siya ng kanin."

"Papa, don't listen to her! She's a witch!" Sinamaan ako ng tingin ni Bryle.

"Abat-"

"Fine. Fine. Let's go, Bryle."

"I want tita Kelly to come with me." My little brother said. "Pahinga ka nalang dito Papa, si tita Kelly nalang sasama sa'kin."

Kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. I control myself from smirking. See what happens when you prioritize your work over your children?

Walang nagawa si Papa kung hindi ang payagan sila.

"So... What's your plan next school year, Kaori?" Papa started a conversation paglabas nung dalawa. "What strand are you going to take? And why?"

"HUMSS,"

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Where stories live. Discover now