CHAPTER 59: Regret

1.3K 65 23
                                    

"Iha, pabayaan mo na si Kaori d'yan sa mga bilihin. Tulungan mo nalang ako ditong magluto."

Kakarating lang namin sa bahay nila. Mga kalahating oras ata ang byahe mula doon sa grocery store na pinanggalingan namin kanina.

Nalaman ko kay Tita na sa kaniya ang bahay na ito dahil binila ito ni Kaori para sa kaniya. Pero si Kaori, madalas hindi dito umuuwi dahil doon siya sa penthouse niya tumutuloy. The house looks nice, I love the design and everything. Modern house na modern house ang datingan.

"Pasensya na sa anak ko kanina, ha? Sabi ko naman sa kaniya, p'wede namang isama natin yung kasama mo, pero ewan ko ba dun, ayaw niya. Sinasamaan ako ng tingin."

I handed her the knife right after she washed the pork. Nginitian niya ako, kaya ngumiti rin ako bago pumwesto ulit sa gilid. I watched her cut it while listening to her story. 

"Kailan pala kayo nagkita ni Kaori? Alam kong hindi yun ang una niyong kita dahil makapal na ang mukha niya. Hindi manlang na starstruck sa ganda mo e. Imposible."

I chuckled. "We first saw each other one week after I got back in the Philippines. It was our schoolmates birthdays that night, and she's with her band, tumugtog po sila ng mga 'to."

She hummed in response. "Hindi manlang nakuwento sa'kin. Napaka masikreto talaga ng batang yun. Kaya ang hirap niyang basahin e."

She truly is, Tita. Kahit ako hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isip niya. Her face is great at hiding what her true emotion is. She knows damn well how to not show it in front of everyone. 

"Alam mo ba? 'Yang si Kaori... Nung nawala ka, halos hindi ko na makausap nang maayos."

I went quiet after hearing what she said. 

"Parang nawala siya sa sarili niya. Ni pagkain para magkalaman ang sikmura, hindi na ginagawa. Para bang nasiraan na siya ng bait? Kahit pagbangon para uminom ng tubig hindi magawa ng batang yun. Nawalan siya ng dahilan para magpatuloy sa buhay. Gano'n siya naapektuhan sa nangyari sa inyong dalawa..."

I looked down and bit the inside of my cheeks to control my emotions.

"Pero nagpapasalamat ako sa'yo, Iha." She stopped cutting the pork to hold my hands. "Naiintindihan ko kung bakit ka lumayo at iniwan siya, Amhara. Mahal na mahal ka ng anak ko, handa siyang itapon lahat ng pangarap niya sa buhay para makasama ka lang. Nung gabing aalis na kayo? Alam kong hindi ko siya mapipigilan kahit na ano pang gawin ko. Desidido na yung mga mata niya, e. Para bang sinasabing buo na ang desisyon niya? Wala nang kahit na sino pang makakapigil sa kaniya." 

Humigpit ang pagkakakapit niya sa'kin kaya napaangat ako ng tingin.

"Kaya salamat nang marami, Amhara. Maraming-maraming salamat. Dahil sa'yo nandidito siya ngayon sa kinakatayuan niya. Natupad niya yung pangarap niya—at bilang Ina niya, tuwang-tuwa ako na makita siyang nagagawa niya lahat ng mga gusto niya."

My unexpected conversation with Tita was the best thing that happened to me this week. Ang sarap sa pusong pakinggan lahat ng mga sinasabi niya, lahat ng thank you at appreciation niya sa ginawa kong desisyon. 

I'm glad she understands me. She understands me more than I understand myself. To be honest, I started doubting myself about whether what I did was really the right thing to do or not. But after hearing her genuine words, nalinawan ako. 

"Tita, I'm just going to use the bathroom," pagpapaalam ko.

Naghahanda na siya ngayon ng mga pinggan sa lamesa.

"Sige, nando'n lang sa dulong bahagi nun," she pointed in the direction. "Kumaliwa ka lang, tas makikita mo na do'n." 

Tumango ako at naglakad na papunta doon. Nakasalubong ko pa ang kakababa lang na si Kaori mula sa second floor. And when she saw me walking without her mother beside me, she followed me. 

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Where stories live. Discover now