CHAPTER 5: Affected

1.7K 81 1
                                    

Wala sa sarili akong bumangon at naupo. Isiniksik ko talaga sa tabi ng bintana at pintuan katawan ko. What the hell was that for? Why did she kissed me?

Humigpit ang hawak ko sa headphones n'ya. Ni hindi ko na alam kung paano ko pa ito ibabalik sa kan'ya. Kung ilapag ko nalang kaya sa gitna namin? Oo tama, ilalapag ko nalang sa gitna namin.

Inilapag ko ito rito pero mukhang hindi niya napansin dahil nasa labas din ng bintana ang tingin n'ya. Grabe! Hanggang sa makauwi kami ng bahay hindi n'ya talaga ako nilingon! Hindi n'ya tuloy nakita yung headphones n'ya na inilapag ko sa gitna namin!

Nauna at nagmamadali pa s'yang lumabas. Ako naman, no choice kung hindi ang kuhain ang headphones niya. Ako nalang ang magbabalik nito sa kan'ya mamaya.

"Kao-" Halos mapairap ako nang pagsaraduhan n'ya ako bigla ng pinto.

Grabe ha? Kung makaiwas s'ya sa'kin para namang apektado ako ng isang malalang disease!

"Nasaan po si Kaori?" Kinabukasan, tinanong ko ang isa naming katulong nang hindi maabutan si Kaori sa table para mag breakfast.

"Ay iha, kakaalis lang. Hindi raw muna s'ya sasabay sainyo dahil may practice ng filming nila sa school." Si tita Kelly ang sumagot sa tanong ko, ang mommy niya.

Filming? E malapit na ang graduation? May special project ba na ipinagawa sa pilot section? Chikahin ko nga si Lynpen tungkol dito. Siya pa naman ang president nila.





tamgie_tamg
pst!





Kagat-kagat ang hatdog habang naghihintay sa reply niya. Pero nang hindi ako makatanggap, hindi na ako nag chat pa ulit. Busy ata ang mga yun sa filming nila.

Pagpasok sa kwarto, nadatnat ko ulit ang headphones ni Kaori na nakapatong sa taas ng mini cabinet ko.

Dalhin ko ba 'to para maibigay sa kan'ya after class? O hintayin ko nalang na makauwi kami tapos doon ko ibigay sa kan'ya?

Nakanguso akong nagpunta sa banyo pagtapos ilagay ang headphone sa loob ng bag ko. Seriously? Bakit ako ang problemado? Kung tutuusin s'ya ang nakagawa ng kasalanan sa aming dalawa. She kissed me without my consent! Dapat s'ya ang nagri-reach out sa'kin, hindi yung ako pa yung gumagawa ng paraan.

"Class dismissed." Nagligpit kaagad ako ng gamit pagtapos lumabas ng teacher ko.

Ganoon din ang ginawa ng kaklase kong si Sabrina at Linken bago ako nilapitan. Wala naman kami masyadong ginawa, nagpasulat lang ng notes kasi checking na raw next week.

"Tara, Free Space tayo, dala ko skateboard ko." Ngisi ni Sabrina bago itaas ang skateboard niya at mayabang na ipakita saakin.

Sus, porke bagong palit ng grip tape nagyayabang na.

"Ayoko, busy ako."

"Busy?" Napalitan ng dismiyadong ekspresyon ang mukha niya. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Walang busy-busy dito, sasama ka saamin." At saka n'ya ako inakbayan at sapilitang kinaladkad palabas ng room.

Bwisit naman! Plano ko pa naman sanang magpunta sa room ng pilot section para ibalik ang headphones ni Kaori na nasa sa loob ng bag ko ngayon.

"Teka, teka, papaalam lang ako sa driver ko." Saad ko pagtapos magpunta sa loob ng parking lot.

Nang hindi makita si Kaori sa loob nito, hindi na ako nagtanong pa. Baka nasa practice ang isang yun.

"Manong, hindi po muna ako sasabay. Sorry po kung hindi ko kaagad nasabi!"

Kumaway ako sa kan'ya pagtapos mailagay sa backseat ang bag ko. Kinuha ko lang saglit dito ang wallet at cellphone ko tsaka yung headphone ni Kaori kasi baka magkasabay kami mamaya sa pag-uwi.

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Where stories live. Discover now