CHAPTER 46: Her Side

1.4K 71 2
                                    

"Ayieeeee! Nag comeback na sila!"

Halos mapairap ako pagtapos marinig ang boses ni Linken. "Tinawagan mo ako para asarin?"

"Ayieee!"

"Hindi manlang sinabi satin 'no? Parang hindi kaibigan e," si Sabrina na sumali rin sa call, nagbukas pa ng camera. "Kundi ko pa nakita sa IG niya, di ko pa malalaman. Tsk, tsk."

"Makapag salita naman 'to? Wala nga kaming balita sa love life mo?" Pangbabara ko sa kaniya. "Ate girl, ibat-ibang babae yung nasa story mo po, pa'no namin huhulaan kung sino ang the one mo po sa mga yun?"

"Nang-aasar na ulit siya oh! Our old Tamg is back!"

"OA puta," Sabrina rolled her eyes.

Binaba ko ang tawag at nag ready na para pumasok sa school. 4th year college na ako ngayon, senior. Nung nakaraang linggo lang nagsimula ang klase namin, at ang dami kaagad ginagawa.

Kaklase ko parin sila Farrel at ang iba ko pang kaibigan. Tumatawag nga ang mga yun sa'kin kanina e. Mukhang nagulat silang lahat pagtapos kong mag post ng picture namin ni Kaori. It's not just a picture; we're both kissing there, and I captioned it, 'I love you.'

"Know I know. Kaya pala na highblood nung sinabi kong ireto niya ako dun!"

"May something!" Sabay-sabay nilang isinigaw.

"Mag tigil nga kayo," tinulak ko palayo ang mga mukha nila at naupo sa upuan. Pero si Farrel, sinundan ako.

"Ang dami mo nang utang na chika samin teh, ano? Wala ka paring balak mag kwento? Maawa ka naman samin oy! Konti nalang magpapaka detective conan na ako para lang makalanghap ng chika mo e!"

Umirap ako. "She's my girlfriend. Ayan? Okay na?"

"Hinde parin talaga teh! Syempre dapat may kasunod na kailan? Bakit? At sa paanong paraan?"

"Oo nga! Oo nga!" Nakisali ang iba.

"Fine. We know each other since grade school, at nung time na nag perform sila dito, ex ko na siya nun. Matagal nang may something saamin, hindi ko pa kayo kilala."

"Kahit ako?!"

"Oo teh!" Sigaw ko kay Farrel. "Charot. Pero totoong mas nauna ko siyang makikala kaysa sa'yo. Wala palang talagang something saamin nun kasi magkakaro'n palang." I laughed. 

At nasundan pa nga po ang mga tanong nila. Tinigilan lang nila ako nang pumasok na ang isa sa mga Professor namin sa loob. Syempre wala silang ibang nagawa kung hindi ang magsipag balikan sa mga upuan nila. At dahil nga maraming pinapagawa saamin ngayon, dito na nila itinuon ang focus nila.

"Happy anniversary!" Niyakap ko si Kaori at hinalikan sa labi.

Today is our first anniversary. Counted ba yung 5 months namin from the past? Hindi kasi namin 'to isinali dahil niligawan niya ulit ako at bago ko siya sagutin, sinugurado kong kaparehong date ng original monthsary namin ang araw na yun. Gusto kong manatiling pareho—kahit na gusto naming magsimula ulit.

"I can't still believe it, baby. I'm really, really happy that we're doing well in this relationship." 

Yakap-yakap niya ako mula sa likuran habang pareho naming pinagmamasdan ang city lights dito sa tuktok ng rooftop ng restaurant sa baguio.

She said that she wants this moment to be extra special. Nag-ipon siya para dito, ni hindi niya manlang ako hinayaang gumastos. Ang tanging nagastos ko lang ay yung regalo ko sa kaniyang customize silver locket necklace na may nakaukit na pangalan naming dalawa.

"Have you ever thought of meeting my father again?" Hindi ko alam kung bakit kusang lumabas sa bibig ko ang bagay na yun.

I can feel her body flinching after what I said, but I continued. 

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Where stories live. Discover now