CHAPTER 14: Weird

1.5K 80 0
                                    

"Hindi ko alam, Lynpen. Bakit n'ya naman kasi sasabihin yun diba?" Ginulo ko ang buhok ko. Talagang naguguluhan na sa mga nangyayari.

"Just think about it. Baka may nagawa kang something sa kan'ya dati? Something bad? Para magtanim s'ya ng sama ng loob sa'yo?"

Something bad? E yung pang b-blackmail n'ya nga saakin ngayon ang something bad dito.

Kaso hindi yun alam ni Lynpen, e. Wala rin akong planong sabihin sa kan'ya dahil mapapagalitan ako kapag nalaman n'yang this time, si Dicksen from Ateneo ang kasama ko sa video na nakuha saakin ni Kaori.

"What about when you guys are still young? Inagawan mo ba s'ya ng barbie? O kaya sinira mo mga laruan na bigay ng mommy n'ya?"

This is bullshit. Hindi nag ba-barbie ang isang yun. More on music s'ya kahit nung maliliit palang kami.

I just sighed.

Ang hirap pag-usapan ang bagay na 'to kapag hindi alam nung kausap mo lahat ng mga nangyari. Ayoko namang sabihin sa kan'ya dahil ayokong masermunan. Pagagalitan niya ako malamang!

Promise, last na talaga 'to. Titigil naman na ako sa pagiging player ko dahil natuto na talaga ako. Hinding-hindi na ako makikipag halikan sa party. Kahit na nasa tagong lugar pa kami, titigil na talaga ako. Who knows? Uso ang biglaang pagsulpot ng mga may dugong hapones na mahilig manguha ng pictures at videos.

"Or she's talking about her feelings?"

"Huh?" Natahimik ako sa sinabi n'ya. "What feelings? What do you mean?" Agad akong sumeryoso.

"Hindi ako sigurado, okay? Pero parang iba kasi yung ibig sabihin ni Akagi sa sinabi n'ya sa'yo. I feel like she's referring to her feelings."

I bit my lower lips.

Right. She kissed me two years ago.

"Remember the night when we talked about her? Yung time na sinabi mo saakin na hinalikan ka n'ya? Just think about it. Bakit n'ya naman gagawin 'yon without any motives? Syempre she likes you. She's into girls, I think? Pero depende parin, hindi ko kasi alam ang takbo ng isip n'ya. Hindi rin naman kami close, hindi ko rin s'ya nakikita araw-araw kaya hindi ko mapag-aaralan ang kilos n'ya."

Natahimik ako.

Pinakiramdaman ko ang pagtibok ng puso ko. Ganoon nalang ang takot na namuo sa dibdib ko nang maramdaman ang biglang pagbilis nito.

***

"Ikaw ha! Nakita ka raw nila Owen na puro mga taga stem kasama nung isang araw!" Pilyong binangga ni Linken ang balikat ko.

"Pwede ba? Huwag ang buhay ko ang pagkaabalahan mo."

"Sus! May bago ka nanamang lalaki ro'n 'no?" He smirked before glancing at Sabrina. "Tirador talaga ng stem 'tong kaibigan natin. Hindi manlang nagtanda do'n sa inabot n'ya kay Aris."

"Excuse me, he's a GAS student." I said. But Linken just rolled his eyes.

"Ginugulo ka parin ba nun?" Hindi pinansin ni Sabrina ang sinabi ko.

"Paanong guguluhin e mga binanatan n'yo." Umismid s'ya kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Sige, subukan mong itanggi. Nakita ko yung post nung tropa n'ya, nasa ospital si Aris. Bakit mo naman binasag yung mukha?"

"Hindi naman tungkol sa'yo yun. Binutasan n'ya yung gulong ng sasakyan ko." She answered.

Nabalitaan ko nga rin.

Muntikan makulong si Sabrina last week dahil sa ginawa n'ya kay Aris. Nung sinubukan kasi ako nitong guluhin, nakita ito ni Sabrina. Kaya ayun, nagkasagutan silang dalawa. Napikon si Aris kaya binutas nito yung gulong ng sasakyan ni Sabrina. Akala n'ya ata hindi makikita sa CCTV ng school.

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Where stories live. Discover now