CHAPTER 4: Unexpected

1.9K 97 5
                                    

"Mama?"

Si mama ang sumalubong saakin imbis na ang inaasahan kong si Kaori. Nagulat pa ako ng kaunti dahil isang beses lang sa isang buwan kung umuwi ito saamin.

"Your brother told me your situation right now. Pinagkakaguluhan ka raw sa internet?"

"I'm fine. What are you doing here, anyway?"

Himala ha... nagtanong s'ya tungkol sa situation ko. What's her deal? May camera ba? Anong ganap? Bakit nagkocosplay ng pagiging mabuting magulang ang isang 'to?

"I already told you before, Amhara. Stop with this nonsense. Stop being a playgirl, and just focus on one boy if you really want to be in a relationship. Hindi ka naman namin pagbabawalan ng papa mo. But please! Please, just be responsible."

I bit the inside of my cheeks and look away.

"You're just 15, did you forget that? Ang bata mo pa para madawit sa mga ganitong issues! Hindi pagiging cool ang pagiging cheater!"

"I'm turning 16 this year, and for your information, I did not cheat."

"Oh God! Kung gan'yan lang sana kadaling maniwala sa mga sinasabi mo! Ano ngayon kung mag s-sixteen ka na this year? Aba! Minor ka parin!" Napasapo s'ya sa noo n'ya. Parang ipinapahiwatig na suko na s'ya sa'kin. "You know what? You need to learn your lesson. Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ka ng ganitong issue-"

Humikab ako. "I just want to sleep."

"Hinde! Kaya ka nagkakaganito dahil palagi ka naming binibaby. Nasanay ka na palaging pinapalampas 'yang mga ginagawa mo. I'm warning you, Amhara. This will be your last chance. Kapag may nabalitaan pa ulit akong hindi maganda tungkol sa'yo, magsimula ka nang magpaalam sa allowance at d'yan sa mga gadgets mo. Kahit computer ipapakuha ko!"

Nanlaki ang mata ko. "You can't do that-"

"Oh yes, I can, do you want to try it?"

I clenched my jaw in annoyance. Pinanood ko s'yang talikuran ako at bumaba ng hagdan.

Someone chuckled. Kaagad akong tumingin kung saan ito nanggaling—and there I saw, si Kaori habang nakasandal sa pintuan n'ya at pailing-iling na nakatingin saakin.

"What's so funny?" Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Stop smirking, or else..."

"Or else?"

"I will punch those lips of yours." Iritado ko s'yang pinagsarhan ng pinto. Narinig ko pa ang mahinang pagpapagalit sa kan'ya ni Tita Kelly dahil sa pang-aasar na ginawa n'ya saakin.

AaaaaaAaaahhh!!!! I really hate her. She's annoying, irritating, and her attitude! Damn it! Her attitude! Mas malala pa ang ugali n'ya kay Sabrina!

Hindi ko alam. Sa tuwing inaasar naman ako nila Linken, hindi ako napipikon, gumaganti pa nga ako. Pero kapag siya yung nang-aasar sa'kin halos mapunta na lahat ng dugo ko sa ulo. Pakiramdam ko para akong gasul na ready sumabog!

Kinabukasan, napagpasyahan naming tumambay na muna sa library habang wala pang ginagawa.

"Oh stop, Sabrina!" Itinulak ko palayo ang mukha n'ya nang ilapit n'ya ito sa leeg ko. Kanina n'ya pa ako ginugulo. Lahat na ata ng pang-aasar nagawa n'ya na. "Stop bothering me, I'm not in the mood."

"E ano nga kasing nangyari? Hindi ka ba naaawa sa'kin? Kanina pa ako nakapout oh."

I stared at her, and she's doing puppy eyes right now. I hysterically laughed.

"Please, huwag ako. Kung yung iba mong chiks nadadali mo sa gan'yan, huwag mo ako itulad sa kanila. Hindi ako bading, uy!"

"Para namang papatulan kita."

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Where stories live. Discover now