CHAPTER 6: Graduation

1.6K 91 0
                                    

"Akagi Kaori, with high honor."

Pinanood ko si Kaori na sumampa sa stage at maglakad papunta sa dean ng school na namin. Kasama n'ya si tita Kelly, sinuotan s'ya nito ng medalya at ribbon dahil best in english, math, at filipino rin kasi s'ya.

Napanguso ako habang pinapanood sila. Kung sino pang hapones s'ya pa 'tong nakatanggap ng best in Filipino.

"Nakita mo 'yan? Bakit hindi ka maging katulad n'yan?" Kaagad akong napairap nang magsalita si Papa.

Graduation namin ngayon at s'ya ang sumama saakin. Si mama kasi hindi pwede dahil may importante raw s'yang trabaho na kailangang puntahan. Sabi ko nga kay papa, huwag na s'yang pumunta kasi wala naman s'yang gagawin dito. Mauupo lang s'ya at mabobored kakapanood sa mga schoolmates kong nakakatanggap ng parangal.

"Hindi kita maintindihan, Amhara. Binibigay ko naman sa'yo lahat ng pangangailangan mo. Sobra-sobra pa nga ang allowance mo, hindi ba?"

Kung may earphones lang ako, kanina ko pa sinalpak sa parehong tenga ko.

"Bakit hindi ka maging katulad ni Kaori? Tsk, tsk, pag-aaral nalang ang aatupagin mo, hindi mo pa magawa nang maayos. Hay nako, nasasayang lang ang pera sa'yo."

Malapit nang matapos ang event at pinagsasabihan n'ya parin ako. Akala ko nga titigil na s'ya pagdating nila Kaori at tita Kelly pero hindi. Parang mas lumakas pa ang battery ng matandang 'to para ipahiya at icompare ako kay Kaori.

"Congratulations, Kaori. Kung sana'y katulad ka lang ng anak ko, pareho sana kami ni Kelly na umakyat ng stage kanina."

Kaori is looking at me emotionless, hindi ko tuloy alam kung anong iniisip n'ya habang tinitignan ako.

Nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring inaayos ang toga ko.

No lie, pakiramdam ko ang liit-liit ko ngayon habang kasama silang tatlo. Tita Kelly looked at me with her apologetic eyes, habang pilit na tumatawa sa mga panglalait at pangkukumapara na ginagawa saakin ni Papa.

Well, I know she needs to do that para iparamdam sa matanda na tama ang mga sinasabi nito. He's still her boss, so I understand.

"Tito,"

"Sabrina." Tawag ko sa kaibigan ko nang bigla siyang mag mano kay Papa. Kahit si Papa, nagulat sa biglaang pagsulpot n'ya.

"Pwede hong mahiram si Tamg?" Tanong n'ya bago magpunta sa pwesto ni tita Kelly para mag bless din dito. Kaori looked at her annoyed, but she continued. "Good afternoon po."

When I realized that Sabrina was holding a bouquet of yellow oleander, my eyes immediately widened in shock.

Dali-dali ko s'yang nilapitan at mahigpit na hinawakan sa braso. "What the fuck, Sabrina?"

"Why?" She laughed, smirking.

"What do you think you're holding-"

"Who are you?" Papa cut me off. He's looking at us suspiciously kaya binitawan ko ito sa braso. "And why are you holding a bouquet of unfamiliar flower?"

"Para ho sa anak n'yo," at saka ibinigay saakin. I gulped before accepting it. "Pwede ko ba po s'yang mahiram?"

"You did not answer my first question. Who are you?"

"I'm her friend," ngiti n'ya nanaman. "Pwede ko na po ba s'yang mahiram?"

Halos mapasapo ako sa noo ko. Damn it, Sabrina! Wala ka talagang pinipiling tao!

"Hindi kita nakitang umakyat para kumuha ng medalya kanina, so I assume isa ka sa mga bad influence na nakapaligid sa anak ko. Hindi p'wede." Striktong wika ni Papa.

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Where stories live. Discover now