CHAPTER 30: 50/50

1.3K 69 3
                                    

"Sabrina is still not here?" Inilapag ni Van ang dala-dala niyang bag sa bakanteng upuan.

Dahil nasa tabi ni Gail ngayon si Lynpen, at katabi niya naman sa kabilang banda si Linken, ang upuan sa dalawang pwesto ko ang naging bakante.

"Anong nangyari d'yan?" Van asked after seeing the situation of Gail and Lynpen. Inangat ko naman ang bag niya na siyang nagpakunot ng noo niya. "Bakit?"

"Dito nakaupo si Lynpen,"

"No, it's okay, dito nalang ako." Lynpen said, causing for my jaw to clenched in annoyance. Lynpen naman! Ayoko silang katabi!

Pero mukhang ayaw din katabi ni Lynpen si Van kaya no choice ako kung hindi ang manahimik. Ano kaya kung sa upuan nalang ako ni Van maupo? Tapos ibigay ko ang upuan ko sa kaniya? Para kahit papaano napapagitnaan niya kaming dalawa nitong hapones na 'to?

"Uy, nandito pala si Kaori." Linken chuckled.

I swear to God! I swear to God! Subukan mo lang Linken!

Kahit na ayokong tumingin, nag-angat parin ako ng tingin. She nod at Linken, ganoon din ang ginawa niya sa dalawang katabi nito nang batiin siya nito.

I looked away.

She has her electric guitar inside a bag on her back. Nakasabit ang tali ng lalagyan nito doon sa balikat niya. Ang simple-simple ng outfit niya kumpara kay Van pero nakakaagaw pansin parin ito. Kahit yung ibang mga babaeng customer na nasa harapan ang table, lumilingon sa banda namin.

They're probably talking about her because I saw them point at her and then whisper to each other.

"I'm just going to order our drinks. Gusto niyo magpadagdag?" Van raised a brow while looking at us. Then he turned his gaze to Kaori when she saw her still standing. "Tamg, help her with her electric guitar."

Kumunot kaagad ang noo ko.

"Masikip, tulungan mo na," he added.

Tatanggi sana ako pero inabot na saakin ni Kaori yung gitara niya. Wala nga sana akong planong abutin ito at balak ko pa sanang mag attitude kaso kusang gumalaw ang mga kamay ko. Sila mismo kumuha nito. Mga taksil!

Masikip nga naman talaga ang daanan dahil may nakaharang na lamesa.

Paglapag ko nito, hindi ko sinasadyang maibangga ito sa dulo ng upuan na siyang dahilan para makagawa ng malakas na tunog. Naramdaman ko ang pagtingin sa'kin ni Kaori.

Sa sobrang kaba, nagpatay malisya ako at nagkunwaring walang narinig. Buti nalang at hindi nang-aasar si Linken ngayon.

"Kaori, what's yours? Milktea or Frap?"

"Milktea, salted caramel." She answered while walking towards her seat.

Medyo umatras ako para hindi kami magkabanggaan. Bakit kasi nandito pa 'to e! Bakit ba kasi naging katabi ko pa 'to e!

Ang awkward, huling interaction pa naman namin ay yung pinapalayo ko siya dahil ang pakielamera niya. Last week yun, hindi ko naman inakalang masusundan pala next week! At yun ay this week!

Nang tuluyan na siyang makaupo, inilabas ko ang phone ko at nagkunwaring busy. Fuck, ang bango niya! Amoy na amoy ko yung mabango niyang pabango! Parang gusto ko tuloy lumapit tapos hithitin siya sa leeg.

Kaagad akong napailing. What did I just say? Erase! Erase!

How about lumipat na ako sa upuan ni Van habang maaga pa? Pero baka kapag ginawa ko yun, baka isipin nilang bothered ako masyado. No! No! No! Ayoko nun! Nandito pa naman sila Linken at Gail. Ayos lang sana kung si Lynpen, dahil alam niya naman lahat ng mga pinag-daanan ko. Pero itong dalawa? Wala pa sa kalahati ang alam nila!

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Where stories live. Discover now