CHAPTER 50: Hardest Decision

1.3K 59 5
                                    

Umawang ang labi ko sa gulat nang hablutin ni Bryle palayo ang phone ko kay Papa. Dali-dali niyang pinatay ang tawag.

"What the hell?!"

"Stop invading her privacy!" Sigaw niya dito. Tapos ay lumapit siya sa'kin. "Ate oh.. your phone."

He's so brave for doing that. Kahit ang panga ni Mama, halos malaglag na sa sahig habang pinagmamasdan kaming dalawa.

Lumapit si Papa at hinawakan siya sa collar ng damit niya. "Bryleson! What do you think you're doing?!"

"No. What do you think you're doing? This is abuse!"

"W-What? No, it's not!" Bumitaw siya sa pagkakahawak sa damit. "I'm not abusing any of you!"

"What do you call this then? Anong tawag mo sa ginawa mong pananampal sa ate ko kanina?!"

"Don't shout! I'm not abusing your sister! I'm just telling her what's best for her! Para rin sa kaniya 'to!" Papa turned his gaze to Mama. "Pagsabihan mo 'yang mga anak mo. Lumalaking bastos at iresponsable!"

And then after that, he left us all behind. Pabagsak niya pang sinarado ang pinto. Si Mama tumingin lang sa'min saglit, tapos ay umalis na rin.

Just great. After what they did?

"Ate..."

"Thank you," umiiyak ko siyang niyakap. "Thank you for doing that.. you saved me from that monster."

"Ate ayokong mapahamak ka. Hanggang ngayon naalala ko parin hanggang ngayon kung pa'no ka nila pinarusahan pagtapos malaman yung tungkol sainyo ni ate Kaori. I don't want that to happen again. I don't want you to experience it again."

I nodded. "T-Thank you.. t-thank you.."

Just how cruel the world is?

Akala ko pa naman may pag-asa na akong ipagyabang sa kanila ang mayroon saamin ngayon ni Kaori. Akala ko mapapatunayan na naming hindi lang kami basta naglalarong dalawa. Akala ko magiging okay na lahat. Pero mukhang hindi pala gano'n kadali yun... Bakit parang halos lahat sila tutol sa mayroon saaming dalawa?

This is how cruel the world is, huh?

I was about to go to sleep when I heard a knock coming from my door.

"Who's that?" I stood up and walked towards it. Pagsilip ko sa butas, agad na nanlaki ang mga mata ko.

I opened the door.

"What are you doing here?!" Pabulong na isinigaw ko.

Mabilis niya akong niyakap, mahigpit, pero hindi nakakasakal.

"You got me worried so damned much.. I thought I'd die.." mas humigpit pa lalo ang yakap niya. "Are you okay? Tell me, where did he hit you? I'll kill him-"

"Iha, huwag masyadong malakas ang boses, baka marinig ni sir." Si manong Tirseng na nasa likuran lang niya. Kasama niya ito pagsilip ko sa butas ng pintuan. Mukhang ito ang dahilan kung bakit nakapasok siya sa loob ng bahay.

"Baby, I feel sorry for you.. please.. I'm really sorry," sunod-sunod niya akong dinampian ng halik sa labi habang parehong nakahawak sa pareho kong pisngi ko.

"It's not your fault." Hinila ko siya papunta sa loob. "Manong Tirseng, we'll just talk for a minute. Balik po muna kayo dun sa labas, tapos akyat nalang po ulit kayo after 30 minutes. Thank you."

Pagsarado ng pinto, nakatanggap agad ako ng malalim na halik mula sa kaniya. I responded to her kiss. Wala pa sana siyang balak tapusin ito kung hindi ko lang siya tinulak palayo.

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Donde viven las historias. Descúbrelo ahora