Chapter 54

116K 3.1K 287
                                    

Lauren's POV

Mahigpit ang yakap sa akin ni Austin. Kumapit ako sa leeg niya at sinagot ang mainit niyang halik. Mariin ang pagpikit ng aking mata dahil sa sensasyong nararamdaman. Binubuhay ng sensasyon na ito ang bawat himaymay ng aking katawan.

Unti-unting umangat si Austin kaya ngayon ay nasa ibabaw ko na siya. Hinawakan niya ang aking pisngi at pinatakan nang mariin na halik sa labi. We are gasping for air when our lips parted.

"Damn! As much as I wanted to make love with you wife, I shouldnt. Because of the babies and because of what happened," he murmured. I open my eyes and cupped his face.

"Okay lang hubby. Alam ko rin na kailangan mong mag-ipon ng lakas. As what you've said, we have forever," saad ko. Ngumuso siya at napailing saka pinatakan ako ng halik sa noo.

Bumaba ang halik niya sa aking pisngi papunta sa aking tenga...

"I love you wife," bulong niya.

Napapikit ako sa sinseridad ng boses niya. Nakakainis na mga luha 'to! Masyado akong emosyonal dahil sa pagbubuntis.

"I love you too, hubby," bulong ko.

He smiled sweetly and rested his face on the hollow of my neck. Ramdam ko ang malamyos niyang paghinga sa leeg ko. Nilagay ko ang kamay sa kanyang itim na buhok at sinuklay ito. Humigpit ang yakap niya sa akin.

"Inaantok ka, hubby?" I asked. He chuckled at nag-angat ng tingin.

"Hindi ako natutulog, we can't sleep," saad niya. My forehead creased.

"Weh? Bakit sa napanaginipan ko, tulog ka?" I asked nang maalala ang senaryo kung saan nasa dibdib niya ako (Asha) at kapwa kami natutulog.

He smiled again and put some strands of my hair at the back of my ear.

"I was not sleep during that moment. I just closed my eyes and I was thinking about many things. At sa sobrang lalim noon, mapagkakamalan mo ng tulog, because I was too focused about my thoughts," aniya. I nodded at muling nag-isip.

"Eh bakit ako, nakatutulog?" tanong ko.

He kissed my nose and stared at me lovingly.

"As I have said, you're just partly a vampire. Mas malakas ang dugo mo sa pagiging dyosa. And goddess do sleep," aniya.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

He chuckled.

"Because you're sleeping. That's how I concluded that," he answered again while staring at me with his perfect eyes.

Sabi ko na nga ba kahit nasa mundo pa lang ako ng tao, dyosa ako eh. 'Di ba? Tama ako! Tsk!

"Eh, bakit..." Kinapa ko ang dibdib ko at pinakiramdaman. "Parang 'di naman tumitibok ang puso ko pero ramdam na ramdam ko pa rin ang emosyon directly sa puso?" I asked.

"It's still beating wife. I can hear its faint beating."

"Pero 'di ba sinaksak mo na 'to?" takhang tanong ko.

He chuckled and pinched my cheeks.

"Because you're a goddess. That's the reason behind your questions baby," natatawa niyang saad. Uminit ang pisngi ko nang mapagtanto na ang dami ko ng masyadong tanong. Sorry naman.

Napabalikwas ako nang may malakas na katok ang umistorbo sa paglalambingan namin. I pouted while Austin just chuckled at tumayo para buksan ang pinto.

Ngunit nabura ang ngiti sa labi niya nang makita ang pag-aalala sa mukha ng taga-silbi.

"What is it?" he asked seriously.

Being The Vampire King's BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon