Chapter 23

186K 5.4K 478
                                    

Lauren's POV

Nagising ako sa 'di pamilyar na k'warto. Queen-sized bed, red curtains and a crystal chandelier that giving the room a cozy light welcomed me. Napahawak ako sa ulo nang kumirot iyon nang kaunti.

I sighed bago umalis sa malambot na kama. Nasaan ba ako? Si Austin? The last thing I remember is, Austin carrying me while running. Iniwan namin si Clark.

Nakakalungkot ang nangyari. Naaawa ako sa bestfriend ko. Yeah, tinuturing ko pa rin siyang bestfriend. Sana, mahanap na niya ang tamang babae para sa kan'ya. I wish for Clark's happiness.

Pumunta ako sa closet at kumuha ng roba since naka night gown ako. Ang daming damit, at lahat ay para sa babae. Mukhang sukat ko naman. Pero hindi na lang ako nakialam. I just picked a silky robe bago lumabas ng kwarto.

I almost gasped when I saw the place outside the room. Damn, so classy, elegant and luxurious. Nagkalat ang mamahaling mga gamit sa paligid. The paintings are vintage pero halata na ang halaga nito ay hindi mapapantayan. Sandali kong tinahak ang isang hallway at bumungad sa akin ang engrandeng hagdan.

Ang bawat baitang ay natatakpan ng red carpet. Makinis at makintab ang hawakan. Mataas ito at sigurado akong nakakapagod na lakbayin. Lakbayin talaga? Hmm.

I started to make steps. After few minutes ay natapos ko ng hakbangin ang hagdan. Sumalubong na naman sa akin ang hallway na maraming mamahaling mga vases, paintings at decoration. Not boring, dahil nalilibang ako sa mga nakikita.

Napapadyak ako sa kinatatayuan nang makita na naman ang katulad na taas ng hagdan kanina. Bwesit! Kakapagod kaya. Tss, no choice. Kailangan, eh.

Matapos no'n ay binaba ko pa ang isang hagdan bago mapunta sa lugar na maraming pinto. Out of curiosity, inisa-isa ko iyon only to find out bedrooms. Ang dami, magaganda pero 'yong kwarto ko kanina ang pinakamaganda. Bawat kwarto ay may mga furnitures, at mga mahahalagang kagamitan at alam kong lahat ng iyon ay mamahalin.

Napasimangot ako at tinahak ang isa pang hagdan, NA NAMAN! Humihingal ako nang matapos iyon.

Nanlaki ang mata ko at napatalon-talon sa tuwa nang makita ang isang babae na nakasuot ng maid uniform. Dali-dali ko siyang nilapitan at hinawakan sa magkabilang balikat at inalog-alog. Nanlalaki ang mata niya na mukhang nabigla.

"After many years! Yes! Pwede bang dalhin mo ako sa first floor! Please!" And I used my cutest puppy eyes ever.

Napakurap siya at yumuko.

"Mahal na reyna, hindi na po ninyo kailangan magmakaawa. Dadalhin ko na po kayo sa first floor," aniya saka hinawakan ako sa balikat.

Sa isang kisap-mata ay nasa first floor na ako.

Napanganga ako dahil sa ganda. Makakasalamin ka na sa tiles na sahig. May malaking crystal chandelier sa pinakagitna at nagkalat sa iba't-ibang parte ang mga mini chandelier dahilan para maging napakaliwanag ng paligid sa paraang hindi nakasisilaw.

"Austin!"sigaw ko.

Napatingin sa akin ang mga kawal na nasa gilid, pati na rin ang mga busy na kasambahay at sabay-sabay na yumuko.

"Hi. Hehe," bati ko.

Namula ako dahil sa kahihiyan.

"Ate, nasaan si Austin?" baling ko sa isang babae.

Ang uniform nila ay itim na longsleeve polo at naka-tuck in sa pencil cut skirt na itim din. May mga linings itong kulay pula. Their hair are fixed into bun.

"Wala po ang mahal na hari, mahal na reyna. Ngunit sinabi po niyang babalik din agad siya," sagot nito.

Tumango ako saka muli siyang binalingan.

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now