Chapter 22

177K 5.4K 480
                                    

Lauren's POV

Sa pagmulat ng mata ko ay sumalubong sa akin ang madilim na paligid. Suminghap ako ng hangin at akmang gagalaw nang maramdaman na nakatali ang katawan ko sa puno. Pinilit kong aninagin ang paligid at sa tulong ng sinag na nanggagaling sa buwan ay nalaman kong nasa gubat ako.

Damn, gubat na naman. I already have a bad impression on forest. Last time na napunta ako sa gubat is a disaster. Dahil iyon kay Clark.

Unti-unti akong natigilan sa paglinga nang maalala ang huling oras na may malay pa ako kanina. Si Clark! I thought it's Austin base na rin sa presensiya niya. Hindi ko alam pero hindi pa ako nagkamali ng pagkilala sa presence ng asawa ko. Kahit nakatalikod pa ako alam kong siya iyon but how come it's Clark?

Kaya rin ba wala akong naramdamang parang paghila kanina na lagi kong nararamdaman dahil kay Austin? Lagi kasing bahagyang kumikirot ang parte sa leeg ko na kinagat niya nang gabi ng ritual tuwing malapit si Austin. At nararamdaman ko na bahagya akong hinihila ng kung ano. That might be our bond.

Pero kanina, basta alam ko lang na katulad iyon sa presensiya ni Austin. Hindi ko naman na pinuna because I didn't expect this to happen!

"Lauren."

Tumama ang liwanag ng buwan sa mukha niya. I saw how his eyes twinkled as the light of the moon reflected on it. Ang matangos niyang ilong at ang pares ng dimple niya na kahit hindi siya ngumiti ay bahagya nang nakalabas ay pamilyar na pamilyar sa akin.

Despite of what happened, of what he did... I still miss him. I am still longing for him. He's my bestfriend for many years. At naging malaki na ang parte niya sa buhay ko... sa puso ko. He's my bestfriend that's why I love him. He's my protector. Naalala ko ang panahong lagi kaming magkasama. I was never sad on his company because he's really nice. My bestfriend.

"Clark..." Bulong ko.

Nakita ko ang pagdaan ng emosyon sa kan'yang mata. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya saka lumapit at lumuhod sa akin. Gumalaw ang ulap dahilan para lumiwanag ang paligid. Nabigyan ng buwan ng liwanag ang paligid sapat na para mas mapagmasdan ko siya nang maayos.

"I miss you, Lauren." Bakas ang lungkot sa boses niya. I can feel it, and I miss him too.

"Clark, na miss rin kita," sagot ko.

"Really?"

Napuno ng saya ang mata niya kaya napangiti ako. Tumango ako habang nakatitig sa kan'ya

"I miss you... my dear bestfriend."

Nawalan ng emosyon ang mukha niya. Kaya natigilan ako. May nagawa o nasabi ba akong mali? And it hit me. I remember the last time we were together.

Mahal niya ako higit pa sa kaibigan. Damn it, nasasaktan ako dahil nasasaktan ko si Clark. But I can't give back that feeling. Kaibigan lang, bestfriend ang turing ko sa kan'ya. May nagugustuhan akong iba, at malinaw na malinaw na si Austin iyon. At siguradong hindi magtatagal ay mamahalin ko na rin siya. Or maybe mahal ko na siya but I won't tell him, not yet. Gusto kong sigurado na, saka ko sasabihin.

"Bestfriend..." Mapait siyang ngumiti saka walang emosyon na tumawa.  "Hanggang do'n lang ba talaga, Lauren?" tanong niya.

Puno ng pagsusumamo ang mata niya. Alam kong masakit ito, but it's better to hurt him by the truth than to comfort him with a lie. At hindi ko kayang magsinungaling. Dahil alam kong si Austin ang nagmamay-ari sa akin. I was made for Austin, we were made for each other.

Dahan-dahan akong tumango. "Yes, Clark. I know it hurts, pero 'yon ang totoo. Kasal na kami... we already did the ritual. Please just be happy fo—" he cut me off.

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now