Chapter 33

128K 3.6K 391
                                    

Lauren's POV

Pinanatili kong pikit ang aking mata at pinakiramdaman ang paligid. Parang gusto kong magmura dahil pamilyar ang ganitong scene. I was abducted again? Bakit ba lagi akong napupunta sa ganitong situation? Maybe because of my carelessness. Or mapanganib lang talaga ang buhay ng isang reyna? O malas talaga ako?

Kinalma ko ang sarili ko at hindi nagpahalatang gising na nang makarinig ako ng mga yapak. Naramdaman ko rin ang lamig ng paligid at lamig ng kinasasandalan ko.

Naramdaman ko ang presensya sa harap ko kaya nakaramdam ako ng kaba. The aura is emitting danger. Damn it, I'm in danger again.

"Pretending to be asleep, huh?" aniya.

Nagsitayuan ang balahibo ko ng marinig ang boses na iyon. Katulad na katulad sa boses ng dumukot sa akin sa library.

Napaigik ako nang maramdaman ang mahaba niyang kuko na hinawakan ako sa pisngi. Ramdam ko ang pag-alpas ng dugo mula roon nang bumaon ang kan'yang kuko dahil sa higpit ng hawak. Napilitan akong magmulat at sumalubong sa akin ang pamilyar na pulang mata. Ngumisi siya nang magtama ang paningin namin. She's still on face mask na natatakpan ang ibabang bahagi ng kan'yang mukha.

Binitawan niya ako at dinilaan ang dugo na napunta sa kan'yang kuko. Sandali pa siyang pumikit at lalong pumula ang kan'yang mata.

"Totoo pa lang napakasarap ng iyong dugo..." aniya at napatango-tango.

Akmang hahawakan niya ulit ako sa pisngi nang umiwas ako. Ngayon ko rin na-realize na nakatali pala sa likod ang dalawa kong kamay.

Unti-unting naghilom ang sugat ko sa pisngi but I can still feel the sting. Mahapdi pa rin at parang tinutusok-tusok. Katulad na katulad sa pakiramdam na gawa ng uwak na iyon, nang tukain nito ako sa paa.

"Bakit mo ako kinuha? Nasaan ako? A-anong kailangan mo sa akin?" Hindi ko na mapigilang magtanong nang sunod-sunod.

Bahagya siyang umatras saka tumayo. Maya-maya ay umalingawngaw ang halakhak niya sa apat na sulok ng kinaroroonan namin. Ngayon ko lang napansin na nasa abandonadong kwarto kami. Ngumisi siya at muling tumingin sa akin. Ngunit nawala rin iyon at napalitan ng poot at galit ang kan'yang mata. Halos gusto ko ng umatras dahil napakalakas ng emosyon na iyon at ramdam na ramdam ko.

"Natatakot ang mahal na reyna," aniya.

Ibinaba niya ang hood ng jacket saka nilugay ang mahabang buhok. Damn, hindi ko inakalang babae siya! Pinaikot-ikot niya ang daliri sa dulo ng buhok at muling ngumisi.

"May malaki kang atraso sa akin Lauren. At pagbabayarin kita," saad niya.

Muling nagdilim ang kan'yang anyo. Bakit paiba-iba ang emosyon niya? Napakabilis niya magbago and that makes her creepy.

Tinanggal niya ang face mask at tuluyan ng lumantad ang kan'yang mukha. Nanigas ako at pinagmasdan siya. Itim na buhok, singkit na mata, matangos na ilong at manipis na labi. Hindi ako makapaniwalang makikita ko siya muli ngunit sa ganitong pagkakataon?

"L-Lailyn?" hindi makapaniwalang saad ko.

Naglakad siya palapit at bahagyang yumuko.

"Shocked? Don't be, bitch. And by the way, it's Venice not Lailyn," saad niya saka malakas akong sinampal.

Napasinghap ako at napabaling sa kanan. Nalasahan ko rin ang sariling dugo.

Muli ko siyang binalingan and licked off the bloods on the side of my lips.

"P-paanong..."

Hindi ko alam ang dapat sabihin. At ano ba ang atraso ko kay Lailyn? Last thing I remember, okay kami. We are friends. Marami na rin kaming moments. We are not that close, but still enough to be together sometimes.

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now