Chapter 50

118K 3.6K 790
                                    

Lauren's POV

Humihingal akong nagising. Hinabol ko ang hininga at natulala sa lalaking nakaupo sa tabi ng kama ko. Hawak-hawak niya ang kamay ko at malapit ito sa kanyang labi. He's staring at me wide eyes at mukhang kinakabahan na tila nahuli sa akto na gumagawa ng krimen. I stop myself from chuckling and pinching his cheeks. He's so cute and adorable.

"W-wife... m-may binalikan lang ako rito. K-kakarating ko lang talaga..." Nauutal niyang saad.

Binitawan niya ang kamay ko at natatarantang tumayo. I suddenly felt empty nang gawin niya iyon. Tumitig siya sa akin at pinasadahan ang itim na itim niyang buhok. He cleared his throat before letting out a sigh.

"I know, I promised to stay away from you. But I can't help it. Please forgive me, wife. And please give me the time when you're sleeping, let me watch you. Kahit tulog ka lang. Kapag gigising ka na, I swear aalis agad ako. Please wife... let me," nagsusumamo niyang saad. Pakiramdam ko ay dinaganan ang dibdib ko dahil sa pagmamakaawa niya.

Hindi ako nakasagot. I'm too stunned because of him. I saw pain and sadness on his eyes. Kapagkuwan ay tumango siya at tumalikod. Nanginig ang labi ko at pinigil ang iyak nang makita ang pasimple niyang pagpahid sa mata.

"I'm leaving, wife. I think I will be just contented watching you from afar..." aniya at humakbang. Umalpas ang luha mula sa aking mata.

Shit lang! Baliw na baliw talaga ako sa lalaking 'to. Hindi ko kaya na wala siya sa tabi ko. Hindi ko kaya na saktan siya nang ganito. He had enough. I jump out from the bed and hugged him tightly from his back.

Umiyak ako nang umiyak sa likod niya. I felt him stiffened. Naamoy ko ang pamilyar niyang bango. It's his natural manly scent and something minty which is so addictive. Kinalas niya ang kamay ko sa bewang niya saka siya humarap sa akin at mahigpit akong niyakap.

"Don't leave me, Austin, please..." I sobbed. "Please hubby... I'm so sorry. I need you. Don't leave me, please..." I cried so hard.

Mas humigpit ang yakap niya sa akin. I bit my lips at lalong sinubsob ang mukha sa meteges neyeng dibdib. Fuck! Bakit pumipilipit ang dila mo, Lauren? Eh kese nemen eh, tselep.

Waaah! Nababaliw na ako. Siguro dahil masyadong masaya sa pakiramdam 'yong ganito. One of the best feeling in this world is when you hug the person you love and he hugged you tighter.

I put my palm on his body at pasimpleng hinawakan ang six pack abs niya. Mas lalo akong umiyak para 'di niya mapansin na tsinansingan ko siya.

"Shhh... hush now, baby. I will never leave you. I love you damn much. Ikaw lang ang minahal ko mula noon hanggang ngayon. And even in future....until forever." He kissed me multiple times on my forehead.

I nodded at lalong inilapit ang sarili sa kanya. Naramdaman ko na lang ang pag-angat. And in a swift move, buhat na niya ako nang bridal style.

Dahan-dahan niya akong inilapag sa kama. Tatayo sana siya ngunit maagap kong hinawakan ang braso niya.

"Saan ka pupunta?" paos kong saad. He smiled slightly. I saw the tiredness on his eyes.

"I'll change clothes, wife," aniya at pilit na sinupil ang ngiti.

Umiling ako. He smiled again at bumalik sa kama. Humiga siya sa tabi ko saka bahagyang umangat kaya malaya kong pinagmasdan ang mukha niya.

"I thought you want me to leave?" he asked teasingly and ran his fingertip gently on my face. It sent wave of sensation on my body. Bumuga ako ng hangin para pigilan ang sarili. I arched my brow.

"So, gusto mo umalis?" pagtataray ko.

He pouted bago siniksik ang mukha sa leeg ko. Dinantay ko ang braso sa likod niya. Napapikit ako nang maramdaman ang paghinga niya sa leeg ko. Pati rin ang posisyon namin. Damn, I miss this. 'Yong mga ganitong panahon, nakaka-miss rin pala. Moments where we spend the day with each other...

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now