Chapter 29

159K 4.5K 410
                                    

Lauren's POV

Mula sa madilim na paligid, unti-unting sumigid ang munting liwanag. Palaki ito nang palaki hanggang tuluyan ng nabigyan ng liwanag ang buong paligid. Nakahinga ako nang maluwag. Hindi ko alam ang gagawin kanina dahil sa dilim. I'm clueless kung nasaan ako.

Napalingon ako sa may kakayuhan sa 'di kalayuan nang makarinig ng kaluskos. Thanks to my sharper sense of hearing now. Agad akong tumakbo papunta do'n. I can smell a familiar scent. At wala pang ilang segundo ay narating ko na ang gitna ng kakahuyan. Nanlalaki ang matang napatingin ako sa paa ko. In just few seconds narating ko na ang gusto kong patunguhan? Mabilis na rin akong tumakbo. Napangiti ako nang malaki dahil sa saya. Finally, ramdam ko na, kaunting-kaunti na lang ay bampira na ako.

I stopped on my thoughts when I heard a sob. Pamilyar ang boses na iyon. Kaya agad kong sinundan ang boses na iyon. Hindi nagtagal ay nakita ko ang pamilyar na bulto ng babae. Nakasuot siya ng puting bestida, litaw na litaw ang maputla niyang balat dahil sa pag-dikit nito sa itim na itim niyang buhok.

Nakatalikod ito sa akin, but I know who is she...

"Desteen?" Pagtawag pansin ko sa kan'ya.

Pero tila wala siyang narinig. Nanatili siyang nakatayo sa pinakagitna ng kakayuhan. Rinig ko ang pagtangis niya. Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko. Kahit kailan ko lang siya nakilala, mahalaga na siya sa akin. At ayokong makita o marinig siyang umiiyak. Mas sanay ako sa bratinella na Desteen Caleigh.

Naglakad ako papalapit sa kan'ya ngunit natulos ako nang makita ang isang malaking aso. Aso? Or should I say, a big werewolf. Makapal ang kulay brown nitong balahibo na may halo ng kulay ginto. Nag-aalala ako dahil palapit ito kay Desteen pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

Pilit kong ginalaw ang katawan at sa wakas ay tuluyan ko nang naigalaw ang katawan ko pero nabigla ako nang humangin nang malakas. Kumulog at kumidlat nang lumuhod si Desteen sa harap ng werewolf. Gumuhit nang panandalian ang kidlat sa madilim na kalangitan. Kasunod ay ang pagdagundong ng malakas na kulog.

And I saw their silhouette, unti-unting nagbago ang anyo ng werewolf at naging bulto ng tao. I can't see his face because of the darkness, but I saw him kissed Desteen at kasunod no'n ay ang pagtama ng kidlat sa lupa at nagsimulang kumalat ang sunog.

Napasigaw ako nang makitang iniwan ng lalaking iyon si Desteen sa gitna ng napakainit na apoy. Lalapit sana ako sa kan'ya nang muling hindi makagalaw ang katawan ko. I heard her loud cry. Puno ng sakit, paghihirap, pait at lungkot. At hindi ko kaya, hindi ko kayang marinig iyon!

"Mahal na reyna!"

Hiningal na napamulat ako at diretsong napatitig sa isa sa kambahay na may nag-aalalang ekspresyon. Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib ko at nanlalamig ang buong katawan.

"Ayos lang po ba kayo? Mukhang binabangungot kayo," aniya at iniabot sa akin ang isang baso ng tubig.

Agad ko itong tinanggap at unti-unti namang kumalma ang sistema ko.

"Ayos lang ako." Pilit akong ngumiti.

Muli siyang nagtanong ngunit pareho lamang ang sinagot ko kaya lumabas na siya at nagbilin na kailangan ko ng maghanda.

Mariin akong napapikit at pilit na iwinaglit ang napanaginipan ko. Kung ano man iyon, mananatili lamang na panaginip iyon. Bumuntong-hininga ako bago tumayo at dumiretso sa bathtub para magbabad. Pagkatapos ay nag-asikaso na ako para sa pagsalubong sa mga bisita.

Dapat naman talaga ay may katulong ako. May nagpapaligo pa nga dapat sa akin, may nagbibihis at nagsusuklay. Pero sinabi ko kay Austin na ayoko, dahil gusto kong gawin mag-isa iyon. Hindi naman sa nag-iinarte. Parang masyadong tamad naman kasi kung gano'n. At parang walang privacy dahil makikita nila ang katawan ko.

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now