Chapter 28

173K 4.7K 201
                                    

Lauren's POV

"Kuyaaaa! I will move in here, permanently! No buts, dito na ako mag-aaral!"

Napatingin ako sa nakanguso at nagmamaktol na si Desteen. Nakatingin ito kay Austin habang magkasiklop ang dalawang palad. Ang itim na itim nitong mata ay may bahid ng inis. Napatawa naman ako nang makita ang iritadong mukha ni Austin. Kunot ang noo nito saka umismid sa kapatid.

"Don't be a brat, Desteen. I thought you'll just have your vacation here?" mariin nitong tanong.

Umismid si Desteen saka ginulo ang buhok.

"Eh, gusto ko nga rito. Kung papabalikin mo ako ro'n, hindi ako mag-aaral! Ayoko, dito na ako. Tsaka nakakalimutan mo ata Kuya, I'm a princess. I'm a princess in this world," saad nito saka idinipa ang dalawang kamay.

"And maybe you also forgot, I'm the king here. I'm the king of this world." Matalim itong tumingin kay Desteen.

I heard Desteen sighed, maya-maya ay lumipat ito sa tabi ko at yumakap sa braso ko. Maluha-luha ang mata nito at nagmamakaawang tumitig sa akin. I felt my heart clenched. She's using her charms. And it is irresistible.

"Mahal na reyna..." her voice was shaking.

"Damn it, Desteen Caleigh! Don't use my Queen," saad ni Austin at lumingon sa akin saka umamo ang mukha bago umiling.

"P-pero, ayoko na sa Arc Village. Mag-isa lang ako sa napakalaking mansion na iyon. Oo, maraming kawal at kasambahay, but gusto kong kasama kayo eh."

Nakita ko ang paglambot lalo ng mukha ni Austin lalo na nang makita ang pagtulo ng luha ng kapatid. Tumingin ito sa akin na tila nagtatanong, tumango ako sa kan'ya saka ngumiti. He sighed.

"Fine," sagot nito.

Agad bumitaw sa akin si Desteen saka tumalon-talon at naghihiyaw. Yumakap ito sa akin bago bumaling kay Austin at inilabas ang dila.

"Bleeeh! Akala mo ah!" Baling niya kay Austin. I saw how Austin's eyes widened dahil sa ginawa ng kapatid. Napatawa naman ako dahil sa reaksyon niya. "Salamat ate Lauren!" sigaw nito bago tumakbo paalis.

Hinilot ni Austin ang sentido kaya lumapit ako sa kan'ya at niyakap siya sa tagiliran. He kissed my head saka isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"She's really annoying," bulong niya.

I chuckled bago bumaling sa kan'ya. Kunot-noo ito habang nakatingin sa kawalan. And it's my time to ask the question that was bugging me.

"Bakit ba ayaw mo siya rito tumira? This palace is so big," tanong ko.

Bumaling siya sa akin at kumalma ang ekspresyon. Itinaas niya ang kamay saka hinaplos ang pisngi ko. Matiim itong tumitig sa akin bago nagsalita.

"Alicia, the one who can see the future warned me. Desteen would see the creature that will lead her to so much pain and heartbreak, here in the palace. She'll meet the creature that was made for her as her beloved and he would cause chaos on my sister's life," saad niya.

Naririnig ko ang takot sa boses niya, ang pag-aalala. Napangiti ako dahil sa reaksyon niya. He really loves his sister so much. Ginagawa niya ang lahat para hindi masaktan ang kapatid. Para maiwasan ang hirap na daranasin. But it's her destiny. And no one can stop it.

"Austin, it's her destiny. Maaaring maghihirap siya, sobrang paghihirap. But we must not interfere on it. Maaaring mas maging magulo, mas magiging mahirap ang lahat kung gagawin natin iyon. Ang magagawa na lamang natin ay tulungan siya, suportahan at manatili sa tabi niya sa panahong iyon. Desteen is a strong girl, I can sense it. And I'm sure she can do it, she can surpass it," litanya ko.

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now