Chapter 19

194K 5.8K 175
                                    

Lauren's POV

Tumikhim ako para maalis ang kung anong nakaharang sa lalamunan ko. Shit, naiinis na ako. Pakiramdam ko tuyong-tuyo ang lalamunan ko!

"Wife." Napatuwid ako sa pag-upo nang marinig ang malambing niyang boses

"A-austin..."

Nandyan na naman ang mabilis na tibok ng puso ko. Nagsasayawan ang mga dragon sa tiyan ko. A familiar sensation started to spread all over my body. Dati ko pa 'to nararamdaman, pero mas dumoble ngayon. Triple o higit pang beses ang dinagdag.

"How's your feeling... hmm?"

Hinalikan niya ako sa noo bago tumabi sa akin at niyakap ako patagilid. Isinubsob niya ang mukha sa leeg ko.

"O-okay naman," tensyunado kong sagot.

Damn, hindi ba niya alam na iba ang epekto niya sa akin?

"Really?" Nag-angat siya ng tingin at umayos ng upo.

He cupped my face and stared at me intently.

"Yes," diretso kong sagot habang tinititigan siya.

"I thought I would lose you. And I don't know what will I do if that happened." Medyo garalgal ang boses niya habang sinasabi iyon.

Umiling ako saka hinaplos ang pisngi niya. Napapikit siya dahil do'n.

"I will never leave you Austin as long as I can. Gagawin ko ang lahat para manatili sa tabi ko. Katulad ng nangyari, even I felt hopeless, kinaya ko dahil marami akong inspirasyon. At isa ka sa nangunguna sa mga iyon," litanya ko.

Lumamlam at pumungay ang mata niya. Kinuha niya ang kamay kong humahaplos sa pisngi niya at isa pang nasa ibabaw ng hita ko. Inilapit niya ito sa labi niya saka hinalikan nang paulit-ulit habang magkatitigan kami.

"Thanks wife... for not leaving me. Hindi ko kakayanin yon," bulong niya. Ngumiti ako saka tumango. "I love you."

I was stunned because of what he just said. I don't know what to say because I still don't know what I'm really feeling for my husband. Pero alam kong meron, malalim at malakas. At alam kong may patutunguhan iyon.

"I am not pressuring you. I'll wait..." bulong niya habang dahan-dahang lumalapit ang mukha sa akin.

Bigla akong natigil sa pag-iisip dahil sa ginagawa niya. And I'm suddenly totally lost when I felt his lips on mine.

Magkalapat ang labi namin. Napapikit ako nang dumaloy sa katawan ko ang libo-libong boltahe ng kiliti dahil sa pagdikit ng labi namin. Until he started to move his lips. I don't know what to do, I remained with steady with my eyes closed, savouring the moment. Later on, natagpuan ko na lamang ang sariling sinasagot ang halik niya. We are kissing passionately.

Hinaplos ng kamay niya ang pisngi ko at mas lalong inilapit sa kanya. Mas naging mariin ang paglapat ng labi namin. He bit my lower lip and he's ready to enter his tongue in my mouth but then...

"Ay sorry po, sorry!" Nagtitili ang isa sa servant.

Mabilis akong napalayo kay Austin dahil sa biglaang paglitaw niya sa harap namin at tumili.

"Damn!" I heard Austin cussing under his breath.

Ako naman ay pulang-pula dahil sa hiya. She caught us kissing! Pero bakit ko ba ikinakahiya? Normal lang naman ang ginagawa namin lalo na at mag-asawa na kami. Ah! Basta! Nakakainis naman 'tong babae na ito, nagmo-moment kami ni Austin, eh!

Napatingin ako kay Austin nang marinig siyang mahinang tumawa. Nakatingin ito sa akin habang mahinang humahalakhak.

"Don't be mad wife, there's unlimited chanced for us," aniya saka lalong ngumiti.

I was stunned. Biglang pumasok sa isipan ko ang maaaring hinaharap namin ni Austin. Ako at siya masayang tumatakbo at hinahabol ang isang bata, ang anak namin. Gusto ko kung magkaanak kami, kamukha ni Austin. I'm sure he or she will be the most beautiful creature in this world.

Teka! Anak? Oh my, eh 'di... kailangan namin mag ehem. Waah! Ano ba'ng iniisip ko? Pero gano'n naman talaga iyon, para magkaroon ng anak kailangan gawin iyon. Ano kaya ang feeling no'n?

"Damn, stop thinking naughty things wife," aniya saka kunot ang noo na nag-iwas ng tingin. He's clenching his jaw.

T-teka, paano niya nalamang...

"Our mind is already connected, my wife because of the bond, that's why I know. And I can hear your thoughts," aniya.

My eyes widened. Ibig sabihin... ibig sabihin, waaah! Alam niya 'yong iniisip ko kanina? Huhuhu, nakakahiya.

"Wife..." he chuckled sexily.

Napatakip ako ng mukha at lumayo sa kan'ya. Ano pang mukha ang ihaharap ko sa kan'ya? E 'di ano pa? Dyosang mukha. Hihihi.

"Wife, you're so moody," saad ng katabi ko.

Hinampas ko siya pero agad din niyang nasalo ang mga hampas ko.

"Stop reading my mind!" utos ko.

"I'm not! I can't help but to hear it. Your mind is too open and overflowing," sabi niya saka ako pinaharap sa kan'ya.

"Pero bakit hindi ko pa mabasa or marinig ang iyo?" I asked curiously.

"Your senses is not yet fully developed. But just wait. Maybe later or tomorrow... or the next day," saad niya.

"So it means, nag-aapply pa lang sa katawan ko ang pagiging bampira?"

"Hmm.." tumango siya. "And there are some stages. Your senses, speed, physical appearance, blood lust and your ability. You would slowly see and feel the changes," he informed.

Bigla akong kinabahan. Makakaya ko kaya 'yon? Kaya ko naman siguro, nakaya ko nga kalabanin ang sakit no'ng nasa pagitan ako ng buhay at kamatayan.

"Don't worry wife. I'm always beside you to help you cope with your new environment," he reassured me.

I nodded.

"Mahal na hari."

Napatingin kami sa kanina pa palang nakayuko sa harap namin na servant. S'ya 'yong lumitaw kanina!

"May naghahanap po sa inyo at sa mahal na reyna," aniya.

Tumango si Austin saka tumayo at inalalayan din ako. Sino kaya ang naghahanap sa amin?

"You'll see, wife," aniya at bigla kaming napunta sa isang kwarto.

Nag-teleport kami? Wow, ang galing! Magkakaroon din kaya ako ng kakayahang mag-teleport? I'm excited!

"Lauren..."

I froze when I heard that voice. Napatingin ako sa kan'ya. My eyes began to blur when I saw her.

"Mama."

*****

Supladdict<3

Being The Vampire King's BelovedOn viuen les histories. Descobreix ara