Chapter 7

214K 7.2K 579
                                    

Lauren's POV

I smiled to them when they bowed to me. I continued walking at napatigil nang makita ang bukas na pinto ng gym. Pagsilip ko ay maraming nakapila na mga estudyante. My forehead knotted. Out of curiosity ay pumila rin ako.

Napahawak ako sa leeg ko nang maramdaman ang bahagyang pagkirot nito. I don't know how, basta 'yong dating dalawang tila tinusok na sugat sa leeg ko ay korteng korona na. Pinicturan ko 'yon and I was really amazed. It was well-detailed. It weirded me out kung saan ba 'yon nagmula. Ewan ko, ang weird!

I tried to remove it pero walang nangyari, so hinayaan ko na lang. Alam kong dagdag na naman 'to sa weird na pangyayari but I decided na huwag na lang pansinin. Maraming tanong sa isip ko ngunit pilit kong isinasawalang-bahala.

Nagtaka ako nang may lumapit sa aking dalawang estudyante at bahagyang yumukod. Tila takot na takot itong hawakan ako nang giniya nila ako papunta sa harapan. Nagpatianod na lamang ako sa kanila habang pinagmamasdan ang paligid.

May anim na upuan sa harapan. Iyong dalawang nasa gitna ay parang 'yong sa mga napaka-importanteng tao na upuan. It was designed intricately at matataas ang dalawang iyon kumpara sa iba pa. Nabigla ako nang iginiya nila ako para umupo sa kanan na banda ng may pinakamataas na upuan. Parang trono, ah?

Grabe, napasilip lang ako dito. Tapos parang masyado naman yatang espesyal ang treat nila sa akin. May napanalunan ba ako?

Tinignan ko ang disenyo ng stage na ginawa nila. It is a combination of black and red. It is simple but elegant. Naglakad papunta sa harap ko ang principal saka nag-bow kaya na payuko ako. Saka tumabi sa upuan na medyo malayo ang distansya sa akin. 'Yong mataas na upuan sa tabi ko ay ilang pulgada lang ang agwat sa akin. Tapos sa tabi pa noon ay malayo rin ang agwat.

Parang sa royalties ang dating. Iyong napapanood ko. Tila trono ang dalawa, iyong inuupuan ko at iyong isa sa aking tabi.

May umupo na sa apat na upuan at ang tanging natira na bakante ay 'yong nasa tabi ko. Baka naman presidente ng Pilipinas ang uupo sa tabi ko. Tapos isa akong mapalad na nabunot para maitabi sa kanya. Pero wala naman akong sinalihan na raffle, eh. Wala akong naalala na may pinasahan ako ng kung anu-ano para makasali.

Tinuon ko ang atensyon sa harap nang tumikhim ang emcee. Dalawa sila, naka-itim ang lalake at pula ang babae. And I realized something.

Lahat ng lalake ay naka-itim samantalang ang babae naman ay pula ang suot. Tapos ako, naka-white hanging blouse at blue jeans. Geez, naiiba ako. Biglang hindi ako mapalagay. Masyado akong mag-i-stand out nito!

"Good morning everyone," they started with their cold and authoritative voice.

Tumingin sa akin ang dalawa saka bahagyang yumuko. Napakamot ako sa ulo at alinlangang ngumiti.

"Today, we will welcome our new student."

Nagpalakpakan ang lahat kaya sumunod na rin ako. Panes ah, may pa-program pa. Bongga! Iwe-welcome lang may ganito pa.

"He's here to follow and get his dream," ani ng babae habang nakangiti sa akin.

"Let's welcome Kin— Mr. Austin Cali Bloodstone. The owner of the Vlad Zacher University."

Nanlaki ang mata ko at inabangan ang lalaki.

Magiging student siya rito! And he's the owner of this University? Paano nangyari 'yon. Baka heir siya. Oo, he's the heir. Imposible naman na siya ang pinaka-may ari. Sigurado ako na hindi nalalayo ang edad niya sa amin since magiging estudyante rin siya rito.

I gasped when I saw him. H-he's freaking handsome, gorgeous and hot! Ano pa ba? Oh my, words are not enough to describe how gorgeous he is.

His jet black messy hair that really complements his snow white skin. He owns a pair of pitch black orbs. And he has a well sculpted proud nose that was emphasizing his jaw line.

I swallowed hard and licked my lips when my eyes went down on his bloody colored lips.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. The hell, it feels like I came from a race. Bahagya akong napangiwi nang kumirot ang maliit na tila tattoo sa leeg ko. I inhaled deeply bago muling tumingin sa stage.

I bit my lower lips when our eyes met. Everything seems familiar. My feelings, his face and his presence. Parang nakita ko na siya but it is like I forgot. But parang impossible! Sino ang makakalimot sa lalaking ganyan ang mukha? Damn, he's perfect. There is also something on his presence that makes him stand out from the crowd. His regal presence is dominating the whole area at napaka-imposible na hindi siya mapansin.

"Good morning." I breathed hard when I heard his husky cold voice. I'm sure, I already heard that! It is so familiar. Damn, saan ba? Bakit 'di ko maalala!?

"I hope you're enjoying your stay here in my University. It's really nice to see you agai," pagpapatuloy niya.

Napalunok alo. Bakit feeling ko ako 'yong kausap niya?

Ipinilig ko ang ulo ko saka yumuko. Napakatahimik ng paligid kaya rinig na rinig ko ang paglalakad niya.

I'm silently praying na 'wag siya rito sa tabi ko dahil masyado akong apektado sa presensya niya. Pakiramdam ko ay manginginig ako at manghihina kapag malapit siya sa akin.

Pero hindi 'ata ako dininig ngayon. Because I felt his presence stopped beside me. Nag-angat ako ng tingin. His serious eyes met mine. Lumunok ako nang malalim saka ngumiti nang alanganin.

"W-welcome," saad ko.

Uminit ang aking pisngi sa pagkapahiya. Nautal pa ako! Sandali akong natulala nang ngumiti siya nang tipid bago umupo sa tabi ko.

Brace yourself, Lauren Xena.

Pumikit ako nang mariin. Matagal pa ba ang program na 'to? Marami pa bang gagawin? Dapat matapos na 'to agad. Damn it. Halos tumindig ang aking balahibo nang maramdaman ang pagtitig niya sa akin.

Kinagat ko ang labi at huminga nang malalim. Sandali lang 'to. Kaya ko siyang tagalan. Shit! Parang kinikilig ako!

*******

Supladdict<3

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now