Chapter 41

116K 3.3K 261
                                    

Lauren's POV

Mabigat ang pakiramdam ko sa pagmulat ng aking mata. Nasapo ko ang ulo nang maramdaman ang munting kirot do'n. Akala ko ba walang nararamdamang ganitong klase na sakit ang isang bamipira? Headache? Ugh, it hurts.

Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Handa na ang bathtub nang marating ko ang kwarto. Kinalas ko ang tali ng bathrobe at hinayaang dumulas ito sa aking katawan at bumagsak sa sahig. Dahan-dahan akong tumungtong sa tub at tuluyang inilubog ang sarili doon. I closed my eyes and thoughts started to enter my mind.

Normal sa isang tao ang magkaroon ng panaginip. Ngunit simula ng maging bampira ako ay nagiging makabuluhan na ang mga napapanaginipan ko. Bawat detalye yata ay may gustong ipahatid. Hindi ko man alam kung ano, but I can feel that every one of it, warns me.

At ang napanaginipan ko, hindi ko alam kung mangyayari pa lang 'yon o nangyari. The scene is powerful and seems surreal. Parang bawat kilos ng mga naroon ay totoo. Tila isa akong nilalang na pinunta sa isang pangyayari upang masaksihan iyon.

Sino ang lalaki? He's familiar. Ang kilos niya... ang boses niya. Ngunit hindi ko masabi kung sino. Pumasok sa isip ko si Austin. Pero ibang iba ang ugali ng binata sa panaginip ko. Malupit. Malayo kay Austin. He maybe strict ngunit hindi tulad ng lalaki na iyon na sinisigawan ang mga naroon.

At ang munting bata. I don't have any idea about her. Ngunit hindi mabura sa isipan ko ang maamo at napakaganda niyang mukha. Hindi mo siya maikukumpara sa mga bampira. Ibang-iba ang kan'yang kagandahan, walang kapantay. Bata pa man ay makikita mo na iyon sa kan'ya. At sigurado ako na hindi siya katulad nina Austin. Mamula-mula ang kan'yang balat, malayo sa putlang balat naming mga bampira.

I tightly closed my eyes and relaxed myself. Masyadong magulo at pagod ang utak ko.

Matapos mag-relax sa tub, pumasok ako sa closet at kumuha ng damit. I chose to wear a spaghetti strap cream dress at pinaresan ng beige na stilletto. I blowdried my hair at hinayaang nakalugay ito.

Pumikit ako at nagteleport papunta sa hapagkainan. Pagdating ko ay handa na ang mga pagkain. Mabilis akong kumain ng almusal.

"Nasaan si Austin?" tanong ko nang hindi ko siya mahanap.

Yumuko nang bahagya ang kawal.

"Pumunta po sa bayan ng Iscro, mahal na reyna, upang tumulong sa pag-imbestiga ng nangyayari do'n," aniya.

Tumango ako at nagpasalamat bago nagpatuloy sa paglalakad.

Nong nakaraang araw ay ginusto kong sumama sa kan'ya sa bayan ng Iscro. Ano ba ang silbi ng pagiging reyna ko. Ngunit hindi siya pumayag. Dahil kailangang maiwan ako rito sa palasyo. At isa pa mapanganib daw umano.

Bumuntong-hininga ako at umupo sa may bench dito sa garden. Walang pasok ngayon. Mabuti na rin para kahit papaano ay makapagpahinga ako. Not only physically, but also mentally and emotionally.

Nilibot ko ang tingin sa garden. May 'di kalakihang fountain ito sa gitna. Sa tuktok nito ay maliit na sementong pigura. Babae ito na tanging tela ang nagtatakip sa kanyang katawan. Abot pwetan ang buhok nito. At habang tinitignan iyon ay pumasok sa isip ko ang mukha ng napakagandang babae na may mahabang buhok. Kulay ginto. Kamukha nito ang bata sa aking panaginip.

Ipinikit ko nang mariin ang aking mata. Gumagana na naman ng mag-isa ang abilidad ko. Hindi ko pa alam kung ano ang tawag dito. Basta ang alam ko, konektado ito sa aking isip at mata.

Pagmulat ko ay iniwas ko na ang aking tingin doon. Pinagmasdan ko na lamang ang mga paru-paro na lumilipad sa paligid. Ang iba ay dumadapo sa mga bulaklak.

Tumayo ako at lumapit sa kumpol ng mga bulaklak. Iba-iba ang kulay nito dahilan para hindi magsawa ang aking mata sa pagkamangha sa mga ito. Umangat ang tingin ko sa pader. May ilang mga veins na rito. Tapos parang nakadikit din ang mga bulaklak! It looks so enchanting!

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now