Chapter 21

203K 5.5K 303
                                    

Lauren's POV

"I miss you, wife. I hope for the minutes to run faster."

Napangiti ako nang makita ang nakabusangot niyang mukha. Halatang iritado siya.

"Loko, ilang oras na lang din naman, ah! Learn to wait hubby."

Nginitian ko siya nang matamis pero bumusangot lang siya. Mukhang tinotopak nga talaga ang mahal kong hari... mahal na hari.

"I have waited enough, baby," bulong niya.

"Don't worry, sandali na lang naman magkikita na ulit tayo," pag-aalo ko sa kan'ya.

"Fine... fine. Tsk, I'm excited for later, wife," malambing niyang saad.

Napangiti ako saka tumango.

"Ako rin naman, eh, I'm excited," bulong ko.

Ngumuso siya at halatang nagpipigil ng ngiti. He's really cute.

"Queen..."

Napabalikwas ako nang maramdaman ang marahang pag-alog sa akin. Tss, natapos na tuloy ang pag-uusap namin.

Oo, binisita niya ako sa panaginip. We haven't seen each other for already three days. Ayon sa tradisyon nila. Pamahiin, maybe. I really don't know kung bakit. Sa mga tao, bawal magkita ng isang araw bago ang kasal. Isang araw ba? Basta, something like that. Pero dito, three days. Na-miss niya daw agad ako, eh. Keneleg teley eke! Oo nga pala, kasal na namin later. I'm excited!

"Magsimula na po tayo sa pag-aayos," aniya.

Mabilis akong tumayo at nagbabad sa jacuzzi. The water was mixed with petals of red rose, scented with vanilla, at iba pang pwedeng ihalo. Grabe, napakasosyal naman nito. Pero infairness, nakaka-relax.

After relaxing and bathing, I wore a bathrobe and they started to fix my hair. Ang isa, nagme-make up sa akin, ang isa nag-mamanicure sa kamay, ang isa sa paa, the other one is fixing my hair.

Kulay pula ang nilagay sa mga kuko ko, my hair is fixed elegantly into a bun and some strands of hair are freely cascading down. Bloody red lips, and black smoky eye shadow. Ruby gems earringings, black choker na may ruby gem sa gitna. My accessories are so damn gorgeous... like me. Hahaha!

Napangiti ako nang makita ang wedding gown. A red tube ball gown with shiny black linings. Ipinasuot na ito sa akin kasunod ang black high heels stilleto. My outfit emphasized my white skin.

I can't help but to admire and adore the lady in the mirror. She's smiling widely and glowing. I'm beautiful, I know. Pero iba ngayon. This day is special. This is my wedding. Our wedding. Our red and black themed wedding.

Napatawa ako dahil sa naisip. Humans love white gowns for the wedding. Light colors for the theme. 'Yon din ang naisip ko dati, ikakasal ako na nakasuot ng puting gown. But now, I am starting to love and embrace the color of black and red.

"Ang ganda mo, anak."

Napangiti ako nang makita si Mama. Lumapit siya sa akin saka niyakap ako. I heard her sobs, and I tried my best to suppress my  own tears and sob.

"Ikaw ang pinakamagandang bride na nakita ko," aniya habang tumutulo ang luha mula sa kan'yang mata. Pinalis ko iyon saka ngumiti.

"Thank you, Mama. Sa lahat lahat. I love you, mahal na mahal kita Mama," saad ko.

Marami akong gustong sabihin, pero hindi ko magawa. Kaya 'yon lang ang namutawi ko. Tumango siya saka hinaplos ang pisngi ko.

"Mahal na mahal din kita," aniya.

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now