Chapter 30

150K 4.1K 136
                                    

Lauren's POV

Akmang maglalakad paalis si Austin nang tila may naalala ito at muling bumaling sa bisita. "This is my sister, Desteen Caleigh Bloodstone." Pagpapakilala ni Austin sa kapatid.

Seryoso ang mukha ni Desteen, maya-maya ay tumikhim siya bago tipid na ngumiti.

"Nice to meet you," aniya.

Tumango si Calvin and I noticed that his playful aura is gone.

"Calvin Gray. The Alpha," sagot niya at kinuha ang kamay ni Desteen saka hinalikan ang likod nito. Agad tumikhim si Austin, na naging senyales para bumitaw si Calvin.

"Let's get in," saad niya at hinawakan sa braso si Desteen saka inilagay sa tabi niya.

Samantalang pinulupot naman niya ang braso sa bewang ko at iginiya papasok. Nakasunod sa amin ang Alpha at buong pack.

Nagsiyukuan ang mga kasambahay at mga kawal nang makita kami. Nagsipwesto sila sa gilid para tuluyan kaming makapasok. Sinalubong kami ng butler na napagtanungan ko kanina at yumuko sa harap namin. Mukhang kilala na niya ang Alpha at ang pack. Iginiya kami nito papunta sa mahabang dining table na puno ng mga pagkain.

Napangiti ako nang makita ang mga pups. Nagsikislapan ang mga mata nila nang makita ang mga pagkain. Ngunit nagsitigil ito nang makita akong nakatingin sa kanila. Mahina akong napatawa at iminuwestra ang hapag.

"Sige na, pumunta na kayo at umupo," saad ko.

Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi nila bago nahihiyang naglakad palapit sa mga upuan. Inalalayan sila ng mga magulang nila since mataas ang mga upuan.

Umupo si Austin sa gitna, sa kaliwang banda umupo ang Alpha, kasunod ang kan'yang Beta at iba pang mga kalalakihan. Samantalang sa kanan naman ako banda sa tabi ni Austin, kasunod si Desteen at ang iba pang mga babae sa pack na tinutulungan ang mga pups.

"I wish that you will have a good stay here at my palace. Feel at home and don't hesitate to approach me if there's any problem. Now, let's eat," aniya saka tumango.

May lumapit na mga kasambahay at sinalinan ang mga wine glass ng wine. I felt my throat dried kaya ininom ko agad ang akin. But it didn't help. Kanina ko pa ito nararamdaman, ngunit mas lumala ngayon.

Maganang kumain ang mga miyembro ng Ravenwood pack samantalang nanatiling tahimik si Desteen sa tabi ko. Si Austin at Calvin naman ay nag-uusap at paminsan-minsang isinasali si Clay sa usapan.

Bigla akong nanigas sa upuan nang may maamoy na kakaiba. Matamis ang amoy nito.

"Awww."

Napabaling ako sa isa sa mga pups na nasugatan ang daliri dahil sa paghiwa ng ham sa malaking plato. Nabigla ang ina nito, mukhang hindi napansin ang ginagawa ng kan'yang anak.

I felt my throat dried more. Tila sumakit ito sa sobrang tuyo. Kitang-kita ko ang pagtulo ng dugo mula sa daliri ng pup. I licked my lower lip. Bakit pakiramdam ko masarap iyon? Sigurado akong matamis iyon gaya ng naaamoy ko.

Napasandal ako sa upuan at mariing napapikit. Bumilis ang paghinga ko. Bakit nagdidilim ang paningin ko? Ayoko naman sabihin kay Austin. Mag-aalala na naman siya.

"Wife, are you okay?" Austin asked with a hint of worry on his voice. Naramdaman ko rin ang paghawak ni Desteen sa braso ko na tila nag-aalala.

"Okay ka lang ate?" I heard her asked softly.

"O-okay lang ako," sagot ko at nagmulat ng mata.

Kita ko ang pag-aalala sa mata ng mga werewolf. Pilit akong ngumiti bago muling bumaling sa pagkain. But the smell still lingering on my nose. Napatingin ako sa pups na dinilaan ang sariling daliri na unti-unti nang nawawala at gumagaling.

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now