Chapter 52

118K 3.3K 231
                                    


Lauren's POV

Mabilis ang paghinga ko. Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid, looking for Austin's presence. Pero dahil sa barrier na ginawa niya ay hindi ko siya maramdaman! Ni hindi ko marinig ang nangyayari sa labas. Muntik pa akong nabuwal nang biglang gumalaw ang lupa. Tila may malaking pagsabog sa labas ngunit wala naman akong narinig.

I sighed. Kaya ginawa ni Austin ang barrier, malamang upang protektahan ako. Ayon sa panaginip ko, may gusto sa aking pumatay. At ang humabol sa akin sa human realm, hindi ako nagkakamali na sila ang gusto rin dumukot sa dating ako (Asha). And knowing Austin, he's ready to risk everything for me. Lalo na ngayong may buhay na sa aking sinapupunan.

Pero hindi ko kaya na umupo na lamang dito at maghintay. Hindi ko kaya na hayaan si Austin na mag-isang humarap. Humarap sa panganib na lagi na lamang niyang ginagawa. Lagi na lamang siya ang kumikilos, laging nagsasakripisyo. Gusto ko na kahit minsan ay may gawin ako para sa kanya.

Pinahid ko ang luha bago naglakad papunta sa pintuan. Pagbukas ko, gaya ng inaasahan ay naramdaman ko ang invisible barrier na ginawa ni Austin. I sighed and closed my eyes saka hinawakan ang barrier. It sent warm sensation on me. Kahit sa ganitong sitwasyon nararamdaman ko pa rin ang pagmamahal ni Austin sa akin.

Pinakiramdaman ko ang sarili at naramdaman ang pagdaloy ng enerhiya mula sa aking kalooban at hinayaang gumapang ito papunta sa aking palad. Hinayaan ko itong lumapat sa barrier. Unti-unti itong naging visible sa aking paningin. Parang makapal na salamin ito at may mga kulay asul na apoy na pumoprotekta sa labas. I'm sorry hubby.

Unti-unting nabitak ang barrier. Dahan-dahan na sobrang nakakainip.

Nakarinig ako ng pagkabasag. Pagmulat ko ay wala na ang barrier. Napangiti ako at mabilis na tumakbo. Ngunit nang maalala ang bata sa aking sinapupunan at kakayahang mag-teleport ay pinikit kong muli ang mata at pagmulat ay nasa malaking pinto na ako ng palasyo.

Tinulak ko ang pinto. Nakita ko ang batalyon ng mga sundalo ni Austin. Nakaharap sila sa malaki at ang pinakahuling tarangkahan. Tila nakahanda sila sa maaaring pagsira dito. Nag-angat ako ng tingin at napansin ang barrier sa itaas na alam kong pipigil sa mga kalaban na maka-teleport papunta rito. Humakbang ako. Naalerto ang mga kawal at bumaling sa akin.

"Mahal na reyna! Ipinagbilin ng hari na manatili lamang kayo sa loob!" saad ng isa sa mga pinuno ng kawal. Umiling ako.

"Ayoko..." saad ko.

"Ngunit iyon ang bilin ng hari. Para sa iyong kaligtasan at para na rin sa mga tagapagmana!" Tugon pa ng isa.

"H'wag kayong mag-alala sa akin! Kaya ko ang sarili ko."

Nasa mukha nila ang pagtutol. Humakbang ang ilan sa kanila at tila hinarangan ako ayon na rin sa senyas ng pinuno ng mga kawal.

"Pakiusap, mahal na reyna. Manatili kayo sa loob. Manatili kayong ligtas."

Halos magmakaawa sila. May mga halong babae rin ang mga kawal. Kahit ang mga taga-silbi sa palasyo, ang mga nagluluto sa kusina, ang mga taga-paglinis... lahat. Nasa mukha nila ang pag-aalala.

"Pakiusap.." Halos magmakaawa sila. Pumunta sa harap ko si Yuri na pinakamalapit sa akin sa lahat ng tagapagsilbi.

"Makinig ka po mahal na reyna, sa amin... sa hari. Manatili na lamang kayo sa loob," aniya.

Umatras ako at pinigil ang luha.

"I'm sorry.." saad ko.

Pinikit ko ang mata. Nahirapan akong mag-teleport palabas ng barrier ngunit pinilit ko at wala silang magawa.

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now