Chapter 42

109K 3.4K 360
                                    

Lauren's POV

Nang magising ako ay basa ang aking mukha. Pinahid ko ito at napagtanto na lumuluha ako habang tulog. Bakit kada gising ko ay nagigising ako na ganito? Mabigat ang dibdib. Ramdam ang sakit at pait sa 'di malamang dahilan.

Nagawi ang tingin ko sa tabi kung nasaan ang pwesto ni Austin. But in my dismay, it's empty again. Gabi-gabing ganito. Kahit hindi na dapat pa makaramdam ng ganitong lamig, iyon ang nararamdaman ko. I feel so empty. And I can feel that I'm slowly tearing apart. Araw-araw ay wala si Austin. Sabi nila, nag-iimbestiga ito sa nangyayari sa Iscro. Pero bakit ayoko ng maniwala?

Sa t'wing naaalala ko ang pag-uusap nila ni Mama, ang tungkol sa naunang beloved, at ang narinig kong sinabi niya na kakausapin niya ito ay hindi ako mapalagay. Paano kung kinausap na niya ito? Paano kung pinili niya ang manatili sa tabi ng babaeng iyon? Paano kung... iiwan na niya ako?

Tinakpan ko ng aking palad ang mukha. I can't help but to cry in pain, agony and frustration. Punong-puno ng sakit ang sistema ko. At sa 'di malamang dahilan ay pakiramdam ko ay nanghihina ako. Sa bawat araw na dumaraan ay unti-unti akong humihina. And I don't know what is the reason behind it.

Gusto ko ng matapos 'to. Paano kung mali ako ng napakinggan, 'di ba? Katulad ng mga napanood ko no'ng tao pa ako, na maling akala lang pala ang lahat at nagdulot iyon ng sobrang sakit sa bida, and it will lead them in separation.

Mapait akong napangiti nang maalala iyon. Back then, everything is normal. Ang mga hirap at sakit lang na nararamdaman ko ay pag nagkasakit ako, kapag may projects, tambak na paperworks. Pero ngayon, nagbago na ang lahat. Walang-wala pala ang lahat ng iyon sa tunay na sakit. Ang thesis na individual ay walang-wala sa paghihirap ng loob na nararanasan ko ngayon.

Kaya ngayon, gusto ko ng matapos ang lahat ng 'to. Gusto ko ng malinawan. Ayoko ng ganito, na nagda-doubt sa asawa ko at sa aking ina. This is not good for me.

Tumayo ako at mabilis na nag-asikaso. I wore a simple top and tight jeans saka pinatungan ang sarili ng cloak. I closed my eyes at pagmulat ko ay nakalabas na ako ng palasyo. Mabilis akong tumakbo palayo sa palasyo.

Hanggang sa makakita ako ng sasakyan na naka-park sa tabi. Lumapit ako do'n at kinatok ang bintana. Bumaba ito at bumungad sa akin ang bampirang babae. Nakatitig ito sa akin at napaawang ang labi bago yumuko.

"M-mahal na reyna!" Gulat niyang saad.

Nginitian ko siya ng pilit.

"May bumabagabag sa iyo mahal na reyna. Ramdam ko ang iyong emosyon. Ika'y labis na nalulungkot at nasasaktan."

Napalunok ako sa sinabi niya at tumango.

"Kung ano man iyon, tiyak na malalampasan niyo iyan mahal na reyna. Ano nga pala ang maipaglilingkod ko sa iyo?" tanong niya.

"Pasensya na sa abala. Pwede mo ba akong dalhin sa Iscro? Let's just teleport para mas mabilis. Hindi ko pa alam ang hitsura ng lugar na 'yon kaya hindi ako makapunta," saad ko.

Tumango siya at tinulak ang pintuan. Umatras ako at hinintay siyang lumabas.

"Kahit ano, para sa mahal na reyna."

Hinawakan niya ako sa braso hanggang sa nawala kami sa hangin.

Nakapikit ang mata ko at ramdam ko ang pag-iba ng klima. Pagmulat ko ng mata ay bumungad sa akin ang maingay na paligid.

"Ito ang Iscro, mahal na Reyna." Tumango ako at binalingan siya.

"Maraming salamat, Emma."

Tila nagulat siya nang banggitin ko ang pangalan niya. Kapagkuwan ay ngumiti siya at tumango.

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now