Chapter 11

196K 6.9K 335
                                    

Lauren's POV

"Umalis ka na r'yan."

Inilibot ko ang paningin sa paligid para hanapin ang tinig na 'yon. But I failed because I have seen nothing, but darkness. Wala ng pinagkaiba kung pumikit o magmulat. Puro kadiliman lamang.

Pero napa-atras ako nang biglang nagbago ang lugar at mapunta sa gubat. Puro matatayog na puno lamang ang nasa paligid at tunog ng mga panggabing insekto at hayop. Malamig ang paligid, tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay liwanag sa paligid.

Maglalakad na sana ako nang may makitang babaeng tumatakbo. Napaka-pamilyar ng figure niya. She's running like someone is chasing here. Kapansin-pansin din ang suot niya. It is a night dress. Mukhang galing siya sa pagtulog. Natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang pigura. Pula ang mata niya. Hindi man maaninag masyado ang mukha niya, alam kong nakangisi siya. Pamilyar din siya! At hinahabol niya ang babae kanina!

I gasped harshly nang tumingin siya sa direksiyon ko. And the next thing I knew, ako na ang hinahabol niya. I ran as fast as I could at halos magsisigaw ako nang maramdaman ang hininga niya sa tenga ko.

Napabalikwas ako ng bangon saka hinabol ang paghinga. Damn, that's one of the worst nightmare I ever had. Everything seems real.

Tumayo ako at umalis sa kama. Nauuhaw ako and hindi ko matiis so I need to drink downstair.

Lumabas ako ng kwarto at naglakad pababa. Agad kong tinungo ang kusina saka uminom ng dalawang basong tubig. Parang uhaw na uhaw ako dahil galing sa takbuhan. Pero ang totoo, galing lamang sa pagtulog.

Paakyat na sana ako nang mapansin na may kalabog at bukas ang pinto ng kwarto ni Lena. Nasa first floor lang kasi siya, in the maid's quarter. Dahan-dahan akong naglakad papunta ro'n. Sinalakay ako ng kaba nang marinig ang tila impit na ungol dahil sa sakit.

But because of this damn curiosity, naglakad pa rin ako palapit. And I almost broke down because of the scene.

Lena is lying on the floor with Clark on the top of her. Nasa leeg ni Lena ang mukha ni Clark. And I thought they are having sex or what pero nakita ko ang dahan dahang pagtulo ng dugo sa leeg ni Lena.

Naririnig ko pa ang mahinang pagsisip ni Clark. Unti-unting humina ang pagpupumiglas ng dalaga kasabay ng pagputla nang balat nito marahil sa pagkaubos ng dugo.

Unti-unting umangat ang ulo ni Clark saka tinitigan si Lena. His back is facing me.

"I'm sorry If I need to drink your blood and kill you. Kailangang hindi ako uhaw sa dugo dahil baka maubos ko ang dugo ni Lauren mamaya. I just need to mark her, not to drink her blood. Napakatamis at bango pa naman ng dugo niya," he said in a raspy voice.

Samantalang ako ay nakatulala lamang at nanlalaki ang mata. Damn, what the hell is happening!? Ano 'yong nakita ko? Mark? Anong ibig sabihin ni Clark!?

Huli na para umalis nang umikot si Clark para umalis. Nakita na niya ako. Nagulat siya dahil sa presensiya ko. Ang gulat niyang expression ay napalitan ng seryoso.

"C-clark. A-ano iyon?" pilit kong tanong.

Mataman lamang siyang nakatingin sa akin.

"Ano ka, Clark?" tanong ko ulit.

And my theory was confirmed nang mapansin ko ang mahahaba niyang pangil. I gulped hard.

"Don't try to escape from me, my love," aniya.

Napaatras ako nang humakbang siya palapit. Hindi ako nakinig sa kanya, instead I ran. Tumakbo ako palabas ng rest house nang walang sapin sa paa. Nakita ko siyang umiling at naglakad pasunod sa akin.

I'm afraid pero dumiretso ako sa gubat dahil wala ng ibang daan. Kung dadaan ako sa dinaanan namin dati, mahahabol niya ako dahil kailangan ko pang umakyat sa mga batuhan. Sinadya niya ba ito? Papatayin niya rin ba ako?

I ran as fast as I can, not minding the wounds I got because of running with my barefoot. Sa gitna ng gabi ay rinig na rinig ko ang mga nakakikilabot na langitngit, ang mababaw kong paghinga, at ang huni ng mga pang-gabing hayop. Ngunit mas nangibabaw ang malakas at mabilis na pagtibok ng aking puso.

Pinilit kong 'wag lumingon sa likod at pinagpatuloy ang pagtakbo sa masukal na kagubatan. Kailangan kong mag-patuloy kahit pagod na ako. Kailangan kong magpatuloy kahit ang totoo ay ayoko na. Because I'm already tired and my overflowing emotions aren't helping.

Paano nga ba ako napunta sa sitwasyong ito?

And the heck! They are true. Ang mga nilalang na may pangil, kakaibang bilis at dugo ang nagbibigay buhay sa kanila ay totoo!

And the worst is, hinahabol ako ng isa sa kanila. Alam kong imposibleng hindi n'ya ako mahabol, lalo na sa kakayahan na mayroon siya. Ngunit pipilitin ko pa rin. Dahil iyon na lamang ang magagawa ko.

Hindi sinasadyang napatid ako dahil sa malaking ugat na hindi nahakbangan nang maayos. I felt the pain, it is intense... excruciating. Lalo akong napaiyak. But I need to stand and continue running or else, I'll die.

Tatayo na sana ako but I felt someone's presence on my back. I stiffened when I felt his warm breath touched my bare neck. Hinuli agad niya ang aking bewang.

"Got yah!"

Napaluha ako dahil sa takot. It hurts to know that my bestfriend is a vampire. Tinulak niya ako. Napaigik ako sa sakit at lalo pang nasaktan nang simulan niya akong halikan sa labi. Tears started to fall from my eyes.

"Clark, let me go!"

I tried to fight. I really tried even I'm already tired and exhausted. At ang katotohanan na ang taong pinagkatiwalaan ko pa ang gumagawa nito, ay mas lalong nakapagpahina sa akin. Nagpumiglas ako at sinuntok siya, but I received punches from him. Ang dating tagapagtanggol ko... ngayon ay siyang nananakit sa akin.

His kisses reached my collarbone. He began to suck and lick my skin. Nandidiri ako. Tumindig ang aking balahibo at nais masuka. But the feeling of being betrayed is dominating. My tears won't stop from falling.

"Hindi ako makapapayag. Akin ka, kahit kalabanin ko pa ang hari. Bakit sa dami ng babae ikaw pa? Bakit ikaw ang nakalaan sa kaniya?" Ramdam ang galit at sakit sa boses nya.

Damn, I'm clueless for crying out loud!

Pinunit nya ang damit ko kaya napasigaw ako lalo. He continued kissing me, his hands that used to protect me before, started to roam all over my body. Touching intimately every inch of my skin. Ayoko na, nandidiri ako.
He kissed me on my lips hungrily, pero natigil iyon nang bigla siyang tumalsik sa puno dahilan para mabuwal iyon.

And in just a snap, sakal sakal na siya ng isang nakatalikod na lalake.

"You hurt my Queen? You'll pay for it, asshole." His dangerous cold familiar voice echoed all over the forest.

******

Supladdict<3

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now