Chapter 34

121K 3.6K 426
                                    

Lauren's POV

Tanging apoy lamang na nanggagaling sa labas ng kulungan ang nagbibigay sa amin ng liwanag. Kitang-kita ko ang galit at labis na poot sa kan'yang mata. Nakita ko ang mabilis na pagkilos ng kamay niya at sa isang iglap ay may hawak na siyang latigo.

Napalunok ako nang pumasok sa isip ko ang mangyayari. I'm here, jailed inside a dark room. Mabaho ang paligid at nasa harap ko ang galit na galit na si Lailyn. And I know what will happen next.

At hindi ako nagkamali, lumipas ang ilang segundo ay umigkas sa balat ko ang latigo. Napasigaw ako sa sakit at hapding dala nito. Ramdam na ramdam ko pa iyon dahil naka-uniform parin ako. Hanggang itaas ng tuhod ang haba ng skirt, kaya direkta ang tama ng latigo sa'king balat.

Ilang beses niya iyong inulit. At sobra-sobrang sakit ang naranasan ko. She was true to her words. Pinadama nga niya sa akin ang sakit. I know, despite of the darkness, my body is full of bruises and marks. At kahit gumagaling ang mga ito, mabilis namang napapalitan dahil walang patid niyang pananakit sa akin gamit ang latigo.

Wala akong magawa kung hindi ay piping tumangis. Minsan ay hindi ko mapigilan kaya napapasigaw ako sa sakit. And my cries and screams gave her so much satisfaction.

Tama ba 'tong nararanasan ko? Do I deserve this? Kabayaran ba ito para sa lahat ng ginawa ko kay Clark? Pero hindi ko naman ginusto iyon, eh. I have never wished for his death.

Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko ang kahit anong makakasakit para sa mga taong mahal ko. Clark has a big part on me. At masaya ako kapag masaya siya. Hindi ko ginusto ito, hindi ko ginusto ang lahat ng nangyari.

"Masarap ba? Kaya pa?" nanunuya niyang tanong matapos ako hampasin ng latigo.

Yumuko ako at isinubsob sa magkadikit na tuhod ang mukha. Nanatili pa rin akong nakatali. Ang aking kamay at paa.

Sobrang sakit na malaman na iyong tao or should I say bampira na nakasama ko sa mahabang panahon ay wala na and the worst is, ako ang rason.

"Walang-wala iyan sa sakit na nararamdaman ko ngayon, Lauren. Alam mo ba ang epekto na mawalan ng beloved? Para na rin akong patay! Wala ng kwenta ang lahat. Ang pananatili ko sa mundo ay wala ng kwenta. Pero gusto kong maghiganti kaya nandirito pa ako. Hinding-hindi ako papayag na maging masaya ka. Dapat pareho tayong maging miserable!"

Itinapon niya sa tabi ang latigo at dinampot ang isang bagay sa tabi.

Hindi ko alam kung ano 'yon hanggang sa kumislap ito nang matapatan ng liwanag mula apoy. Tubo na bakal. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang gagawin niya. Nagsawa na siya sa latigo kaya iyan na naman ang gagamitin niya. And I'm more than sure that, it is gonna be more painful.

Ngumisi siya nang mapatingin sa akin. Alam kong bakas sa mukha ko ang takot. Never in my life na napagbuhatan ako ng kamay ni Mama. Kapag may nagawa akong kasalanan, imbes na saktan ako o pagalitan, I will receive a cold treatment for long time. At mas masakit iyon kumpara sa palo o mga salita. Mas masakit na hindi ka papansinin ng magulang mo.

Napa-awang ang bibig ko nang tumama iyon sa braso ko. Damn, as expected, mas masakit ito. Solid ang tama nito sa katawan ko. Napahikbi ako ngunit pinigil ko. Pakiramdam ko ay nag-crack ang buto ko.

Ngumisi muli ang babae sa harap ko. Kitang kita sa mata niya ang poot, galit, sakit at halong saya. Saya na malamang ay dahil sa ginagawa niya.

"Are you s-satisfied now Lailyn? Nababawasan na ba a-ang sakit na nararamdaman mo?" Nahihirapan kong saad habang iniinda ang sakit na nararamdaman.

Tila nagulat naman siya sa biglaan kong pagsasalita. Kapagkuwan ay humalakhak siya. Nakakapanindig balahibo na halakhak.

"Oh, Lauren. Wala pa yan sa kalingkingan ng lahat. Katulad nga ng sinabi ko, pahihirapan kita. Nang sobra-sobra to the point na pipiliin mo na lang mamatay." At muli niya akong pinaghahampas.

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now