Chapter 18

183K 6.5K 185
                                    

Lauren's POV

Nasaan nga ba ako? Paano ako napunta sa ganitong sitwasyon?

All I know, pagbukas ng mata ko, puro kadiliman lang ang nakikita ko. Kahit ipikit ko pa o imulat ang mata ay walang pagkakaiba.

I feel so weightless. Parang ang gaan ko. Parang lumilipad lang ako, and at the same time is hopeless. Madilim, malamig ang paligid. Natatakot ako, paano kung may nilalang na papasugod sa akin? Paano ko makikita? Paano ako makalalaban kung paralisado ang katawan ko?

Pilit kong iginalaw ang katawan ko pero di ko alam kung nagawa ko na ba. I feel so numb. Bakit ganito? I feel so helpless and worthless. Para akong bulag, pilay at pipi. Wala akong lakas para magsalita. At ang katahimikan ay nakabibingi.

Ipinikit ko ang mata saka taimtim na nagdasal. Na sana, ligtas ako. Manatili akong ligtas kung nasaan ako. At si Austin...

"Be strong, wife..." maliliit na boltahe ng tila kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang marinig ang malamig at paos niyang boses.

Malamig sa pandinig pero nagbigay ito ng init sa katawan ko. I suddenly feel secure and warm.

"A-austin.."

Sa wakas, naka-pagsalita na ako. Salita nga ba? Halos bulong lang ang nagawa ko. Paos pa ang boses ko.

"Wake up now, wife. Please..."

Ramdam ko ang pagsusumamo sa boses niya. Nakaramdam din ako ng sakit, parang nararamdaman ko nang malinaw ang emosyon niya.

Biglang nawala ang kaninang init na yumakap sa katawan ko. Again, I feel empty. Umalis na ba si Austin? Iniwan na ba niya ako?

No! Ayoko! Austin 'wag mo akong iwan!

Gusto kong tumayo at mangapa sa dilim para hanapin siya pero 'di ko magawa. Hindi na ulit ako makapagsalita. I feel so drained and thirsty as well. Ramdam ko ang pangangailangan kong uminom. Wala bang tubig dito?

Ano ba ang nangyayari? Nasaan na ba ako? Bakit wala si Austin! Help me, please! Ayoko na dito, para akong patay. Pakiramdam ko patay na ako. Damn, paano nga ba makatatakas sa sitwasyong ito?

Naramdaman ko ang pag-agos ng mainit na likido mula sa mata ko patungo sa pisngi. Umiiyak ako, pero walang lumalabas na hikbi sa bibig ko. Ayoko na dito, this place of emptiness. Lugar kung saan pakiramdam mo wala kang kwenta.

Mariin akong napapikit nang sumakit ang lalamunan ko. Gumuhit ang sakit, later on it became unbearable. Gusto kong sumigaw, atleast it can lessen the pain I'm feeling. Pero wala. Hindi ko iyon magawa.

"Austin..." I whispered helplessly.

Later on I felt a warm thing enveloped around my body.

"Wife..."

May sinasabi siya pero 'di ko marinig. May mainit na dumampi sa noo ko. Masarap sa pakiramdam pero nangingibabaw ang sakit.

Gumuhit sa buong pagkatao ko ang sakit. Nagsimulang manginig ang katawan ko. Tumulo ang masaganang luha mula sa mga mata ko. Hindi ko kaya, pakiramdam ko ay hinahati ang katawan ko. Bawat sulok ng katawan ko ay dinadaanan nang hindi maipaliwanag na sakit. Parang sinasaksak ang kalooban ko saka pinaglalandas ito sa buong sistema ko.

"Do something!" Ramdam ko ang takot na mga emosyon sa tabi ko.

Pagkataranta, kaba at iba pa. Natatakot ako, paano kung hindi ko kayanin. Paano kung hindi ko na sila makita...

Lalo akong napaiyak, pero napansin ko rin ang mga bulong ng 'di maintindihan na salita sa paligid ko. Afterwards, I felt a warm soothing thing filled my body. Lumandas ito sa bawat himaymay ng katawan ko. Nando'n pa rin ang mainit na bagay na nakayakap sa akin at dumagdag pa dito ang masarap sa pakiramdaman na kung anong lumalandas sa kalooban ko.

Unti-unting nawala ang sakit. Unti-unting naging normal ang paghinga ko. Ang kaninang itim na paligid ay paunti-unting lumiliwanag. Tumahimik na ang paligid, wala na rin ang sakit.

Nakatitig ako sa kawalan. Wala na nga ang sakit pero ang problema ko kung paano makaalis dito ay mahirap pa rin solusyunan. Sana kung may kapangyarihan ako?

Napapikit ako nang may maramdaman akong humahaplos sa buhok ko. Damn, nararamdaman ko na ang katawan ko! May dumampi sa labi ko, sunod ay sa noo ko. At unti-unting lumalayo ang malakas na presensya sa tabi ko.

Kasabay no'n ay ang unti-unting pagmulat ng mata ko. Napapikit ako nang sumalubong ang liwanag sa akin. Masakit sa mata kaya sinanay ko muna. Nang maglaon, inilibot ko ang tingin sa silid. Nakahiga ako, nasa isang napakagandang kwarto. Napadako ang tingin ko sa may pinto at nakita ang papalabas na pamilyar na bulto at tikas ng katawan.

"A-austin..."

Ginawa ko ang lahat at ginamit ang natitirang lakas para masambit ang pangalan niya. Napatigil siya at unti-unting nilingon ang kinaroroonan ko. Dahan-dahang nanlaki ang mata niya. Ang gulat ay napalitan ng saya saka mabilis pa sa kisap-mata ay nasa harap ko na siya at niyakap ako nang mahigpit.

I suddenly felt home. Siya, siya ang hinahanap ng sistema ko. Siya ang kanina ko pa nararamdamang kulang sa pagkatao ko.

Siya ang nagpuno ng nawawalang bahagi ng pagkatao ko.

"W-wife..." Garalgal ang boses niya nang isambit niya iyon.

Napapikit ako nang marinig nang malinaw ang boses niya. It's a comfort...

"You did it baby, you're really tough." Saka paulit-ulit akong hinalikan sa noo. Napanguso naman ako.

"Bakit noo? W-why not lips?" paos kong saad.

Napatigil siya at gulat na tumingin sa akin. A smile slowly crept on his lips as he dipped his head and our lips met.

We kissed passionately. He kissed me like it is gonna be our last kiss. Ramdam ko ang pangungulila niya. Damn I miss my vampire king. Oh, let me rephrase it, my vampire king husband.

*****

Author's Note (2020): Ang cute ko magsulat no'ng 15 ako. Ang jeje HAHAHAHA. But I won't change my narration style here. Binabago ko lang po ang mali na grammar at spelling na napapansin ko hahaha. I want to preserve this para makita ko kung paano ako magsulat noon, lalo na ito ang unang-una ko na story hehe.

Supladdict<3

Being The Vampire King's BelovedWhere stories live. Discover now