Chapter 35

119K 3.5K 259
                                    

Lauren's POV

Parang winasak ang puso ko matapos sabihin ni Austin iyon. He's staring at me, with those blank eyes. Ang dating mga malalim niyang mata... his eyes that passionate are now blank and lifeless.

"Austin?" bulong ko.

Hindi ko alam ang dapat sabihin. Ang maghalikan sila sa harap ko ay pagtataksil sa akin. At ang sinabi niyang papatayin ako ay nakapanghihina. But I know Austin, I know my husband. Something is wrong.

"What the hell did you do to him, Venice? What did you do to my husband, bitch!?" Galit kung sigaw at pilit na kumawala sa tali.

Lalo itong sumikip at humigpit katulad kanina. Nagimbal ako nang malakas akong sampalin ni Austin.

Natulala ako at napatitig sa kan'ya. Anger is evident on his eyes. I felt my tears started to stream down from my eyes. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. He slapped me? R-really?

"You have no right to call her with such name, bitch," malamig niyang saad.

Malamig. Nakakakilabot. Walang ibang laman kung hindi ang galit.

"A-austin, hubby... what happened to you?" I asked.

Narinig ko ang halakhak ng babae sa tabi niya. May nanunuyang tingin ito. Niyakap niya mula sa tagiliran si Austin. Napatingin sa kan'ya ang asawa ko. And again, he dipped down and captured her lips.

I closed my eyes, wishing that this is just a dream. Kasi ang sakit. Mas masakit pa sa mga hampas, palo at lahat ng pisikal na sakit na ibinigay ni Venice. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang may ibang babae si Austin.

Sobrang sakit. To the point na pakiramdam ko ay muli akong namamatay.

"Austin..." I called him again.

With so much pleading on my voice. Kulang na lang ay lumuhod na ako, kung hindi lamang ako nakatali at nanghihina. Gusto kong isigaw, gusto kong magmakaawa sa kan'ya na itigil na niya ang ginagawa kay Venice. He's kissing her passionately. With full of love. Kiss the he used to do with me. To me, only to me.

Pagmulat ko ng mata ay nakita kong bahagya siyang itinulak ni Venice saka nginitian nang matamis at bumaling sa akin. Ramdam ko pa rin ang pangangapal ng pisngi dahil sa sampal ni Austin. Tinaasan niya ako ng kilay at ngumisi.

"I told yah. I will make you feel all the kind of pain, Lauren," saad niya.

"Venice, please stop this. Hindi ko ginusto 'to. Alam mong mahalaga sa akin si Clark, dahil matalik ko siyang kaibigan... so there's no reason that his death will be my pleasure!"

"Na-ah. Kailangan mong maramdaman ang lahat. So we'll be quits." Saka hinila niya paalis si Austin. My eyes widened.

"Austin! Wag kang sumama sa kan'ya!" Napaiyak ako.

Ngunit hindi niya ako pinansin. At tuluyan akong napahagulhol nang sumama siya kay Venice.

Patuloy ko siyang tinawag. Sinisigaw ang pangalan niya. But he didn't come back. And it pains me a lot. Isinubsob ko ang mukha sa magkadikit na tuhod at do'n umiyak. Sobra-sobrang sakit ang nararanasan ko ngayon.

Austin? What happened to you? Did Venice bewitch you? Kasi alam kong mahal mo ako. Imposibleng gawin mo 'to sa akin Austin. Imposibleng saktan mo ako nang ganito kung nasa tama kang katinuan. 'Di ba, Austin? 'Di ba, hubby?

You said that I'm the only one. Sinabi mo sa akin 'yon, na ako lang mula noon hanggang ngayon. Until forever. I'm the only woman that you'll love until forever. You promised it. Kaya nagtitiwala ako sa'yo.

"I can't promise to you that I would never hurt you, baby. Pero pangako, hindi kita sasaktan na sinadya ko. Kung makahahanap ako ng kahit anong paraan, I will risk. 'Wag ka lang masaktan. And in case that time comes, remember this wife. I love you so much. And that will never ever change." Then he sealed it with a kiss.

Being The Vampire King's BelovedKde žijí příběhy. Začni objevovat