CHAPTER 38

8.3K 115 38
                                    


*Dale's Pov*

                                                             2 Years After

The moment i heard those words from kuya Vian, Nag bago na 'ko.

Naging masaya ako nung magka sama pa kami ni vanna. Ang sakit lang kasi. Sa mismong araw ng kasal pa SANA namin siya nawala.

oo dalawang taon na an nakalipas pero wala parin eh. Hindi parin mawala ang Sakit na nararamdaman ko mula ng marinig ko yung sinabi ni kuya sakin.

sa una hindi pa sana ako maniniwala pero nang umiyak na si kuya vian, Wala na. wala na akong magawa para hindi pa maniwala. kilala ko si kuya vian.

Hindi siya mag bibiro ng mga ganon. At lalong hindi artista yun. Andito lang ako ngayon sa Kwarto. Nag kukulong.

Nakausap ko na si Leanna, Ganon parin siya. Masama parin ang ugali niya. hindi naman na ata mag babago yun. Mahal na mahal daw niya ako at di daw siya titigil hanggat hindi ako napapasa kanya.

Pero kinamumuhian ko siya. Siya ang rason kung bakit nawala na si Vanna. Siya ang rason ng lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Sobrang sakit.

Naiisip ko na lang minsan, pano kaya kung nakapag pakasal kami ni vanna? Ilang anak na kaya ang meron kami ngayon? Masaya sana siguro kami ngayon. Naka pundar na sana kami ng Bahay.

Malaki na sana ang Pamilya namin ngayon. Pero lahat ng yun nawawala sa isip ko sa twing maaalala ko ang mga salitang sinabi sakin ni leanna.

'sa tingin mo mag kakatuluyan kayo? makukulong ako, mamamatay si vanna!'

'hindi ka magiging masaya dale! Hindi kayo magiging masaya ni vanna!'

ewan ko ba. Hindi ko alam kung bakit may gantong nangyari pa sa buhay ko.

sa ngayon, Wala naman nang nanggugulo sakin. Pero hindi parin ako masaya dahil wala na ang taong mahal na mahal ko.

Naligo na lang muna ako at naisipang yayain si kuya vian na magkape na lang muna sa labas. simula kasi ng nawala si vanna, Palagi na niya akong sinasamahan. hindi niya ako pinapabayaan. ewan nabakla na ata sakin yun eh.

Matapos kong maligo umalis na agad ako. dun na lang kami mag kikita ni kuya vian sa parke de ayale. Maraming Botique dun. Nalaman ko lang naman ang lugar na yun mula nang makilala ko si vanna. palagi kasi siyang nag yayaya noon na pumunta dun. Masarap daw gumala dun.

Nag lakad lakad ako at nag hanap ng magandang coffee shop. Hindi naman nag tagal Naka kita na agad ako ng magadang Tambayan.

umorder na muna ako at Umupo. Wala akong magawa kaya nag pa music na lang ako at iginala ang mata ko.

May isang babaeng naka kuha ng attensyon ko. Parang si Vanna.

pero Alam ko namang guni guni ko lang yun dahil nga wala na siya. siguro namiss ko lang talaga siya. Siguro Hindi ko pa matanggap na wala na siya,

maya maya, Nakita ko na si kuya vian namay malapad na ngiti sa kanyang labi. Sinasabi ko na nga ba bakla to eh. Baka may gusto sakin to. jusko wag naman po sana.

nag usap kami ni kuya at laking gulat ko ng may inilabas siyang americana sa Bag niya. pinasoot niya sakin to.

"para san to?" curious ako kaya tinanong ko muna kung para saan. syempre alangan namang suotin ko lang ng hindi ko naman alam kung bakit diba?

"wala para pareho tayo" Lintek na. Bakla talaga to eh! Maypa couple couple pa siyang nalalaman. Naku poo. kung hindi lang kuya ng mahal ko to eh tinaduakan ko na to kanina pa.

sinuot ko nalang ang americanang bigay niya. para kaming ulol nito eh naka shorts ako at topsider tapos naka americana sa itaas may puting polo naman akong suot.

Matapos naming mag kape, Umikot muna kami.

madami siyang pinamili. Puro pang baby. ewan ko kung bakit. Baka may reregalohan o di kaya may binyag na pupuntahan.

Maya maya lang nagulat ako nang May mga taong nag kukumpolan sa dulo. parang nagkakagulo.

sa tuwing makakakita ako ng ganitong serye natatakot ako.

baka kasi mag aasik nanaman ng lagin si leanna. Wala na kasi si jhovannie na baril siya ng isang pulis nong nag tangkang lumaban. Yun ang kwento nila kuya sakin.

Unti unting Humati ang mga tao at nakakita ako ng isang babaeng naka suot ng isang Bridal Gown.

grabe naman ang mga tao ngayon gawin ba namang Simbahan ang mall?

may nakita akong pari sa likod ko. Aalis na sana ako ng pinigilan ako ni kuya vian.

"Naku kinikilig ako dito na muna tayo nang masaksihan kung ano bang pakulo ito"

bored akong tumango at tinignan na lang ang cellphone ko.

Nagulat na lang ako nang makita ko na ang babae sa harap ko.

Gusto kong sumigaw. Natatakot ako na Hindi ko magawang ipaliwanag ang nararamdaman ko.

Vanna standing infront of me wearing Her wedding gown and her smile in her face.

May luhang tumulo mula sa mga mata niya ang niyakap ako.

"Imissyou somuch baby!" yun lang ang sinabi niya at hinatak na ako papunta sa harapan ng pari.

Ikinasal kaming dalawa. IKINASAL KAMING DALAWA.

ANONG NANG YAYARI?! BAKIT GANITO?!! tinignan ko si vanna na may malaking question mark sa mga Mata ko.

ngiti lang ang tugon niya sakin.

Sumakay kaming dalawa sa sasakyan matapos ang palitan namin ng vows. Actually siya lang ang nakapag salita kanina. nang tinanong ako ng pare kung gusto ko bang magpakasal sa kanya, tumango na lang ako.

"i will explain it to you later darling"

----

A/N pabitin muna 😂😂 MAMAYA O BUKAS NA TALAGA LAST CHAP HAHAHAHAHA

Lets Talk about SexTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang