Chapter 31

30.6K 471 128
                                    

*Dale's Pov*

Nakaka bakla mang aminin pero natatakot ako.

Natatakot ako na baka hindi na naniniwala si vanna sakin. Natatakot ako na baka nag dududa pa rin siya sa nararamdaman ko sa kanya.

Pero ano nga ba ang dapat kong ikatakot kung alam ko naman sa sarili kong totoo ang mga pinapakita ko sa kanya.

Andito kami ngayon sa loob ng tent. Naka higa. Walang nag sasalita.

Siguro dahil sa nang yari kanina kaya medjo dark pa ang aura niya ngayon.

Ayokong masaktan si vanna. Ayokong na i-istress siya sa mga nangyayari.

Nasa bakasyon kami ngayon at dapat nag eenjoy lang kami. Dapat walang problema. Kailangan chill muna at wag nang isipin ang mga problema.

Hindi ko na nakayanan ang katahimikan kaya nag salita na ako.

"Vanna? Babe? About sa nangyari kanina, im sorry. Hindi ko alam kung pano sila napunta rito. wala akong alam sa mga gagawin nila babe" pagpapaliwanag ko kay vanna.

Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Sana nga dale. Sana nga" at nang sinabi niya yun at tumalikod na agad siya.

Niyakap ko siya mula sa likod at natulog na.

*Third Person's Pov*

nasa isang tent sina Leanna at Jho at mahinang nag uusap. Nag paplano nanaman kung ano ang gagawin kina dale at vanna.

"hoy! Yana! Ano ba kasi ang pumasok sa utak mo at naisipan mong agawin ulit si dale kay vanna" tanong ni jho sa kaibigan na siya namang ikinagulat nito.

"I-i dont k-know. Bigla ko na lang na realize na mahal ko pala talaga siya na hindi ko pala talaga kayang hindi na ako ang naka hawak sa kamay niya" pagpapaliwanag ni Leanna kay jho.

"Leanna. Mahal ko rin si dale" pag amin naman ni jho kay leanna.

Ang hindi alam ni jho ay matagal nang alam ni leanna na may gusto siya rito.

Hindi lang pinapa halata ni Leanna dahil alam nilang dalawa sa sarili nilana nag gagamitan lang sila para makuha si dale.

"W-what?!" Kunyaring nagulat na tanong ni leanna kay jho.

"But d-dont worry. Wala a-akong balak" umiwas agad ng tingin si jho kay leanna matapos niyang sabihin yun.

"O-okay. Halika na mag ligpit na tayo ng tutulogan natin" saad naman ni leanna sa kaibigan.

sabay silang pumasok sa tent at kanya kanyang niligpit ang hihigaan nilang dalawa.

Humiga na sila at si jho ay agad nang natulog sa pag kakaalam na mau gagawin silang hindi maganda ni leanna bukas.

Si leanna naman ay panay ang isip sa gagawing plano kung pano makukuha si dale.

Dahil sa coffee shop pa lang ay alam na niyang may gusto na si dale kay vanna.

Sa tagal ng pag iisip ay nakatulog na agad si leanna.

*Vanna's Pov*

Matapos ang pag uusap namin ni dale ay tunalikuran ko na siya at ipinikit ang mata ko.

Sinusubukan kong matulog pero hindi ko gawa dahil sa pag iisip ng kung ano nanaman ang pwedeng mangyari sa amin dahil andito sina leanna.

Dahil sa hindi talaga ako maka tulog eh lumabas na muna ako at nag pa hangin.

Maya maya pa ay may nag salita na naman sa likod ko.

Actually inaasahan ko na to eh.

Inaasahan ko nang susulpot nanaman ang bwiset sa buhay ko.

"Hindi ka ba natatakot mag isa vanna?" Tanong ni jho sa likuran ko.

Hindi ko sita nilingon at nag salita lang ako.

"Bat naman ako matatakot? Buti sana kung may mamamatay tao dito" sarcastic kong sagot.

Nag lakad naman si jho palapit sakin.

"Meron nga. Muntik ka na ngang mamatay the last days diba?" Sambit naman ni jho na hindi ko na ikinagulat.

Sino pa ba ang ineexpect kong mag lalason sakit eh sila lang naman ang mag malalim na inggit sakin.

"Lason nga nakaya ko yung mamamatay pa kaya na kaharap ko?" tapos hinarap ko siya.

"What do you mean?!" Gulat na sagot ni jho.

natawa naman ako sa itchura niya at halata na nagulat at natakot siya.

"Oh bakit? Natakot ka? Wag kang mag alala kaya mong labanan ang kapwa mo" nginitian ko muna si jho bago tumayo at umalis.

Pero bago pa man ako makaalis ay nag salita na agad si jho.

"Mag ingat ka sa binabangga mo vanna. Baka mag sisi ka" nilingon ko ulit si jho at nilapitan.

Binigyan ko siya ng napaka tamin na ngiti bago nag salita.

"Tinatakot mo ba ako jho? Baka nakakalimutan mo na ang mga ginagawa ko noon pag may naka away ako" saad ko kay jho.

"Oo nga. pero hindi ako isa sa mga naka away mo na duwag vanna. Marunong din akong lumaban tulad mo" nginitian niya ako ng isang nakakalokong ngiti bago ipinagpatuloy ang sasabihin niya. "Lalo na pag may gusto akong kunin" Saad naman ni jho.

"Talaga jho? Sige nga. Ipakita mo nga. Pero jho! Friendly advice lang ha? Galingan mo ang pag kuha ng gusto mo. Lalo na pag ang gusto mong makuha ayaw magpa kuha" diniinan ko pa ang AYAW para lang pumasok sa kokote niya na akin na si dale.

"Oh sha. Mag ingat ka sa kapwa mo jho ah? Una na ako" at umalis na agad ako sa harap ng walang kwentang yun.

Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya eh.

Paapasok na sana ako sa tent nang may nakita akong anino papasok sa gubat. Susundan ko sana nang bigla akong tinawag ni dale.

"Babe san ka galing? Pumasok kana at matulog na tayo" sabi ni dale.

Sinunod ko naman siya at hinayaan na lang ang nakita ko. baka naman namalik mata lang ako.

Pagka pasok ko ay humiga na agad ako.

Niyakap naman ako ni dale at hinayaan ko na lang siyang yakapin ako.

"Iloveyou vanna" tapos hinalikan niya ako sa leeg.

Hindi ko na lang siya pinansin at ipinikit na ang mga mata ko.

Kung sa tingin nilang dalawa ni leanna eh matatakot na ako sa mga ginagawa nilang pananakot.

Pwes, sorry dahil lalaban ako. Lalo na't si dale ang pinag uusapan namin.

Hindi na ako mag duduwag duwagan.

kung nakaya kong makipag away noon sa mga walang kwentang bagay.

Kaya ko ring makipag away ngayon lara sa taong mahal ko at Mahal ako.

----

A/N: guys! Here's the update! :) actually dapat sa 17 sa pa to eh pero dahil maraming nag rerequest nang ud dahil raw bitin oh eto! Hahaha

Nga pala guys! I have a new story! Our cliche lovestory ang title! Sana supportahan niyo!

Walang pilitan! Hahahaha! Sa may mga gusto lang po! :*

osige tamanang chika. Sa may mga itatanong at naguguluhan pa rin sa story just pm or comment niyo lang dito at sa next update ko ilalagay para naman ma clear din sa iba

~beybrianna

Lets Talk about SexWhere stories live. Discover now