Chapter 32

27.9K 470 116
                                    

*Dale's Pov*

Nagising ako ng dahil sa pambubulabog ni James dito sa tent namin.

Buti na lang hindi na gising si vanna.

Lumabas muna ako ng tent at tinignan kung ano na ba ang ginagawa nila.

5:30 am pa lang nang makita ko sa cellphone ko ang oras.

Nadatnan ko sa labas sina rose at lily na binabantayan ang tubig na ininit nila.

Maliit lang kasi ang dala naming takory kaya pagkatapos mainit ng isa kailangan mag init ulit para kasya saming lahat.

Nakita ko naman sa di kalayuan sa ilog sina Carl, anton at Val na nagtatawanan.

lumapit ako sa kanila.

"Oy! Aga ng tawanan natin ah?" Bati ko sa kanila nang nakangiti.

nilingon naman nila ako at nginitian pabalik.

"Uy! Dale! Halika! Tulungan mo kaming sumungkit ng isda! Kanina pa kasi kami dito hindi parin kami naka kuha kahit isa" natatawang sumbong ni Anton.

Napa tawa naman ako dahil halatang giniginaw na sila.

Maaga pa kasi at malamig dito. Pano pa kaya pag nasa tubig na sila. Hahaha.

"Uy! Ayon!" Sigaw ni carl at sinungkit ng dala niyang kahoy na matulis.

"Putcha naman oh! Hindi pa na kuha!" Sigaw niya na na dismaya dahil hindi niya na sungkit ang isda.

Tawanan lang kami ng tawanan dito.

Matapos ang ilang pag hihintay eh naka kuha na rin kami ng dalawang isda.

Bumalik na kami sa mga tent namin at nag simula nang mag luto sina rose at lily.

Habang nag luluto sila eh pumasok muna ako sa tent para tignan kung gising na si vanna.

Tama naman ako dahil na datnan ko siyang nililigpit ang mga gamit ko.

"Babe ako na diyan" sabi ko sa kanya at akmang aagawin ang mga ginagawa niya.

"Hindi na ako na malapit naman na to matapos eh" pag tanggi niya tapos tumingin sakin at nginitian ako.

"Dito ko nilagay sa taas ang damit na susuotin mo at ang towel na gagamitin natin mamaya pag naligo tayo sa falls okay? Tapos yung cellphone mo nasa bulsa lang. kung gusto mong kumain merong Biscuit at inumin dito sa bag ko sabihin mo lang" mahabang paalala ni vanna habang patuloy na nag liligpit.

"Napaka maalaga naman ng magiging asawa ko" napatigil naman si vanna sa ginagawa niya at tumingin sakin.

Hindi siya kumibo at Iniwas naman agad ang tingin niya.

"Babe? Pakasal na tayo" saad ko at kitang kita naman ang gulat sa mukha ni vanna.

*Vanna's Pov*

"Babe? Pakasal na tayo" nagulat ako sa sinabi ni dale at hindi ako makapaniwala.

"Wala mang singsing sa ngayon pero handa akong ibigay lahat ng pangangailangan mo sa oras na makauwi na tayo. Wag lang muna ngayon dahil nangutang lang ako kay jho" napa kamot naman ng ulo si dale na siyang ikina tawa ko.

"Sigurado ka ba jan dale? Baka naman nabibigla ka lang" nag aalangan na sabi ko kay dale.

"Vanna sigurado ako. Hindi ko na kailangan pang pag-isipan ng paulit ulit ang mga bagay na gagawin ko kung ikaw ang kasama dun" hindi ko maiwasang mapa luha sa mga sinasabi ni dale.

Lets Talk about SexWhere stories live. Discover now