Chapter 24

41.3K 595 164
                                    

*Dale's Pov*

     "D-dale" kita sa mukha ni Vanna ang pagka gulat.

     Umiwas ako ng tingin sa kanila bago nag salita.

     "Kakain na tayo" pagka tapos kong sabihin yun ay tumalikod na ako at umalis.

     Naramdaman ko namang sumunod si Vanna at Tom.

     Nang maka rating kami sa Kusina ay nadatnan ko run ang mga kasama namin. naka upo na silang lahat at ang natirang upuan na lang ay sa tabi ni Lily tapos sa kabila naman ay dalawang bakanteng upuan na katabi ni Carl at rose.

     Umupo si Tom sa tabi ni carl tapos si Vanna naman sa tabi ni rose. So magkatabi na naman silang dalawa. Malalandi. Tumabi ako kay lily at nginutian siya.

     Nag uusap usap silang lahat tapos ako tahimik lang na kumakain. Nakita kong sumusulyap si vanna sakin pero imbis na siya ang pansinin ko kay lily ko na lang ibinigay ang atensyon ko.

     kung pinag seselos niya ako. Pwes! Nagtagumpay siya! bahala siya sa buhay niya kung yan ang gusto niya! Hmmf!

     Pagkatapos naming kumain ay nag si alisan na sila. Katulad kanina si lily at rose lang rin ang nag pa iwan para mag ligpit kaya tumulong na ako. Mababait naman sila at masayang kausap.

     Tumulong ako sa pag liligpit at pagka tapos nun ay napag pasyahan kong umakyat muna para matulog. Mamayang gabi na lang ako lalabas. Pagod na pagod ang katawan ko.

     Bago ako maka akyat sa kwarto ay madadaanan ko pa ang sala. Katulad kanina ay nandon nanaman sina vanna at tom na mag katabi na parang sila ang may boypren. walang respeto. Alam na ngang ako yung boyfriend tapos lalandiin pa ang mahal ko.

     Hindi ko na pinansin si vanna nang makita kong magsasalita sana siya.

     Diretso lang ako sa pag punta sa taas. Humiga ako sa kama at hiniyaang lamunin ako ng Antok.

     Nagising ako nang may naramdamang gumagalaw sa tabi ko. Tinignan ko ito at nakita ko vanna na inaayos ang higaan para maka higa na rin siya.

     Tinignan ko ang oras at saktong 6:30 na.

      Naramdaman ni Vanna na gising na ako kaya napa tigil siya sa ginagawa niya at tumingin sakin.

      "Uhmm.. d-dale?" Mahinang tawag niya sa pangalan ko kaya nag salita na rin ako.

      "Uyy!! 6:30 na pala! Bihis lang ako aa? Mag bihis kana rin. Labas na agad tayo. Oh baka naman susunduin ka ni tom?" Pagka tapos kong sabihin yun ay pumasok na agad ako sa kwarto at nag bihis ng pang ligo.

      Pagka tapos kong mag bihis ay lumabas na agad ako at nakita ko si vanna na umuupo sa kabilang side ng Kama.

      "Ge una na ako sa labas" pagka tapos kong sabihin yun ay lumabas na agad ako. Nakita ko naman sila na naliligo na beach kaya naman lumapit na rin ako sa kanila para mag swimming.

     "Whooo!! Guys! Pagka tapos nito inom tayo!" Biglang sabi ni carl.

     "Cge baa! May baon naman kami jan eh! Hahahaha" natatawang sabi ni Jessa.

     Nakita kong wala rin si tom dito sa beach kaya nag init nanaman ang ulo ko. Ayoko ng ganito. Ayokong binibigyan ng cold treatment si vanna. Pero ano ang magagawa ko?! Nag seselos na ako! Nag seselos na talaga ako sa kanilang  dalawa.

     Di nag tagal ay nakita kong palabas na ng bahay ni vanna. Naka mint green na two piece lang siya at maikling see through.

      Umupo siya sa tabing dagat at pinag laruan ang buhangin nang makita kong papalapit sa kanya si tom at tinabihan ito.

     Ngumiti si vanna sa kanya tapos ibinalik ulit at tingin sa buhangin.

     "HOOOOY!!" Na gulat naman ako sa sigaw ng kung sino man yun.

     Tumingin ako sa likod at na kita ko si lily na tawa ng tawa habang dinu duro duro pa ako.

     "Lily! Nagulat ako dun ah?!" Sabi ko na tumatawa tawa pa.

     "Guys! tara! Bonfire Na tayo! Bilis!" Sigaw naman ni chelsea at Jessa mula dun sa tabing dagat kung saan may apoy na.

     "Dale! Tara!" Aya ni lily sakin at hinila ang kamay ko.

     Nang maka rating na kami sa tabing dagat ay umupo na kami sa buhangin.

     Si vanna tumabi sakin tapos sa kabila si Lily. Napangiti naman ako ng patago.

     "Uh–uhm d-dale?" Nauutal na tawag ni Vanna sakin ng hindi man lang ako tinitignan.

     "Hmm?" Sagot ko naman sa kanya ng naka yuko.

     "w-wala. Never mind" bulong niya na tama lang naman para marinig ko.

      "So guys! Spin the bottle tayo! Pero may twist. Ang ma tamaan ng baba ng bote ang tatanungin. Tapos ang mag tatanong naman ay mula sa Katabi niya hanggang sa kabila niyang katabi. Ibig sabihin iikot pa sa circle na 'to. Pero bawat isa ay tatanong lang bawat tama sa kanya. Gets?" Mahabang instruction ni james.

     Basta bakla talaga maraming arte. Hahaha pumayag na kaming lahat at nag start na ang game. Si Val ang unang nag spin ng bottle at tumama ito kay rose.

     Dahil napagitnaan si rose nina James at Anton ay pumili si rose kung saang side mag sisimula ang mag tatanong sa kanya. Si Anton lang pinili niya kaya nag tanong na si anton.

     "Sinong crush mo dito sa loob ng circle?" Nakita kong namula naman agad ang pisngi ni rose kaya napatawa na kami kasi ang cute niya.

      "Ken" yun lang ang isinagot niya tapos yumuko na at tinabunan niya ang mukha niya gamit ang dalawang kamay niya kaya mas natawa kami.

     "Oh sige na! Rose ispin mo na!" Ini–spin na ni rose ang bottle at tumama ito kay tom na katabi ni vanna at carl.

      Sin carl ang pinili ni Tom para mag tanong. Kaya tinanong naman siya ni Carl.

     "Kung may liligawan ka kina cheska, rose, jessa, lily at vanna, sino ang gusto mong ligawan at bakit?"

     Natahimik naman ang lahat sa itinanong ni carl kay tom. hindi agad naka sagot si tom na siyang ikina kaba ko naman.

     Naramdaman kong hinawakan ni Vanna ang kamay ko kaya naman napa lingon ako sa kanya.

      Bumuntong hininga muna si tom bago nag salita.

     "Si vanna. Dahil she desrve to be treated like a princess and she's nice and it makes me like her" napa close nuckle naman ako sa isinagot niya.

----

A/N: happy new year guys! Eto na update! :) lovelotsss :*

Ano sa tingin niyo ang Mangyayari sa next update? May boto ba kay tom dito? Hahahaha.

PS: marami akong typographical error ah? Hindi ako masipag mag edit kaya pag chagaan niyo. Hahaha :*

-otor

Lets Talk about SexWhere stories live. Discover now