Chapter 27

41.4K 571 191
                                    

       Dedicated to @KeyceeSsie

*Vanna's Pov*

       Automatic na na mula ang mukha ko dahil sa biglang pag pasok ni james sa Kwarto na katatapos lang naming mag painit ni dale.

     "A-ah e-eh s-sorry! N-natakot lang K–kase ako. A-akala ko n-nag pa-patayan na k-kayo. S-sige. C-continue" pagka tapos sabihin ni james yun eh lumabas na siya at nag tititili.

     tinawanan lang naman ako ni dale dahil sa pulang pula na ako. jusko! Anong mukha na lang ang ihaharap ko sa kanila mamaya?!

      "H-hoy! Umalis kana nga dyan!" At bahagya ko siyang itinulak.

      Napatawa na lang si dale at humiga na sa kama. Tumayo muna ako at pumasok sa banyo para mag shower.

      Pagka tapos kong maligo ay nakita ko na si dale na may damit na at naka tulog na.

      Tumabi muna ako sa kanya at natulog na rin muna dahil sa pagod kami sa diving at sa ano na rin. Basta! Gets niyo na yun!

     *Dale's Pov*

      Hindi ko maipaliwanag kung anong saya ang naramdaman ko nang maging okay na kaming dalawa ni vanna.

     Sana wala nang epal. Sana tuloy tuloy na 'to. Sana Hindi na kami mag away. Alam kong konti na lang ay Mababalik ko na ang Tiwala niya sakin at sa oras na bumalik yun. Sisiguraduhin kong hindi na masisira yun.

      Natulog kaming dalawa ng napaka himbing.

      Nagising ako nang dahil sa malakas na sound sa labas ng bahay. Siguro nag paparty na sila.

     Naka pulupot ang kamay ni vanna sakin at dahan dahan ko itong kinuha para hindi maisturbo ang tulog niya.

     Nag bihis ako ng sando at shorts bago bumaba.

     Pagka baba ko galing kwarto, dumiretso muna ako sa kusina para kumuha ng makakain.

      walang pagkain na makikita sa ref namin kaya kinuha ko na lang yung palaman na ladies choice tapos kinuha ko rin ang Tinapay sa itaas ng ref.

     gumawa ako ng sandwich at kumain na agad.

      Nagulat naman ako nang biglang umupo si lily sa tabi ko.

     "Hi dale!" Bati niya sakin. Nginitian ko na lang siya.

     Iiwas na ako dahil ayoko namang mag away kami ni Vanna ulit.

      Tumayo na ako at chaka nag paalam sa kanya.

     "Labas lang ako lily ah?" Bago pa man siya sumagot ay tumalikod na ako't umalis.

     Paglabas ko nakita ko agad si James na nag chichismis sa mga kasama namin. Nang mapansin niyang andito na ako ay bigla siyang tumili at lumapit sa akin.

     "hoy! Ikaw dale ha?! Hindi mo man lang sinabing mahilig ka palang mag push up" tapos nginitian niya ako nang nakakaloko.

     "Loko ka talaga james! Lika nga!" Tumawa ako at inakbayan siya papunta sa cottage.

      Uminom ako ng beer at nakipag kwentohan sa kanila.

     "Dale! Si vanna!" napa lingon naman kami sa sumigaw na si lily at mukhang balisa na at nag papanik.

      "Bakit?! Anong nangyari?!" kinakabahang tanong ko kay lily na kumakaripas na nang takbo papunta sa kinaroroonan namin.

      "Nag susuka siya bilisan mo!" Tatakbo na sana ako ng biglang humagalpak ng tawa si James.

      "Hahahaha!! Gaga talaga 'tong si lily! Kani-kanina nga lang nag push up ang dalawa tapos nag susuka na?! Nag bibiro ka ba?!" Hindi ko na muna pinansin ang sinabi ni James at tumakbo na lang muna ako papunta sa kwarto.

     Nadatnan kong nakahilata na si vanna sa loob ng cr at wala nang malay.

     "Vanna!" Binuhat ko siya papunta sa kama at inutusan muna si Lily na kumuha ng towel at basain para punasan ang kumalat na suka niya sa kanyang bibig.

     Matapos ko siyang punasan at bihisan ng damit ay pilit namin siyang ginising.

     Makalipas ang isang oras ay nagising na rin si vanna.

      "Dale?" Mahinang tawag niya sa pangalan ko.

      "You look pale. What happened?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.

     "I saw a pineapple juice na naka patong dun. Akala ko hinanda mo para sakin so ininom ko. Bababa na sana ako nang makita ako ni lily na parang nasusuka hanggang sa tumakbo na ako sa cr at sumuka" paliwanag ni vanna.

     "Hindi kita hinanda ng juice. Pagka gising ko bumaba agad ako at kumain ng sandwich chaka nakisali sa kanilang inuman sa baba." Naguguluhan ako sa nang yayari. Ayokong mag bintang pero bakit parang si lily ang gusto kong sisihin?

     "Mag pahinga ka muna dito. Kakausapin ko lang sila" tumango naman si vanna.

      Hinalikan ko muna siya sa noo  bago ako tumayo at lumabas ng kwarto.

     Unang hinanap ng mga mata ko ay si Lily. Andami kong gustong itanong sa kanya.

     "ken! Nakita mo ba si lily?" Tanong ko sa kanya nang hindi siya tinitignan at patuloy na gumagala ang mga mata ko.

     "Hindi eh! Itanong mo kay val mukhang nag usap sila kanina eh" sagot naman ni ken.

     Hinarap ko muna siya at nginitian bago nag pasalamat at umalis.

     Lumabas ako ng bahay at nakita ko si val na naka upo pa rin sa cottage na tinambayan namin kanina.

     "Val! Pare! Nakita mo ba si lily?" tanong ko sa kanya.

     "Kanina lang dale. Nag usap kasi kami parang ang weird nga niya. Actually ang weird talaga niya. Tinanong ko lang siya kung anong nangyari tapos sabi niya 'wala! Wala akong kasalanan!' yun tapos tumakbo na siya" nagtaka naman ako kung bakit ganon ang inasta ni lily sa harap ni val.

     "San siya tumakbo kanina?" Tanong ko ulit kay val na nagbabakasakaling dun pumunta si lily. Kailangan ko lang naman talaga siyang makausap eh.

     "Dun" turo ni val sa may kakahuyan malapit.

     Nagtataka man ako ay pinuntahan ko na rin. Anong gagawin ni Lily dito?

      Tumakbo ako ng tumakbo papasok sa kakahuyan at sa lalagitnaan ng pag takbo ko ay may naririnig akong boses.

      Medjo malayo pa ako kaya hindi ko ma indentify kung kaninong boses yun pero pinakinggan ko pa rin ng mabuti ang pag uusap nila. Nag tago ako sa medjo madamong parte ng gubat.

     "Did you do your job?" Tanong ng isang tao sa kasama niya.

     "yes. Mukhang mamamatay na nga yun eh" sagot naman ng isang babae.

     "Okay great. Lets go" pagka sabi ng babae na aalis na sila ay agad akong tumakbo palabas ng gubat.

     Huminto ako saglit ng makaramdam ako na may taong palabas na rin ng gubat.

     Tinignan ko kung sino ang lalabas at laking gulat ko nang makita ko si lily na kakalabas lang ng gubat.

     Sana naman mali ang hinala ko tungkol sa kanya.

-----

A/N: eto na update. Baka mag uupdate uli ako mamaya.

Thankyou nga pala sa mga nag memessage sakin. Thankyou for cheering me up! :)

i will continue this story for you guys! :)

-otor<3

Lets Talk about SexWhere stories live. Discover now