Chapter 19

47K 533 78
                                    

*Vanna's Pov*

      After kong malaman lahat ng mga pina plano nila dale, hindi na ako makapag concentrate ng maayos.

       Tina-try kong wag munang isipin yun dahil baka mali lang ang pagkaka intindi ko.

       Pero hindi ko mapigilang mag isip ng kung ano ano. Hindi ko ma iwasang mag tanong kung bakit.

      Kung bakit gusto ni Leanna na masaktan ako.

       Kung bakit sila magka kilala ni dale.

       Kung bakit parang galit sakin si Leanna.

        Haaay. Ayoko mang ma stress pero hindi ko maiwasang isipin kung Bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon.

        Gusto ko mang malaman kung Bakit, Hindi ko naman kayang tanungin si dale.

       Gusto ko siya ang mag open up sakin. Gusto kong umasang sasabihin niya sakin at mag eexplain siya at sasabihin niyang

        Vanna ikaw lang ang mahal ko. mahal na mahal kita at ayaw kong mawala ka.

        pero pano naman niya sasabihin yun kung inlove na inlove siya kay Leanna?

       Kailangan ko ng kausap. Kailangan ko ng karamay. Kailangan ko ng kaibigan.

      

        Kung hindi niyo naitatanong. Naging magkaibigan kami ni James. Yung baklang nakilala ko sa mall nuon.

       Kaya heto. Papunta na ako sa mall para makipag kita sa kanya. Naging close kami simula ng mag cr ako sa mall. Oo nong isang linggo. Kung saan na buking lahat ng Kasamaan nila dale at Leanna.

       Sa isang sikat na coffee shop lang naman kami mag kikita ni james. Kasama raw niya ang kaibigan niyang babae. Si Cheska.

       Si dale naman may pupuntahan lang raw na IMPORTANTE kaya maaga pang umalis sa unit.

       Sus kung alam ko lang kay Leanna nanaman pupunta yun eh. Simula kasi ng mag kita sila ng Leannang yan, palagi na siyang may pinupuntahan.

       Hinahayaan ko na lang siya. Dahil alam ko namang walang pupuntahan kung Pipigilan ko siya.

       Pagkarating ko sa Coffee shop nadatnan ko dun si james at si cheska na nag babangayan. Ang ingay nga nila ee. Kakapasok ko lang rinig na agad ang hiyaw ni James.

       "Vannaaaa!! Teh!! are you okay?! How was your heart darling?!" Nakakainis. Ang ingay. Kailangan ba talagang mag sisigaw.

       Pagka upong pagka upo ko sa upuan nag beso agad si james sakin. Hindi beso na Normal. Besong pang kabayo. Kainis.

       Tinignan ko lang sila ng malungkot at umiyak. Hindi ko alam. Parang gaga lang kasi ako eh. Or should i say. Gaga talaga ako dahil hindi ko man lang na notice ang pang lolokong ginawa ni dale sakin.

       "Oy teh. Iiyak kana lang jan? Pumunta ka talaga sa coffee shop para umiyak lang? Ay naku! Sarap mong buhusan ng kape" maarteng reklamo ni james. Bakla nga 'to.

      "Tumahimik ka nga james. Hindi ka nakakatulong kay vanna eh" Suway naman ni cheska. Sana si cheska na lang ang naka close ko. Walang kwenta kasing baklang to eh.

     "Alam mo bakla? Wala kang kwenta. Comfort comfort rin oh? Umiiyak ako oh? Cant you see?!" Inirapan ko nga.

      "Bakit? ano bang nangyari Vanna?" Tanong ni cheska sakin. Mas may kwenta pa 'to eh.

Lets Talk about SexWhere stories live. Discover now