Chapter 21

46.7K 564 101
                                    

*Dale's Pov*

     walang nangyari samin ni Leanna. Bigla na nga lang nag init ang ulo ko nang sabihin yun ni Jho.

     Ang buong akala ko eh umuwi na siya ng Pilipinas yun pala sa Bahay ni Leanna nanirahan ang lang'ya!

     Alam kong nasasaktan na si vanna. Alam kong umiiyak siya ngayon at nag papanggap lang na tulog.

     Hindi na ako nakapag salita pa kanina to explain everything ng sipain ni jho sa ilalim ng table ang paa ko.

                 Flashback

     Im at the bar at umiinom lang pumayag naman si vanna na mag hang out ako ngayong friday. Sabi niya para naman may ma kilala akong kaibigan at hindi raw ako ma bored.

     Well, mukhang hindi kaibigan ang mahahanap ko ngayong gabi kundi ang babaeng pinaka mamahal ko.

     I texted Leanna to come here para mag usap. Nunf una hindi niya nirereplyan ang mga text messages ko pero nang sabihin kong last na pag uusap na namin 'to pumayaga na siya.

     Umorder lang ako ng Umorder ng maiinom hanggang sa makarating si Leanna.

     "Dale. Anong pa ang pag uusapan natin?" Naka kunot noon tanong ni Leanna sakin.

      "totoo bang may pamilya kana leanna?" Tanong ko sa kanya with my very cold voice at hindi siya tinitignan.

     "Y–yes." Maikling sagot niya.

     "Hindi mo na ba talaga ako mahal?" Tanong ko muli at hindi pa rin siya tinitignan.

      "N–No. I D–dont love y-you anymore." nauutal na sagot niya. Hindi ko alam pero parang hindi ako masyadong nasaktan sa sinagot niya.

     Parang okay lang. Parang nalungkot lang ako na pagkatapos kong gawin ang lahat. Wala lang naman palang kapupuntahan at pag ligaw ko kay vanna.

      "Well. Okay. You can leave now. And you cant see me anymore. I'll do my best to avoid you. Now Go." Malamig na sabi ko sa kanya.

     Nag aalinlangan pa siya sa una pero umalis na rin.

     Tinignan ko ang relo ko at halos mag To-2 am na rin kaya naman napag padyahan ko na lang na umuwi na kasi walang kasama si vanna don.

     Pag labas ko ng bar nakita ko si Leanna sa parking lot na naka yuko. nilapitan ko siya at nag salita.

     "sayang lang pala ang perang hiniram ko kay jho papunta rito para hanapin ka. Sayang ang pag stay ko pa ng matagal rito. Sana pala sumama na lang ako kay jho sa pag uwi sa pilipinas" pagka tapos kong sabihin yun aalis na sana ako. Kaya lang bigla siyang nag salita.

      "nasa bahay si jho. Hindi ba niya sinabi sayo?" Tanong niya na nagpa tigil sakin pero hindi ko na lang siya nilingon at umalis na ulit.

             End of  Flashback

     nagagalit ako sa sarili ko dahil sa nararamdaman ko. Alam kong na inlove na ako kay vanna. Pero hindi dapat. Kay leanna ko lang dapat ibigay ang pag mamahal ko. Once nang Winasak ni vanna ang puso ko.

      Pero mga bata pa kayo non.

      Tila may nag sasalita sa utak ko na sinasabing kailangan ko nang kalimutan ang naka raan.

      Mas mabuti pa nga sigurong totohanin na lang namin 'to.

     Pero natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi na ako matanggap ni vanna. Ma baka na lamon na mg galit ang puso niya.

     Bakit ko nga ba minahal si Leanna na panggagamit lang naman ang alam niya? Bakit ko nga ba naisip na mahal ko na siya mag mula ng damayan niya ako ng nakita ko si vanna na kahalikan si bernard?

     sa sobrang pag iisip hindi ko na namalayang naka tulog na pala ako.

     *Vanna's Pov*

     Nagising ako ng maaga pa ng wala na si dale sa tabi ko.

     Magtataka pa ba ako? Syempre pumunta na naman yun sa babae niya.

     Gusto ko nang bitiwan si dale para matigil na ang pag papaka tanga ko kaso, ayokong madaliin ang kaligayahan nila.

     Kung nahirapan ako. Dapat sila rin. Dapat pati sila maranasan ang hirap na naranasan ko.

     And unti unti na rin akong naniniwalang mahal nga ako ni dale. Nag sorry siya kagabi. Narinig ko yun.

     Pero hindi ako dapat magpa dala. Naloko na nila ako. Ayoko nang madagdagan pa nila ang sakit na nararamdaman ko.

     Bukas kami mag kikita ng mga kaibigan ko para sa outing na magaganap. Parang Christmas party na rin siguro.

     Naligo na muna ako bago ako lumabas ng kwarto at nag luto.

     Matapos kong gawin ang daily routin ko. Umupo na lang ako sa sala at nanood ng tv. Habang nanonood ako ay hindi ko maiwasang isipin kung ano na ba talaga ang nang yayari.

     Kung bakit nang yayari lahat ng 'to.

     Kailangan ba talaga pag nag mahal ako ay masasaktan agad ako?

      Kailangan ba talagang ako lang ang nag mamahal? Kailangan ba talaga ako lang yung nasasaktan?

     Masakit. Masakit isipin na dapat si dale ang karamay ko ngayon lalo na't malaki ang problema ko sa pamilya ko ngayon.

     Pero ano? Siya pa yubg dumadagdag ng sakit na nararamdaman ko.

     Dapat siya yung nandito tapos pinapa gaan ang pakiramdam ko. Dapat siya yung nasa tabi ko para sabihing 'vanna its okay. Im here' yung kahit ganon na lang.

     *ding dong*

     Natigil ako sa pag iisip ng may marinig akong nag doorbell.

     tumayo naman agad ako at pinag buksan ang kung sino man yung kumatok at laking gulat ko ng si Leanna at Jhovannie ang bumungad sakin.

     Alam kong maga sng mga mata ko pero Nginitian ko parin sila ng pagka tamis na ngiti.

     "Hi yana! Hi jho! Come in" pag papa tuloy ko sa kanila.

     Pumasok naman silang dalawa kaya pinaupo ko na sila sa sala.

      "Sandali lang ah? Pagtitimpla ko kayo ng Juice na may lason. Wait lg" tapos Nginitian ko ulit sila. Nakita ko pang nanlaki ang mga mata ni jho bago ako tumalikod sa kanila.

     Nag timpla ako ng juice pero syempre walang lason. Ayoko namang hindi sila mahirapan sa huling hininga nila.

     Pagkatapos kong mag timpla ng juice ay pumunta na rin ako sa sala.

      "We're here because dale talked to us earlier" Tapos huminga siya ng malalim bago itinuloy ang sasabihin niya "He told us to say sorry sa inasal namin yesterday. At gusto niyang iclear namin sayo na walang nangyari sa amin" hahaha. Pinag loloko nanaman ako ng mga 'to eh.

     "And you expect me to believe that?" Natatawang sagot ko kay leanna.

      "It depends on you. We'll go ahead" pagkatapos niyang sabihin yun ay tumayo na sila at umalis.

----

A/N: heto update dahil hindi ako makakapag update sa 24 at 25. :) Merdy Christmas ulit guys :* love lots :)

-otor<3

Lets Talk about SexWhere stories live. Discover now