Chapter 15

57.6K 569 62
                                    

*Jhovannie's Pov*

      Alam niyo yung salitang tanga? Ako yun eh. Napaka tanga ko para tulungan ang taong mahal ko na makita at makasama ang taong mahal niya.

      Ganon naman kase talaga eh. Once you love someone, nagpapakatanga na tayo. Kahit alam nating masasaktan tayo, hindi pa rin natin ginagawa ang bagay para hindi tayo masaktan ng paulit-ulit.

      Hindi ko nga alam kung pano ako nainlove kay Dale. Siguro dahil sa tuwing may problema sila ni Leanna eh ako agad ang nilalapitan niya. Nasanay na rin akong maging Option. Na sa tuwing may kailangan o problema sila eh sakin sila lalapit para maging magaan ang loob nila.

      Papunta ako ngayon sa isang condo unit para tignan kung may naka check in ba ditong Leanna.

      Pagka rating ko pumunta agad ako sa information desk at tinanong ang babae don. Wala naman daw kaya pinuntahan ko na ang pangalawang building.

      Bumaba ako sa park malapit sa building na pupuntahan ko kase may nakita akong babaeng may daladalang batang babae.

      "Leanna!!" Sigaw ko dun sa babae at hindi nga ako nagka mali. Siya nga. Ang bestfriend ko. Ang tunay na bestfriend ko.

      Tumakbo ako papunta sa kanya at nakita kong gulat na gulat siya sa pagkikita namin.

      Ibinaba niya ang dala dala niyang bata at niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya dahil kahit papano ay namiss ko rin naman    

      "Jho what are you doing here?" Nag aalangang tanong niya sakin.

      Ngumiti lang ako nd medjo pilit sa kanya kaya naman nakuha na niya agad ang sagot sa mga tanong niya.

      Huminga siya ng malalim at nag salita.

      "Sinabi ko namang ayaw ko na eh. Asan siya ngayon?" Tanong ni Leanna na halatang Nag aalala.

      Alam ko naman kaseng kahit hindi na niya mahal si Dale eh may pag mamalasakit pa rin siya dito.

      "Andon sa condo unit ni Vanna. Nakita kase kami ni vanna kahapon sa isang Building kung saan nandon ang unit ni vanna at Akala ni vanna siya ang hinahanap namin" pag explain ko sa kanya at nakita ko ang Takot sa itsura niya.

      "Please dont tell him yet na nakita mo na ako. Magpapakita naman ako  sakanya pag handa na akong sabihin ang lahat sa kanya" nagmamakaawang saad ni Leanna kaya naman tumango nalang ako.

      Pumunta kami sa bahay nila Leanna tapos kumain lang kami at nung hapon na umuwi na rin ako.

*Vanna's Pov*

      Maaga pa nang magising ako kaya naman napag isipan kong mag luto pagkatapos kong maligo.

      15 minutes na nang nag luluto ako nang may narinig akong nag doorbell.

      "Sandali lang po" pumunta na ako sa Pinto at pinag buksan ang kung sino man ang nag doorbell.

      "Goodmorning Mahal" nagulat ako nang bigla bigla na lang akong hinalikan ni dale sa labi at pumasok sa bahay ng hindi manlang hinihintay ang sasabihin ko.

      "Ang aga mo naman yata?" Nagtatakang tanong ko sa kanya nang hindi siya tinitignan at dumeretso sa Kusina para tignan ang niluluto ko.

      "Bakareta, hmm. Ang sarap nun aa. Alam mo bang paborito ko yun? Lalo na pag lea—"

      Nagtaka ako kung bakit biglang pinutol ni dale ang sinabi niya. Tinignan ko siya na parang nagtatanong kung bakit at mukha namang na gets niya.

      "Ni Lea! Oo ni Lea! Yung kababata ko noon" nginitian ko lang si dale at tinutok na sa pag luluto ang atensyon ko.

      Naramdaman kong umalis si dale sa kusina.

      Hindi ko alam pero parang may tinatago si dale sakin. Hindi naman sa pinag dududahan ko siya kahit di pa naman kami, pero kase may ilang part saken na gustong mag isip na may mga itinatago si Dale sakin.

      Hindi naman niya siguro mamasamain kung mag tatanong ako sa kanya. Ayoko lang naman kase na hindi pa kami may tinatago na siya sakin. Pano pa kaya pag sinagot ko na siya. Diba?

      Matapos kong mag luto pumasok muna ako sa kwarto. Nakita ko pang makatulog si dale sa sofa kaya hinayaan ko na muna siya.

      Nag bihis muna ako ng pam bahay kase natapunan kanina yung damit ko. Pagka tapos kong mag bihis lumabas na rin agad ako.

      Hindi ko na nakita si dale don.

      May narinig ako sa kusina na para bang bumubula kaya naman pinuntahan ko na.

      Nakita ko si dale na nag luluto. Naamoy ko na nga eh. Soup ata niluto niya.sana lang paborito ko yun eh.

      Nginitian lang ako ni dale at nag serve na ng Sopas at bakareta. Kumuha na rin siya ng kanin juice at graham. Para raw sa desert. Sira ulo. Hahaha.

      "Nga nga" utos ni dale sakin matapos niyang ihipan ang sopas. Sinubuan niya ako ng hindi na ito madyadong mainit. Pagka tapos niya akong subuan hinalikan niya agad ako sa labi.

     Magnanakaw ng halik.

     "Busog na agad ako aa" umarte pa siya na parang busog na nga siya.

      "Talaga? Oh cge ako na lang kakain lahat ng 'to ha?!" Masiglang sabi ko sa kanya para tuksuin siya.

     Nakita ko naman ang pag bilog ng mata niya tanda na nagulat siya sa dinabi ko.

      "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! AMPANGET MO DALE PUTSPA!!" tawang tawa ako sa itsura ni dale. Hahahaha hindi lang kase siya nakamilog mata. Hahaha basta. Hahaha ang hirap iexplain ng mukha niya. Hahahah.

      "Ah ganon aa" tumakbo ako papuntang kwarto na wala pa ring humpay ang tawa. isasara ko na sana ang pinto nang mahuli niya ako.

      Itinapon niya ako sa kama at kiniliti.

      "hahahaha Dale! Ahahaha! Tama na! Hahahaha." tawanan lang kami ng tawan hanggang sa mapagod na kaming pareho.

      Hindi ko naman siguro kailangan pang pag dudahan si dale kasi mahal naman niya siguro ako.

      Hindi na namin namalayan na unti unti na pala kaming nakatulog dahil sa pagod.

-----

A/N nako pooo. Hahahaha sorry sa late at maikling update xD nagkasakit ako eh. Hahahaha pero dahil maraming nag rerequest na msg update na daw eto na po :) masaya ako dahil nakatutok parin kayo dito :) lovelots.

More comments and votes guys :) para mag sipag akong mag update ;)

-otor

Lets Talk about SexWhere stories live. Discover now