Chapter 17

51.6K 517 68
                                    

*Vanna's Pov*

Nung matapos namin gawin ni Dale YUN napag pasyahan kong kausapin siya.

"Uhm.. dale? Can i ask you something?" Nauutal na tanong ko sakanya.

Nakita ko naman sa mga mata niya ang pag aalinlangan.

"Sure ano yun?" Tapos niyakap niya ako mula likod.

"Pano kung sagotin na kita ngayon? Magiging masaya ka ba?" Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko pero kase, parang hindi naman siya magiging masaya.

"A-ah.. o-oo naman!" Tapos tumawa siya nang marahan.

"Talaga?!" Excited na tanong ko sakanya.

"Syempre ano. Sino ba namang manliligaw ang hindi magiging masaya pag sinagot na siya" natatawang sagot ni dale sakin na sya namang nag patigil sakin.

"Ang mga manloloko" malungkot na sabi ko. Hindi ko alam. May part kase sakin na natatakot. Natatakot na baka masaktan nanaman ulit ako.

Pero hindi. Dahil lang siguro 'to sa naranasan ko kay ian kaya ako natatakot. Alam kong iba si Dale. Alam kong mamahalin niya ako ng totoo. Alam kong hindi niya ako kayang saktan.

"Wag kang mag alala vanna, Hindi kanaman masasaktan pag hindi mo mahal diba?" Napatingin ako kay dale at seryosong seryoso siya sa mga sinasabi niya.

Tumango lang ako sa kanya at ngumiti.

Tumayo ako at isinuot ang mga saplot ko sa katawan. Gabi na kase kaya pauuwiin ko na si dale. Okay lang naman kung dito siya matutulog pero kasi baka iniintay na siya ni jho.

"Umuwi kana dale. Gabi na. Ayokong may mangyaring masama sa Boyfriend ko." Nakangiting sabi ko at nakita kong natigilan si dale.

Hindi ko nakikita ang expression niya kasi nakatalikod siya sakin at nag bibihis rin.

Tumingin siya sakin at nakita ko ang napaka laking ngiti niya. Napangiti na lang din ako.

"T-tayo n-na?" nauutal na saad ni dale. Nginitian ko lang siya at tumango tango ako.

Lumapit naman siya sakin at niyakap ako.

Ang saya saya ko. Ngayon na hawak ko na ang taong mahal kk at mahal din ako. Hindi na ako gagawa ng mali para iwanan niya ako. At hindi ko na siya pakakawalan.

Kumawala siya sa pag kakayakap namin at hinalikan ko na siya namang tinugon ko kaagad.

"Pano? uuwi na muna ako aa? Babalik ako dito bukas. Mahal kita Vanna" tapos ngumiti siya sakin.

"Mahal din kita dale. Mag ingat ka ha?" Pagkatapos kong sabihin yun lumabas na agad siya sa Pad ko.

Agad agad akong pumunta sa cr para mag shower at tsaka nag handa nang matulog.

Kaya nga lang hindi ako maka tulog kaya naman nag open na muna ako ng facebook.

Nung klinick ko na ang facebook bigla na lang nag appear ang account ni dale.

Naalala ko nag open pala siya rito kanina. baka nakalimutan lang i log out.

Iaaout ko na sana kaya lang biglang may nag message sa kanya.

"Hows the plan dale? Did it work?"

Hindi ko alam pero parang biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

Siguro work lang yan. Oo tama. Work lang yan. Ano namam kaya ang plano nila? Gagawa ba sila ng bagong product? Ughh!! Nakaka frustrate.

Matutulog na lang ako. Oo tama mabuti pang matulog na lang ako. Pag uusapan na lang namin ni dale yan bukas. Tama.

*Dale's Pov*

Pagka rating na pagka rating ko sa unit namin ni Jho. Kumatok na agad ako at nang pag buksan niya ako umupo na agad ako.

Ewan. Bat hindi ako masaya na sinagot ako ni Vanna?! Diba dapat maging masaya na ako kasi finally matatapos na soon ang pinapagawa sakin ni Leanna at babalikan niya na ako?

Pero bakit ganon? Imbis na Mag wala ang puso ko sa saya, biglang nawalan ako ng gana. Ts. Siguro ganito talaga pag hindi mo mahal ang nililigawan mo.

"Oh dale. Andito kana pala. May binili akong pagkain jan. Para sa pang haponan mo. Kumain na rin kase ako kanina sa mall. At alam mo namang hindi ako marunong mag luto kaya naman ipinag bili na lang kita."

narinig kong sabi ni vanna. Umiling na lang ako at sinagot siya.

"Kumain na ako Jho. Salamat na lang. Bukas na lang natin kainin yan. Nag luto kase ako sa kanila ni vanna eh" hindi panaman talaga ako kumain eh. Pagkatapos kasi ng pag uusap namin ni vanna eh umuwi na ako.

Pagkatapos kong sabihin yun ay pumasok na agad ako sa kwarto ko. Dalawang room kasi 'tong unit ni jho dito sa singapore gift sakanya ng tito niya nung 18th bday niya.

Pagka pasok ko sa kwarto kinuha ko kaagad ang laptop ko at nag facebook.

nakita kong nag message sakin si Ian. Pinsan ko. Ex ni Vanna.

Yep! Ian is my cousin and alam ko rin lahat ng mga nangyari sa kanila ni vanna.

Nung una na awa ako kay vanna dahil nasaktan siya. Hindi ko alam na pati ako rin pala eh sasaktan lang siya. Hays. Hindi ko alam. Nung una okay lang naman sakin kase mapapasakin na si Leanna. Pero hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Parang na kokonsensya na ako. Pero hindi dapat. Gagawin ko 'to para kay Leanna dahil alam kong may sapat na rason siya para ipagawa sakin 'to. Gagawin ko lang naman ng maayos at sa huli ay papalabasin ko na lang na na fall out of love ako sa kanya. Tama. Yan ang plano ko.

Hindi ko na namalayang unti unti na pala akong naka tulog dahil sa pagod.

-----

A/N: hi maikling update. Sorry guys pagod ako :) :* pero salamat sa votes and comments! :)

PS: monday po next update :)

-author.

Lets Talk about SexWhere stories live. Discover now