Chapter 22

43.9K 582 92
                                    

*Vanna's Pov*

     Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Leanna sakin. hindi ko alam pero parang naniniwala na ako sa kanya eh. Pero may part pa rin sakin na sinasabing wag akong mag take ng risk sa isang bagay na hindi naman ako sigurado.

    Itinext ko ni james at cheska na puntahan ako dito. Kaya lang busy raw sila kaya mas pinili ko na lang na lumabas.

     Pumunta ako sa mall at Nag hanap ng bikini na gagamitin ko sa outing na magaganap.

     Bukas pa naman ang meeting namin pero dahil sa bored ako, bibili na lang muna ako ng mga ilan sa kakailanganin ko. Yung iba bukas na lang para may gawin naman ako.

     Hindi pa ako nakapag paalam kay dale tungkol dito pero sa tingin ko okay lang naman sa kanya. Pake niya ba sakin?

     Pumunta ako sa isang botique kasi may nakita akong Black na two piece. Black na may design na white skull ( a/n sorry guys medjo hardcore ako eh xD )

     Na amaze ako kaya naman binili ko na. Pagka tapos kong bumili ng isang pares ng two piece, nag hanap ako sa department store ng magandang see through.

     May nakita naman agad akong white na see through kaya nilagay ko na sa basket. Nag hanap hanap ulit ako ng Bikini.

     naka ilang oras rin siguro ako dito sa pag hahanap ng Mga kailangan ko kaya nang makaramdam ako ng gutom pumunta ako sa Palaging kinakainan namin ni dale.

     umorder lang ako ng paborito kong kainin dito tapos nag hintay.

     apat na bikini rin siguro ang nabili ko. Isa yung black na may design na black skull, yung isa Plain na mint green, yung isa naman kulay blue na may malaking Bilog sa gitna. At yung isa naman ay Kulay Red na maraming palamuti.

     Nang dumating na ang inorder ko ay kumain na agad ako. Nagutom kasi talaga ako sa pag lilibot libot dito sa mall.

     Mga Bikini at see through lang naman ang binili ko. Aoat na bikini at tatlo see through.

      Nang nasa kalagitnaan na ako ng pag kain ay bigla na lang nag beep ang cellphone ko. Hindi ko na muna pinansin at ipinag patuloy ang pag kain.

     Nang matapos akong kumain ay nag iwan na lang ay ng bayad at chaka tip sa mesa.

     Naalala kong may nag text pala sakin kanina kaya naman dinukot ko sa bag ko ang cellphone ko at binasa ang text.

     "Teh! Ngayon na pala ang meeting hindi na raw bukas kasi baka sa makalawa na tayo umalis kaya gora kana dito sa bahay. Dito ang meeting" pagkatapos kong basahin ang napaka habang text ni James ay pumunta na agad ako sa parking lot at sumakay sa sasakyan ko at pinaharorot ito.

     Mga 15 minutes din siguro ang byinahe ko bago ako maka rating sa bahay ni james. Oo bahay talaga. Hindi condo o appartment.

     Nang maka pasok na ako ay nadatnan ko dun ang labing isang tao na naka upo sa sala.

     "H-hi guys" awkward na saad ko sa kanila at itinaas pa ang kamay ko para mag hi.

     "Teh! Halika dito sa tabi ko! Kanina pa kita tinext ngayon ka lang dumating!" Wala talagang makaka pigil sa bunganga ni James.

     Katabi ko ngayon si Cheska at james.

     "Carlo, anton, val, ken, lily, jeff, jessa, rose, and tom" pakilala niya sa mga kasama naming hindi ko pa kilala.

     "guys! This is vanna!" At nagsi hi naman sakin ang mga kasama niya.

     "So. Ang alis natin is Tuesday. Syempre pagka dating natin dun medjo pagod kaya magpapahinga pa. Bali mga wednesday pa magaganap ang mga activities. So wednesday, thursday, friday, saturday, sunday. Sunday matatapos ang lahat ng hinanda namin ni Cheska so bali mga monday na tayo makakaalis dun so mga 6 days tayo dun" mahabang lintanya ni Jessa. Siya siguro yung sinasabi nila Ni James na may ari ng isla.

     "So okay na ang days ng pag stay natin dun. Ngayon naman ang foods. Bali bukas monday pa lang naman mamimili tayo ng mga kakailanganin natin. Can goods, Chicken and pork mga ganon. At yung mga ingredients na rin. Total naka pag handa na naman si lily ng mga pagkain na lulutin natin eh siya na ang bahala sa mga kakailanganin pero syempre pagahahatian natin ang bayad" natawa naman kaming lahat sa sinabi ni jessa.

     "Tapos na sa foods. Ngayon sa mga rooms na man tayo. Total six rooms lang ang meron kami bale mga five rooms ang ma ooccupy natin. Each rooms have three beds. So sa isang room ang mag kakasama si Carlo, Jeff at ken, sa next room is lily, me and rose. at sa isa naman si Val, antol and tom. Then sa isang room si Cheska at vanna. Tapos mag isa ka bakla sa isang room." Paliwanag naman ni jessa.

     mukhang wala namang umayaw kaya okay na ang lahat. Nung maggagabi na ay napag pasyahan kong mauna nang umuwi.

     Mga twenty minutes din ang byahe ko papunta sa condo.

     Pagkarating ko run nagulat ako ng makita ko si dale na nakaupo na sa sala at nanonood. Tinignan ko naman ang wrist watch ko dahil sa pagtataka kung bakit ang aga niyang umuwi. 6:47 pa lang naman pero andito na siya.

     Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya napa lingon siya sakin at ngumiti.

     "Kanina pa ako dito. Saan ka galing?" Lumapit siya sakin at hinalikan ako tapos kinuha niya ang mga binili ko kanina sa mall.

     Binuklat naman niya ito nang maka rating siya sa sala pumunta narin ako sa sala at umupo sa upuan na kaharap niya.

     "bakit ang dami mong swim suit. May lakad kaba?" kunot noong tanong niya sakin.

     "Oo outing. Six days. Kasama sina james at kaibigan niya" walang emosyong sabi ko sa kanya.

     "Kelan?" Nakita ko ang pagka lungkot ng mukha niya. wag kang magpa dala vanna. Umaarte lang yan. Sabi ng isip ko.

     "Tuesday. Bukas aalis kami para bumili ng mga kailangan namin" tatayo na sana ako at papasok sa kwarto nang magsalita siya.

     "Sasama ako. Hindi kita pwedeng iwan don. Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo." Napa ngiti naman ako sa sinabi niyang yun.

----

A/N: here's the update! Bukas ulit! :* hehe. Mwa!

-otor

Lets Talk about SexWhere stories live. Discover now