Chapter 30

43.9K 663 251
                                    

*Vanna's Pov*

Pagkatapos naming mag usap ni dale ay bumalik na kami sa sala.

Bukas na ang last day namin dito kaya naisipan naming mag hiking.

Pagkatapos naming mag meeting eh pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto para mag handa.

Sa likod kasi ng isla na 'to may gubat diba? Aakyat kami at paniguradong enjoy 'to.

Dun na din kami mag papalipas ng gabi para bukas pag baba namin dito eh mag hahanda na kami para sa pag uwi.

Nag bihis lang ako ng black na shorts at puting sando. Hindi yung fit yung medjo loose.

Hinanda ko na ang mga kailangan ko sa bag.

Flashlight, First aid kit, kumot, pagkain at iba pang importanteng bagay na gagamitin namin mamaya.

Natapos na rin sa pag hahanda si dale. Sinecure muna namin ang kwarto namin bago kami bumaba.

Chineck ang pinto sa veranda, at mga importante naming gamit ay pinasok namin sa aparador at nilock ito.

Naninigurado na kasi kami dahil sa nangyari. May ibang tao kasi sa islang 'to at mukhang masama ang pakay sa buhay ko.

may kumatok sa pinto at pumasok kaya napa tingin kami dun.

Si james lang pala.

"Hoy! Naku kayo ha?! Baka kung may push up na magaganap nanaman! Tara na! Kayo na lang hinihintay dun!" Natawa naman kami sa sinabi ni james.

Hindi parin talaga siya nakaka moveon sa nakita niya nung last.

Bumaba na kami ni dale nang magkahawak ang kamay.

Kumpleto na kami sa baba kaya naman nag simula na kaming mag lakad patungong gubat.

si dale ang may bitbit nang tent namin. Good for two person lang. Yung iba naman may kanya kanyang tent.

Umakyat na kami sa gubat. Si anton at ken ang nauna tapos ang sa huli naman ay sina val at carl. sinisecure daw kasi nila ang mga babae.

Kalahating oras na ang nilalakad namin kaya napag pasyahan naming magpa hinga muna sa may tabi nang ilog.

Almost 12 na rin kasi nung umalis kami dun mga 11 ata? Di ko alam.

Nag hilamos lang ako at uminom nang tubig. Binigyan ko rin si dale ng tubig.

Kahit nakakapagod ang pag lalakad namin hindi akk nakaka ramdam nang sobrang init.

Ang lamig kasi dito.

Pagkatapos ng sampung minutong pag papahinga ay nag simula na kaming mag lakad ulit.

Marami kaming nakitang hayop. May ahas pa nga mabuti na lang at walang nakagat samin.

Matapos ang mahaba habang pag lalakad ay sa wakas naka rating na rin kami sa tuktok.

2pm na rin kasi kaya nag simula na kaming mag tayo ng tent. Matapos naming mag tayo ng tent, ay nag hanap ng kahoy ang mga lalaki.

kaya nga lang hindi sanay sa Hiking ang mga babaeng kasama ko. Lalong lalo na si cheska ay hinayaan ko na lang silang magpa hinga.

Total sanay naman ako sa ganito dahil naging girl scout ako noon high school, ako na ang nag hanap ng paraan para may pag lulutuan kami.

kumuha ako ng tatlong bato at pinalibot yun. Tapos kumuha rin ako ng mga maliliit na kahoy.

matapos kong gawin ang mga gawain ko ay pumasok na muna ako sa tent namin ni dale at inayos ang mga gamit namin.

Meron akong dalang unan. Dalawa nga lang at hindi katulad ng unan namin sa bahay. Pang hiking din.

habang nag aayos ako ng mahihigaan namin mamaya narinig ko si val na sumigaw kaya naman lumabas agad ako.

"Guys! Help! Si rose nakagat ng kung anong hayop. Hindi matigil ang pag dugo!" Nagpapanik na sigaw ni val. Natawa naman ako.

"Dalhin niyo siya rito. May dala akong first aid kit." Pagkatapos kong sabihin yun ay pumasok na agad ako sa tent.

Hinanda ko ang first aid kit at tamang tama na man na natapos na ako nang maka pasok si rose.

Iyak siya ng iyak. Masakit siguro talaga.

Kumuha ako ng alcohol at bulak.

"Medjo mahapdi 'to rose ah?" Tumango naman siya at nilagyan ko na nang alcohol ang sugat niya sa tuhod.

Pagkatapos kong linisin ang sugat niya ay nilagyan ko na ito ng betadine at binalot ng gauze pad.

Lumabas na si Rose tapos ako naman eh niligpit ko na ang ginamit namin.

Matapos akong mag ligpit eh lumabas na rin muna ako.

Nadatnan ko ang mva lalaki na nag uusap usap. Hindi pana man kasi madilim. 3pm pa nga lang siguro.

Pumunta muna ako sa ilog. Maganda kasi ron. Sa tabi kasi ng pinag stop-an namin may ilog. Sa dulo nga pupunta kami bukas. Baka may falls dun. Dun na kami maliligo.

Umupo muna ako sa bato at pinagmasdan ang ilog. Maraming isda ang nag tatalon dun sa gitna.

Ang gandang pag masdan. Sariwa ang simuy nang hangin. Parang mawawala bigla ang stress mo pag pumunta ka dito.

"Hi vanna! Miss us?" Nagulat ako sa nag salita mula sa likod ko.

Pero mas nagulat ako sa nakita ko.

It was jho and leanna standing infront of me with a not-so-evil-smile on their face.

"Miss us van?" Sarcastic na tanong ni Jho.

"Anong ginagawa niyo dito?" Hindi ko alam pero parang bigla na lang uminit ang ulo ko sa kanilang dalawa.

"Aagawin ang boyfriend mo" diretsang sagot ni jho.

"And you think maaagaw niyo siya sakin?" Tumawa naman ako ng fake.

Natigilan ako nang tumawa rin sina leanna.

"Nakalimutan mo na ba ang inutos ko sa kanya? I think its time for him to get his price" aaminin ko.

Nag dududa na uli ako kay dale. Hindi ko alam. Pero parang gusto ko uling pag dudahan abg nararamdaman ni dale para sakin.

"Ganyan ka ba kakati leanna? Diba may asawa't anak ka na? Sana naman wag mag mana sayo ang anak mo" natigilan si leanna sa sinabi ko pero agad din namang naka bawi.

"Sorry dear. I changed my mind. Mahal ko pa si dale ee" sasagot na sana ako nang biglang may nag salita sa likuran ko.

"Sorry din pero si vanna na ang mahal ko" nagulat si leanna at nang makita niya kung sino ang nag salita ay bigla siyang tumawa.

"Ano ba dale! Okay na! Wag kanang mag papanggap. Okay na. Im all yours. Pwede mo na siyang iwanan" natatakot ako.

Natatakot ako sa kung ano ang pwedeng isagot ni dale kay leanna.

"No. Im dead serious. Narealize ko kasing you're not worthy of my love at na realize ko ring vanna doesnt deserve to be hurt. Mahal ko siya. At sorry dahil wala na kayong magagawa don" masaya ako.

Masaya ako sa isinagot ni dale kay leanna.

Si leanna naman ay parang namatayan at hindi na maipinta ang mukha niya.

I smiled at them. Yung ngiting insulto. Yung ngiting pang winner.

"Pano ba yan? We'll go ahead. Bye" i grab dale's hand at umalis na.

"YOU'LL PAY FOR THIS VANNA!!"

~

A/N: heres the update :) mwa! :*

Thanks for those encouraging words that you sent me! :)

and for those people na hindi nakatanggap ng reply im so sorry. :*

-otor<3

Lets Talk about SexWhere stories live. Discover now