CHAPTER 14

62.8K 569 143
                                    


*Vanna's Pov*

           Nakita ko ang dalawang taong naguusap na kilalang kilala ko. Pinuntahan talaga nila ako dito. :)

           Unti unti akong lumapit sa kanila at unti unti ko na ring naririnig ang pinag uusapan nila.

           "Hindi ka ba nag iisip?! Malalaman niyang hinahanap natin siya at pag nalaman niya yun lalayo yun!! Ano kaba—

         "Bat naman ako lalayo?" Pag putol ko sa sinabi ni Dale. Ayaw niyang lumayo ako at sinundan pa talaga ako dito sa condo ko.

"V-vanna?" Ngumiti si dale pero halatang medjo awkward ang ngiti niyang yun.

"Hi jho! Sinamahan mo pala si dale dito? Sabi ko sayo wag mu nang sabihing nandito ako eh." Naka ngiting pahayag ko kay jho. Nagtataka lang ako kung bakit para silang nakakita ng multo. Hindi siguro nila ineexpect na Magkikita kami.

"A-ah...e-ehh...a-ano kase. Uhmm. A-alam kong kailangan mo siya. Oo tama! Alam kong kailangan mo siya rito kasi nga diba? Malaki problema niyo nang dad niyo? Alam ko naman kasing malulungkot ka dito kaya napag pasyahan kong sabihin na lang kay dale" ngumiti ng bahagya si jho. Ah. Ganon naman pala eh. Ako lang naman pala ang inaalala nila.

"Oh i see. Tara muna sa unit ko?" Tanong ko sa kanila at tumango naman si dale. Hinawakan niya ang kamay ko at hinayaan ko na lang siya. Sumakay na kami ng elevator.

Habang nasa elevator kami, walang nagsasalita. Para bang may hindi sila dapat sabihin. Ang awkward ng aura.

Nang makarating na kami sa floor ng unit ko ay bigla na lang nagsalita si dale.

"Okay ka lang ba rito vanna?" Napangiti ako sa tanong niya.

Tumango na lamang ako habang binubuksan ang unit ko. Pumasok na kami sa unit ko at pumunta ako sa ref.

Tinignan ko kung anong laman ng ref at mabuti na lang talaga at may vhocolate cake pang natitira dito. Nag slice ako ng tatlo at nilagay sa plato. Nag timpla rin ako ng grape juice at nilagay sa tray ang mga baso at pinggan.

Nakita ko na parang nag tatalo ang dalawa kaya naman nag salita na ako.

"Hep hep. Ano ba yang pinag tatalunan niyo? Kanina pa yan sa baba ah. Hahaha. Kumain muna tayo. Pasensya na kayo at yan lang ang naihanda ko. Hindi pa kase ako nakapag grocery eh."

Natigilan naman silang dalawa at humarap sakin.

"Okay lang yan Van. Ang importante maka lamon kami." Nakangiting sagot ni jho sakin at sinunggaban na ang cake.


Kumuha na rin si dale ng cake at kumain na rin.

Ang saya ko talaga ngayon. Hindi ko akalaing concern na concer sakin si Dale. Pinakita lang talaga niya na mahal niya ako. Ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganitong pag mamahal simula ng iwan ako ng unang boyfriend ko.

Nakikita kong sincere at mahal na mahal talaga ako ni dale. Hindi ko akalaing siya ang lalaking makakapag pasaya sakin ng ganito. Sana pag sinagot ko na siya, maging masaya kaming dalawa habang buhay at sana. Ang pamilyang bubuuin namin ay hindi maging katulad ng pamilyang kinalakhan ko.

Hay. Kung andito lang sana ang Bestfriend ko. Magiging masaya rin yu para sakin. Sasabihin niyang "at last vanna! May lalaki na ring mag mamahal sayo ng buong buo maliban sa mga kapatid mo" nakakamiss ang bestfriend ko.

Hindi ko alam kung asan siya ngayon. Mula kase ng mag away na rin ang mama't papa niya hindi na kami nag kita. Namimiss ko na ang kakulitan niya. Yung palaging jolly.

Namimiss ko na si Leanna

"May iniisip kaba vanna?" Biglang tanong ni dale na siya namang nagpa balik ng isip ko. Nginitian ko na lang siya at umiling.

Nag kwentohan lang kami at nag tawanan nung mga bandang 8pm na nag paalam na sila sakin na mauuna na raw sila.

"Mag ingat ka dito vanna okay? Icheck mo palagi ang pinto. Ilock mo palagi. Baka kung sino sino na lang ang pumasok dito. Pag may kailangan ka tawagan mu lang ako. Babalik ako bukas dito okay? Goodnight iloveyou" hinalikan ni dale ang noo ko pagka tapos niya akong iremind sa mga dapat kong gawin.

"Ocge po. Iloveyou. Mag ingat rin kayo. Jho. Mag iingat kayo ha? Salamat sa pag dalaw" nag beso lang kami ni jho at umalis na rin sila.

             Nag shower lang ako saglit tapos natulog na rin.

*Dale's Pov*

              Naiinis ako!! Naiinis ako!! Naiinis ako sa babaeng kasama ko ngayon na tawa lang ng tawa ang ginawa mag mula ng umalis kami sa condo unit ni Vanna. Pag tawanan ba naman ako dahil hindi nag work ang plano namin at dahil raw sa epic kong mukha nang makita namin si Vanna.

                "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Naku dale! Kung nakita mo lang yung mukha mo kanina? Pati ikaw siguro matatawa HAHAHAHAHAHAHAHA!!" Bwiset na babaeng 'to. Pinag tripan pa ako. Kung di lang talaga babae to kanina ko pa na sapak 'to eh.

                  "TUMAHIMIK KA KUNG AYAW MONG MATULOG NANG DAHIL DITO" pinakita ko sa kanya ang kamao ko. Mukhang nag work naman at tumahimik siya bigla kaso pinipigilan niya  ang mga tawa niya.

                 "Hays. Ano na kaya ang gagawin natin ngayon? Pano natin mahahanap si Leanna kung anjan si vanna?" Nag aalalang tanong ko kay jho. Hindi ko kasi talaga alam ang gagawin ko eh. Pano na 'to?

                 "Easy easy niyan eh! Edi gawin mo ang pinapagawa sayo ni Leanna tapos hahanapin ko si Leanna. Habang ikaw eh nakikipag landian kay vanna, ako naman mag pupupunta kahit saan makita lang yan si Leanna" seryosong sabi niya. Napaisip ako, tama nga naman siya. Kailangan kong gawin ang mga utos ni leanna para sa oras na Makita na namin siya, edi madali na lang ang lahat.

               "Minsan pala may utak ka rin no?" Natawa ako nang biglang naningkit ang mga mata niya. Hahaha. Tama naman kase ako. Puro katangahan lang naman alam nitong babaeng to.

                "Heh! Tumahimik ka! Sumbong kita kay Vanna eh!" Tinawanan ko lang siya tapos tinalikudan ako ng babaeng 'to. Walang manners.

                Nauna akong pumasok sa cr at nag shower tapos sumunod naman si Jhovannie. Matapos niyang mag shower ay pinatay na niya ang Ilaw tapos natulog na kami.

                Pero bago ko ipikit ang mga mata ko, tinext ko muna si Vanna.

To: Vanna

        Goodnight my loves. Iloveyou tulog ka na ah? :*

                     Nag hintay ako ng mga 3 minutes pero di na siya nag reply siguro tulog na. Naisipan kong Ipikit na lang ang mga mata ko at unti unti na akong naka tulog.

------

A/N: Hellooooo TALKERSSSS!! :) oh heto na update. Salamat sa pag babasa ng walang kwentang storya nila dale vanna at leanna xD hahahaha cge update uli ako bukas o di kaya mamaya. Pero di pa sure ah? :* mwaaa. Kung may tanong kayo wag mahiyang mag comment oh di kaya iDM ako. Moree votes and comments ha? Para maganahan akong mag update :) mehahahaha :*

-otor

Lets Talk about SexWhere stories live. Discover now