Chapter 29

38.6K 493 84
                                    

*Vanna's Pov*

Nagising ako nang napakasakit ang ulo at gutom na gutom.

Hindi nga pala ako kumain kagabi. Ginising ako ni dale para kumain pero umayaw ako.

wala na si dale sa tabi ko. kinuha ko muna ang cellphone ko para tignan kung anong oras na.

9:30 na pala. Masyado na yata akong late na nagising.

Tumayo na ako para maligo at gawin ang daily routin ko.

Matapos kong maligo ay nag bihis na ako. Simpleng sun dress lang na blue.

Bababa na ako at hinahanda ang sarili ko sa mga tanong nila mamaya.

Panigurado mag tatanong ang mga yun kung ano talaga ang nangyari.

pagkababa ko ay nakita ko sina Lily at rose na nililigpit ang pinag kainan nila. Tapos na pala silang mag agahan

"Oh vanna. O-okay kana b-ba? G-gusto mong k-kumain?" Nauutal na tanong ni lily sakin.

Bat siya nauutal? May problema nanaman bang panibago? Ang weird niya kase eh.

"Uhm okay na ako ly. may ulam pa ba?" Tanong ko sa kanya then i smiled at her.

"Eto van oh! bacon and egg na lang ang natira." sagot naman ni Rose. nag hain ako ng kanin tapos umupo na sa upuan.

tahimik akong kumakain nang may humalik sa ulo ko.

Tumingala ako para makita ang taong ineexpect kong hahalik sa ulo ko. Sino pa nga ba? Edi si Dale.

"Goodmorning babe. Kanina kapa gising?" Tanong niya at umupo sa tabi ko at pinag masdan akong kumain.

Hinayaan ko lang siya na pag masdan ako. Hindi naman na ako nahihiya. Komportable na ako sakanya.

"Goodmorning. Hindi naman pagka gising ko bumaba agad ako" sagot ko naman sa kanya.

napa-ahh na lang si dale at hinintay na matapos akong kumain.

Na alala ko ang asal ni Lily kanina kaya tinanong ko si dale. Sila ang close eh! Bakit ba?!

"Uhm dale? Nagka gulo ba kanina? O kaya Kagab'e?" Napa kunot noo naman si dale sa itinanong ko.

"Wala naman bakit?" Tanong niya na naka kunot parin ang noo. Nagtataka siguro siya kung bakit yan ang tanong ko.

"Si lily kasi kanina nauutal habang kinakausap ko" sabi ko na lang at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Natahimik naman na si dale. Nang matapos akong kumain ay niligpit ko na ito.

Lumabas ako at nakita ko si Lily na nag iisa lang sa cottage. lumapit ako sakanya para mag tanong.

"Uhm lily? May problema ba? Pwede kang mag open sakin" nagulat siya sa biglang pag sulpot at pag salita ko kaya bigla siyang napa tingin sakin.

Ang lalim siguro ng iniisip niya kaya hindi na niya namalayan na andito ako.

"A-ah v-vanna? M-may k-kaaway ka b-ba?" Nagtaka naman ako sa itinanong niya kaya umupo ako sa harap niya at tinignan siya.

"Huh? Wala naman ly. Bakit? Ba't mo natanong?" Tanong ko sa kanya.

Siguro may kinalaman 'to sa nangyari kagabi. Bigla akong kinabahan. Si lily ba ang nag lagay ng kung ano sa inumin?

"V-vanna may g-gusto akong s-sabihin sayo p-pero sana a-atin atin m-muna 'to?" Nauutal pa rin siya sa pakikipag usap sakin.

Nginitian ko siya't tinanguan.

"K-kase kagabi n-nang nag s-susuka ka lumabas m-muna ako p-para mag p-pahangin. Tapos may nakita akong anino mula sa ibaba mismo ng kwarto niyo at pumunta sa gubat kaya sinundan ko" natahimik naman ako sa sinabi ni Lily.

Kung ganon walang kasalanan si lily?

Pero bakit ganon? Bakit parang takot na takot siya?

"Lily? Nung sinundan mo? Nakilala mo ba ang babae?" Tanong ko sa kanya. Curious lang ako.

Bakit naman ako pagtatangkaan ng taong hindi ko naman kakilala?

At kung may ka away man ako nasa pilipinas yun. Nasa Singapore ako kaya imposibleng sundan ako ng mga naka away ko dito.

Unless kung yung 'bestfriend' ko ang may pakana nito.

Pero pano niya malalamang andito kami?

Hays! Ang daming tanong sa isipan ko.

"Hindi eh. Ngayon ko lang sila nakita at hindi rin naman kasi masyadong naaninag kasi madilim." Tumango na lang ako sa sinabi ni Lily.

"uhm sige ly. Pasok muna ako." Paalam ko sa kanya at tuluyan nang umalis.

Habang nag lalakad ako hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi ni lily sakin.

Kung meron mang gustong pumatay sakin at nakuha akong sundan dito, sigurado akong delikado pag mag-isa lang ako.

Pumasok ako para kausapin si dale.

Nakita kong nakaupo sila sa sala at masayang nag kukwentohan.

"Uhm dale! Can we talk?" Tanong ko bago sila nginitian.

Tumango naman si dale at tumayo. Hinawakan niya ang kamay ko at gumayak kami sa kusina kung saan walang tao.

"What is it babe?" Tanong niya at umupo sa silya.

"Lily and i talked" nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang banggitin ko si lily.

Para bang galit siya at ayaw niya na nakipag usap ako kay lily.

"Why?" Cold na tanong niya sakin.

"Dale is there a problem? Bakit bigla ka na lang nagalit nang banggitin ko si lily?" Mahinahong tanong ko sa kanya.

Imbis na sagotin ko ang tanong niya kanina ay mas pinili ko na lang na tanungin siya.

Napa tingin siya sa mga mata ko at nakita kong naging soft ang emosyon niya.

"im sorry. Its just that. I dont trust lily. I saw her last night. she came out from the forest." Sagot ni dale na siya namang mas nagpa lito sa isipan ko.

"what? Pano?" Naguguluhang tanong ko kay dale.

"Kagabi nang maka tulog kana, i came out of the house to talk to lily kung ano ba talaga ang nangyari. Pero hindi ko siya nakita so i asked val if he saw lily. Sabi niya pumunta raw si lily malapit sa gubat. na curious ako so i decided na pumasok sa gubat. Medjo malayo pa ako sa iksaktong lugar nang may marining akong nag uusap. dalawang babae. At first i have no idea kung sino. But obviously? They're talking about you. dali dali akong lumabas ng gubat at huminto sa labasan nito. After a minute lily came out from the forest. Tinanong ko sha kung anong ginagawa niya dun. Nauutal niyang sinagot yun na para bang may tinatago siya at ayaw niyang malaman lahat ng to" paliwanag ni dale.

Hindi naman siguro mag sisinungaling pa si dale sakin. At hindi naman niya siguro sisiraan si Lily sakin. Ano bayan -_- naguguluhan na ako. Tsk.

Sino ba ang paniniwalaan ko?

-----

A/N: Next chap na malalaman kung sino ba talaga ang may pakana ng mag lasin kay vanna! XD geee.

Guys! Marami akong typo ha? 😂 bear with it. Hahahahaha. Baka mamaya maka pag update ako. Yun kung makakauwi ako mamaya. Baka bukas pa ako umuwi ee. Pupunta kami sa tuktuk ng bundok xD hahahaha. Cge guys! Loveyooooou!! :*

Lets Talk about SexWhere stories live. Discover now