Final Chapter

44.3K 606 36
                                    

Adam's POV

Hindi ako dumeretso sa bahay pagka-uwi ko. Siguradong kukulutin lang ako ni Amanda kung ano ang nangyari at wala akong balak na magkwento. She'll going to blame me for what happened at nakakagago nang pakinggan na ako palagi ang may kasalanan.

Mas pinili kong dumaan muna sa bar para kahit papaano makalimutan ko din ang tang*nang problemang 'to . Hindi ko alam kong ano ang gagawin at saan magsisimula. I still cant understand why women always wanted to face the problem alone when they didn't have to. Kaya mas lalong lumalala ang sitwasyon dahil sinasarili nila ang problema.

Hindi ko alam kong ilang bote na ang naubos pero hanggang ngayon parang hindi man lang ako tinatamaan. Ilang sandali lang nagvibrate na naman ang cellphone ko at nang tingnan ko, si Amanda. Actually kanina pa siya tumatawag pero hindi ko pinapansin, wala akong gustong kausapin ngayon kundi si Ahmira lang.

Pinatay ko na lang ang cellphone ko para wala nang mangulit pero nang ilagay ko 'yon sa bulsa ko bigla kong napansin 'yong sulat na binigay ni Bhambie kanina. Parang ayoko kong basahin, Fuck!

Sa huli wala din naman akong nagawa, nang buksan ko 'yon alam ko kaagad na si Ahmira ang nagsulat nun dahil sa sulat kamay niya.

Adam,

Alam kong sa oras na mabasa mo 'to nakaalis na ko. I wrote this dahil hanggang ngayon hindi pa rin kita kayang harapin. Kung sa tingin mo nasasaktan pa rin ako, well magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Adam mahal na mahal kita but what you've done was too much. I trust you pero sinira mo lang 'yon, alam mong ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko ng oras na 'yon but you left me and worst you cheat on me..

Adam ayoko kong gawin to dahil sa baby natin, hindi ko gustong ilayo siya sayo pero kailangan, hindi dahil sa ito ang gusto ko kundi dahil sa ito ang tama. Papayag na 'ko sa gusto ni Dad, magpapakasal na 'ko kay Bryan, sana huwag mong isipin na niloko lang kita dahil hindi mangyayari 'yon. I'm doing this for some reason at pinili kong huwag ng sabihin sayo dahil lalo lang lalala ang sitwasyon.

I know magagalit ka dahil sa ginawa ko at hindi kita masisi dun Adam. Sigurado akong dadating ang time na maiintindihan mo din lahat. Isipin mo lang na lahat ng 'to para sayo at sa baby na'tin. Susubukan kong maging masaya kahit wala ka, kahit mahirap gagawin ko at sana ikaw din. Alam kong lahat ng to nangyayari dahil may rason. Mahal nga natin ang isa't isa pero I know that was not enough para makaya natin lahat ng problema. I'm not the girl for you. Mas mabuti na siguro 'to kesa pilitin nating magsama na alam naman nating pareho lang tayong masasaktan. If you're thinking about the baby, don't worry aalagaan ko siya, I will love him the way I love. I would tell him everyday how great his father was. Hinding hindi ko siya ipagkakait sayo at sana makahanap ka nang babaeng magpapasaya talaga sayo, 'yong hindi katulad kong puro problema ang dala sa buhay mo. Mahal na ma---...

Dammit! Hindi ko na magawang tapusin 'yon dahil biglang nag-init ang mata ko. Kaya pala masama ang kutob ko sa sulat na 'to. She's telling me na hayaan ko na lang siya. Damn! Bakit ang dali lang sabihin sa kanya 'yon.

Sa galit ko, nalukot ko 'yong papel at tinapon kung saan, hini ko alam may natamaan pala.

"Ano ba kung may problema ka! Huwag kng mandamay ng ibang tao!" Galit na sigaw ng may edad na lalaki. Siya siguro ang natamaan ng papel. I smirked.

"Just mind your own fuckin' business.." Kalmadong sagot ko. Nakita kong tumayo siya at lumapit sa'kin.

"Ah ganun pala ah" Hindi na 'ko nagulat ng bigla niya kong suntukin.

Mabilis akong gumanti ng suntok sa kanya na dahilan para matumba siya sa sahig. Hindi ko alam na may kasama pala ang gago. Nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa'kin habang ang isa naman ay pinagsusuntok ako.

Kaagad kong sinipa 'yong isa at nang bitawan ako ng lalaking may hwsk sakin doon ko siya sinimulang pagsusuntukin.

"Fuck!" Bulalas ko ng maramdaman ang boteng hinampas sa ulo ko. Damn! Nang hawakan ko 'yong ulo, nakita ko agad ang naraming dugo sa kamay ko. Pinilit kong tumayo para gumanti pero pagkaharap ko nakita ko ang isang lalaking nag-aambang na suntukin ako pero bago mangyari 'yon may isang babaeng pumigil sa kanya.

"Tama na po 'yan! Kung hindi pa kayo titigil tatawag na 'ko ng pulis!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa hilo at pagkalasing.

Mabilis namang nagsialisan ang mga sumusuntok sa'kin kanina.

"Adam..Adam okay ka lang, tara ihahatid na kita sa inyo" Nag-aalalang tanong niya. Lumapit siya sa'kin at inalalayan akong tumayo.

"T-Therine..?" Hula ko dahil sa boses niya.

"Oo ako 'to. Adam alam kong galit na galit ka sa'kin pero sana hayaan mong tulungan kita, kahit ngayon lang" Kinuha ko ang kamay niyang nakahawak sa'kin at pinilit na tumayo mag-isa.

"I don't need your help.." Sagot ko at tinalikuran siya.

"Adam hindi mo kaya" Nag-aalalang sagot niya. Hindi ko pinansin 'yon at tuloy tuloy na naglakad.

"I'm sorry.....I'm really sorry. Pinagsisihan ko na lahat ng ginawa ko Adam, sana mapatawad mo 'ko" Humihikbing sabi niya. Napilitan akong lingunin siya and then I smirked.


"Sorry? May magagawa pa 'yang sorry mo? Umalis na si Ahmira kasama ang anak ko, ngayon masaya ka na?" Mukhang nagulat siya ng marinig ang tungkol sa anak ko. Tssk!

Hindi ko na siya hinayaang sumagot at tuloy tuloy na lumabas ng bar. Ayokong makita ang pagmumukha niya dahil baka kung ano pa ang magawa ko kahit babae pa siya.

Agad akong sumakay ng kotse at pinaandar 'yon. Ngayon hindi ko na alam kung saan uuwi. Maalala ko lang siya kapag pumunta akong bahay.

Napailing na lang ako. Ito siguro ang ganti sa lahat ng kagaguhang nagawa ko. Iniwan na ko ng mag-ina ko kaya ano pa ang silbi ng buhay na 'to. Sila lang ang pinagarap kong makasama pero ngayon hinding hindi na mangyayari 'yon.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho biglang sumakit ang ulo ko. Napapkit ako sa sobrang sakit at hindi ko namamalayang mabilis pala ang pagmamaneho ko. Nang magmulat ako, doon ko lang napansin ang isang truck na mkakabangga ko. Sinubukan kong ipreno ang kotse pero huli na.

*crash


Narinig ko na lang ang isang malakas na tunog bago biglang dumilim ang paligid.



I think this would be better para kahit papaano mabawasan ang sakit dahil sa mga oras na 'yon si Ahmira pa rin ang naiisip ko.




A Hot Night with Mr. Bartender (Completed-Editing)Where stories live. Discover now