Chapter 32

33.9K 425 3
                                    

Signs

I felt so disappointed ng sabihin ni Mom na tuloy na tuloy pa rin talaga ang wedding and the worst thing is it's already scheduled next month.

Mas mabuti pa sigurong manahimik na lang ako dahil wala  namang magbabago kung ipagpatuloy ko ang pagkontra sa kanila. I will do whatever they want me to do pero hindi ibig sabihin nun pumapayag na 'ko sa gusto nila. Maghahanap at maghahanap ako ng paraan para sila na mismo ang kusang mag-uurong ng kasal.

Alam 'kong tutulungan ako ni Bryan and I hope hindi ako nagkamaling pagkatiwalaan siya.

What's bothering me right now is 'yong hindi pagsagot ni Adam sa mga tawag ko. Alam kong umaasa siyang babalik ako doon pero nang dahil sa nangyari kagabi hindi na 'ko nakaalis ng bahay.

I tried to call him pero naka-off ang cellphone niya, kahit si Zack ay tinanong ko din pero ganoon din ang naging sagot niya sa'kin.

Nakatulog lang ako na hawak hawak ang cellphone ko, hoping that he will call me back pero tinanghali lang ako ng gising at wala pa rin.

Hindi ko din alam kung bakit kahit late na 'kong nagising ay inaantok pa din ako, kung hindi lang ako nakaramdam ng gutom mas pipiliin ko na lang na humiga at matulog buong araw.

Kahit tinatamad ay pinilit ko pa ring bumangon at lumabas ng kwarto, pababa na 'ko ng hagadan ng biglang makaramdam ako ng pagkahilo. Mabilis naman akong kumapit sa railings para hindi ako matumba.

"Mam ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ng katulong na nakapansin sa'kin.

"Oo, salamat manang" Sagot ko habang inalalayan niya 'kong makababa.

"Hey, what happened?" Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses ang I saw my Mom worriedly staring at us. Teka, bakit nandito si Bryan?

"Nahihilo lang ako Mom, anong ginagawa mo dito Bry?" Baling ko sa kanya.

"He's here para samahan ka, I told you not to skip your breakfast pero ang tigas ng ulo mo" Sermon ni Mommy sa'kin.

"Mom okay na 'ko, nahilo lang ako at hindi nahimatay, by the way samahan saan?" Nagtatakang tanong ko habang kay Bryan nakatingin.

"Kinausap ko ng Daddy mo kagabi and he told me sasamahan kitang pumunta sa gagawa ng wedding gown mo" Hindi na 'ko nagulat sa isinagot ni Bryan, alam ko kung gaano ka excited si Dad, kulang na lang magpadala siya ng pari dito sa bahay para ipakasal kami.

"Bakit pa? Kaya ko naman eh, and beside may trabaho ka diba?" Tanong ko.

"Alam mong hindi ko kayang tanggihan ang Dad mo" Napailing ako sa narinig ko.

"Tsssskk ibang klase talaga" Bulong ko pero narinig pala ni Mom.

"He's still your father Ahmira..." Paalala niya. Ngumiti muna ako ng peke bago ngsalita.

"Oo nga pala, he's my father, my VERY LOVING FATHER" Sarkastikong sagot ko at mabilis na nagpaalam sa kanilang dalawa pa kumain.

Pagkatapos kong kumain, agad akong naligo dahil nakakahiya naman kay Bryan na kanina pa naghihintay sa'kin.

I choosed to wear jeans  pero hindi ko akalaing hindi na magkakasya sa'kin 'yon. Napamura ako sa sobrang pagod dahil kahit anong gawin ko hindi ko talaga maisara ang zipper nito.

"Shit!" I cursed when I saw my own reflection in the life-sized mirror. Pawisan na 'yong noo ko at ang gulo na ng buhok ko. Hindi ko mapigilang isipin ang ginawa ko this past few weeks. Hindi naman ako naging matakaw pwera lang kapag nasa bahay ako ni Adam kasi palaging napaparami ang kain ko -_____-

A Hot Night with Mr. Bartender (Completed-Editing)Where stories live. Discover now