Chapter 37

32.9K 480 61
                                    

The Baby

Pagkatapos mawalan ng malay ni Ahmira, hindi kami nagdalaw isip na dalhin siya sa hospital. Bahala na kapag malaman ng Dad niya ang tungkol sa kalagayan niya, ang importante ay masiguradong ayos siya at ang baby niya.

"Where's my daughter?" Where's Ahmira?" Napalingon ako bigla sa Mommy niya na kakadating lang at halatang nag-aalala ng sobra.

"Nasa loob po, tinitingnan pa ng doctor ang kalagayan niya at kung bakit siya nawalan ng malay kanina" Inalalayan ko siyang umupo dahil bigla itong nanghina ng marinig ang sinabi ko.


"Oh My God! I hope she's fine. Paano ba nangyari 'to Bryan? Anong ginagawa mo sa bahay sa ganitong oras at pati na rin si Ahmira, buong akala ko nasa kwarto lang siya at natutulog" Gusto ko mang sabihin lahat pero alam kong wala ako sa lugar para magsabi nun. I will just wait na maging okay si Ahmira para siya mismo ang magsabi ng lahat, Im just here para protektahan siya at ang magiging anak niya.

"Mas mabuti po sigurong hintayin na lang natin  magising si Ahmira at hayaan siyang sabihin sa inyo lahat. For now, let's just wait for the doctor and pray na walang masamang nangyari sa kanya" Magalang na sabi ko. Maya maya ay nakita ko si Tito Liam na papunta sa direksyon namin. Wala man lang pag-aalalang makikita sa mukha niya at parang galit pa ito. Agad namang lumapit ang Mommy ni Ahmira dito at yumakap.

"Liam....what happened kamusta ang anak natin" Umiiyak na tanong niya. Magsasalita pa sana si Tito Liam ng biglang lumabas ang doktor mula sa room ni Ahmira. Mabilis akong lumapit sa kanila at naghintay sa sasabihin ng doktor.

"How's my daughter, is she okay?" Sunod sunod na tanong ni Tita. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang ngumiti ang doktor.

"Okay na ang kalagayan ng anak niyo. The reason why she collapse is because of stressed at dahil na rin sa sobrang pagod". Tahimik lang akong nakinig sa usapan nila. Mabuti na lang at hindi niya nasabi ang tungkol sa baby.

"Oh thank God!" Naluluhang sabi ng Momy niya.

"Kailan siya magigising doc?" Singit ko sa kanila.

A Hot Night with Mr. Bartender (Completed-Editing)Where stories live. Discover now