Chapter 35

33.1K 452 40
                                    

 

The painful battle

Katatapos ko lang ayusin ang ilang gamit at hinihintay ko na lang na makatulog ang lahat ng tao dito sa bahay, tinawagan ako ni Bryan at sinabi niyang hinhintay niya 'ko sa labas. Pinagtalunan pa na'min iyon ni Adam kanina nang sinabi 'kong sa park na lang kung saan niya 'ko kinantahan dati kami magkita. Sigurado akong nagseselos lang 'yon at hindi ko naman gustong nagseselos siya, umiiwas lang sa gulo at baka makita kami kapag siya ang pumunta dito.

Kanina ko pa iniisip ang pwedeng mangyari sa gagawin naming 'to at hindi ko mapigilang hindi kabahan. Alam 'kong maasaha ko si Bryan pero may pakiramdam talaga akong may mangyayaring hindi maganda. Napailing na lang ako sa naiisip ko. I know everything will be fine.

Naisipan 'kong maidlip muna saglit ngunit kakahiga ko pa lang ng tumawag si Adam.

"Babe.."

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya ng mapansin ang tamlay sa boses ko.

"Sa totoo lang hindi eh, Adam kinakabahan ako" Pagsusubong ko, I just heard him sighed bago nagsalita.

"Hindi kita pababayaan" Maikling sagot niya pero nakapagpagaan ng loob ko kahit simpleng salita lang ang sinabi niya pakiramdam ko nagiging okay lahat.

"I know....." Sagot ko at pilit na ngumiti.

"Ako na ang susundo sa'yo" I know it's not a question but a statement, napailing na lang ako dahil balik na naman kami sa ganitong topic.

"Akala ko ba napag-usapan na natin 'to Adam?" Mahinahong sabi ko, ayoko ko lang na lumala pa at magkasamaan kami ng loob. Bigla siyang natahimik.

"I love you" Nasabi ko na lang bigla.

"Hmm. I'm sorry....I just can't wait to be with you........" Napahigpit ang pagkakayakap ko sa unan dahil sa impact sa'kin ng sinabi niya. Gosh! Bakit ang dali kong kiligin.

"Me too." Pinigilan 'kong hindi mapatili dahil baka isipin ni Adam na nababaliw na 'ko.

"I miss you already" He said in a husky voice.

"Sus! Kahapon lang kaya tayo nagkita. Pero alam kong pagkatapos nito wala ng pipigil sa'tin, we can do everything we want" Nakangiting sagot ko.

"Everything?" Pilyong tanong niya.

"Including ....." Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"No!" Narinig ko 'yong mahinang tawa niya sa sinagot ko.

"Well, tingnan na lang natin kung iyan pa rin ang isasagot mo kung nandoon na tayo" Kahit hindi ko siya kaharap ngayon alam kong nakangisi ang loko.

A Hot Night with Mr. Bartender (Completed-Editing)Where stories live. Discover now