Chapter 15

46.7K 618 17
                                    

Other Woman?

Dahan dahan kung kinuha ang kamay at binti ni Adam na nakadantay sakin, dinampian ko muna ng halik ang labi niyang medyo nakabukas bago tuluyang bumangon.

Nakaramdam kasi ako ng gutom kaya maaga akong nagising, ayoko namang gisingin siya kasi baka napuyat ng sobra. Hehe pinilit ko kasing mag movie marathon kami kaya mag-uumaga na ng matulog kami.

Pumunta ako ng kusina at maghanap ng pweding kainin, gusto ko sanang magluto pero baka magalit siya kaya nagtimpla na lang ako ng gatas.

Pagkatapos kung inumin yun ay bumalik ako sa kwarto niya. Tulog na tulog pa rin ang loko. Umupo ako sa tabi niya at tinusok tusok ang pisngi niya pero wa epek pa rin kasi di man lang siya gumalaw. Sobrang nakakagigil yung mukha niya kapag tulog *u*

Bigla na naman akong may naisip na pwedeng gawin tutal tulog mantika naman siya ^________^ Naghanap ako ng pentel pen at kumuha ng lipstick. Nilagyan ko nang guhit na parang sa pusa yung pisngi at ilong niya, nag draw din ako ng heart at star sa noo niya. Hindi pa ko nakontento at nilagyan ko nang maraming kiss mark ang leeg niya hehe. Kinuha ko yung cellphone ko at pinicturan siya ng ilang beses.

^_______^ Ang kyuuut talaga ng Adam ko! Nakangiting sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa picture niya.

Ilang sandali pa ay may narinig akong nag doorbell. Napatingin ako kay Adam, sino naman kaya ang bibisita sa kanya?

Nagtataka man ay bumaba pa rin ako at tiningnan kung sino yun.

Pagbukas ko ang pinto ay halos malaglag ang panga ko sa nakita ko.

Ang goonndoo O.O

Dahan dahan niyang inalis ang suot niyang shades at natigil ang tingin niya sa suot kong damit na damit ni Adam.

Wait she's so familiar!

"Excuse me, nagkita na ba tayo dati?" I asked and open the door wider.

"Hahah pweding papasukin mo muna ako dear" Sagot niya at humakbang papasok pero pinigilan ko siya. Kung makaasta parang siya ang may ari ng bahay at paano kung isa lang siya sa mga babae ni Adam, humanda talaga ang mokong na yun mamaya.

"At bakit ko naman gagawin yun, sino ka ba kasi" Mataray na tanong ko.

"Where's Adam?" Balik tanong niya pero di ko yun pinansin at tinaasan ko siya nang kilay.

"If you're looking for my BOYFRIEND, sorry he's still asleep at this moment, maybe because I made him tired last night" Maarteng sabi ko at binigyan diin ko yung salitang boyfriend. Hindi ko alam kong ano na ang pinagsasabi ko dahil sobra na kong naiinis lalo na ng malaman kong Si Adam ang hinahanap niya.

"HAHAHAH you're so cute , I didn't know you're the new girlfriend of Adam" Tumatawang sabi niya, pssh maganda nga pero mukhang may sayad naman -_____-

Natahimik ako pilit na inalala kung saan ko siya nakita.

"You know what familiar ka rin sakin eh, saan nga kita nakita?" Pagpapatuloy niya habang naka hawak sa ilalim ng baba niya na parang nag-iisip.

"Tama! You're the girl I met in the mall last few week, right?" Napapitik pa siya sa hangin ng sabihin yun.

Napaisip ako sa sinabi niya. Biglang nag flashback sa utak ko ang nangyari noon sa mall.

O.O Siya nga yun, siya yung bumili ng sapatos na gusto ko din at nag bigay ng calling card ! Don't tell me may tinatago Si Adam sakin. Kapag malaman kong may something sa ka nilang dalawa, I swear babawiin ko ang sinabi kong mabait at maganda ang babaeng to.

A Hot Night with Mr. Bartender (Completed-Editing)Where stories live. Discover now