Chapter 36

32.4K 428 56
                                    

Realization

"So where the hell is he?" Galit na tanong ni Bryan ng mapansing natakimik ako. Bigla kasing nanikip ang dibdib ko at halos hindi ko na maibuka ang bibig ko sa sobrang sakit ng marinig ang boses ni Therine.

"I-It's not him..." Naluluhang sabi ko habang mahigpit na hawak ang cellphone sa kamay ko.

"What the! Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong niya at hinawakan ang mukha ko para tumingin ako sa kanya. Hindi ko na napaigilan ang sarili ko at tuluyan akong napahagulgol sa harap niya.

"H-He is with his e-ex.." Nauutal na sabi ko. Unti unting nanlabo ang ang paningin ko dahil sa luhang bumabalong sa mga mata ko. Narinig ko 'yong mahinanang mura niya kaya lalo akong napaiyak.

"Sinasabi ko na nga ba! Hindi kita dapat pinagkatiwala sa lalaking 'yon!" Hindi mapakaling sabi niya, kung nandito lang si Adam sa harap namin malamang kanina pa niya sinuntok ito.

"May dahilan naman siguro kung bakit na kay Therine ang cellphone niya, alam kong hindi magagawa ni Adam 'to" Mahinang sabi ko habang sinusubukang kalamahin ang sarili 'ko.

"Pagkatapos ng ginawa niya sa'yo iyan lang ang sasabihin mo? Ahmira kung mahal ka niya hindi niya unahin ang ibang bagay kaysa sa'yo" Tinamaan ako sa sinabi niyang iyon pero mayarte ng utak ko na nagsasbing mahal ako ni Adam at hindi niya kayang gawin ito sa'min.

"Alam mo, walang mangyayari kung tatayo lang tayo dito kaya pupuntahan ko siya sa ayaw at sa gusto mo" Mabilis kong tinuyo ang mata ko at tinalikuran siya pero maagap niyang nahawakan ang braso ko.

"Dammit Ahmira! Ano pa ang hindi mo naiintindihan? Hindi pa ba sapat ang narinig mo para malaman na hindi ka kayang ipaglaban mg lalaking 'yon!" Kita ko ang galit sa mga mata niya. Gustuhin ko mang maniwala sa kanya hindi ko kaya kasi natatakot ako, natatakot akong malaman ang totoo.

"Hindi kasi ikaw ang nasa posisyon 'ko. Akala mo ba ganoon lang kadali 'yon? Kung sa tingin mo hindi ako nasasaktan, pwes nagkakamali ka. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon" I said as my tears started to fell from my eyes again.


"Nasasaktan din naman ako Ahmira, nasasktan akong makita kang ganyan. Naiintindihan kita na ginagawa mo 'to para sa magiging anak niyo pero isipin mo din ang sarili mo" Kalmadong sabi niya at hinawakan ang kamay ko.


A Hot Night with Mr. Bartender (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon