Chapter 44

41.9K 734 349
                                    

She's Leaving...

Amanda's POV

Mag-iisang linggo na simula nang kausapin ko si Adam tungkol sa kanila ni Dad pero mukhang mataas talaga ang pride niya at hanggang ngayon hindi niya ito magawang lapitan.

Tuwing umaga umaalis siya but I don't have any idea kung saan siya pumupunta. Maybe sa bahay nina Ahmira, nagbabakasakaling kakausapin na siya nito pero tulad ng dati iniiwasan lang siya.

Kahit wala ako doon alam ko pa ring 'yon ang nangyayari dahil lasing siya tuwing umuuwi, minsan may naghahatid na sa kanya na hindi man lang namin kakilala.

Hayss nakakastress isipin ang problema nila, mabuti na lang hindi sa'kin nangyari 'yon dahil baka ngayon baliw na 'ko. Hindi naman kasi masisisi si Ahmira kung ayaw niyang kausapin si Adam, maybe she's still in pain at kailangan niya lang ng oras para mag-isip. But what make things more complicated was their baby and the wedding.. Kung sinunod lang sana ni Adam ang sinabi ko baka sakaling mapigilan pa niyang matuloy ang kasal nina Ahmira.. If it just about business, Dad can surely help him pero sadyang mahal ni Adam ang pride niya kaya hanggang ngayon nagdudusa siya.

Alam ko kung gaano ka lalim ang galit niya kay Dad, kahit sinong anak, magagalit naman talaga siguro kung bigla na lang silang iniwan ng Tatay nila. Just like what Dad did to us, noong una pa lang alam na ni Mom na may babae si Dad pero sinabi niyang hindi niya sinasadya at hinding hindi na niya uulitin so she gave him a second chance. When my Mom died bigla na lang nagpakita ang isang babae at sinabi niyang buntis siya with Dad's child... doon kami nagsimulang magalit sa kanya, she lied to us especially kay Mom. Kung may mas naapektuhan man sa nangyaring iyon si Adam 'yon, he really idolized Dad pero biglang naglaho 'yon sa ginawa niyang panloloko sa'min.

Mas lumalim pa ang galit niya kay Dad nang bigla itong umalis at lumayo kasama ang babae niya. He said he will going to support us financially pero lahat ng binibigay niya hindi namin ginagastos. Adam and I were both scholar back then kaya hindi kami masyadong nahirapan at isa may iniwan namang pera si Mom para sa'ming dalawa.

Simula nun hindi na kami nagkausap ni Dad, nakapagtapos kami at nagkatrabaho na wala ang tulong niya... Until one time nagulat na lang ako ng biglang makita ko si Dad. Nagkausap kami pero katulad din ng reaksyon ni Adam ang naging reaksyon ko noon. Galit na galit ako sa kanya ng time na 'yon pero lahat ng iyon unti unting nawala ng marinig ko ang side niya... Doon ko nalamang binlackmail siya ng pamilya ng babae at kaya napilitan siyang panagutan ang batang dinadala nito kahit hindi naman pala talaga sa kanya..

Kahit mahirap ginawa ko pa rin kung ano ang tama. I know he deserve to be forgiven at hiniling ko na sana kaya ding gawin ni Adam 'yon...

Natigil ako sa pag-iisip ng bumukas ang pinto at pumasok si Adam.

"Ang aga mo 'yata ngayon? At saka antok lang ba 'to o talagang hindi ka lasing?" Pagbibiro ko sa kanya. Hindi man lang niya pinansin ang sinabi ko at tuloy tuloy na dumiretso sa kusina, kaagad ko naman siyang sainundan.

"Aw..maglalasing palang pala" Sabi ko nang makitang kumuha siya ng alak at kaagad na uminom.

"Saan ko siya makikita?" Biglang tanong nito habang nasa bote nang alak siya nakatingin. Sobra akong nagtaka sa sinabi niya, parang ang layo naman kasi nun sa sinabi ko.

"Teka..makikita ang alin?" Balik tanong ko. Uminom muna siya bago humarap sa'kin.

"Si D-dad.." Para akong nakarinig ng anghel sa sinabi niya.. Atlast! Gumana din ng tama ang utak niya.

A Hot Night with Mr. Bartender (Completed-Editing)Where stories live. Discover now