Chapter 42

39.1K 576 239
                                    

He will make a Way

Adam's POV

Damn! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ayaw akong kausapin ni Ahmira at sobra na kong nag-aalala sa kalagayan niya.

Sinubukan kung itext ang bestfriend niya dahil alam kung magkasama sila ngayon pero katulad niya, hindi din nito pinapansin ang mga tawag ko.

Hindi ako naniniwala sa mga sinabi niya kanina, I knew she love me and I wanted her to realize that. Ayokong kong umabot sa puntong lumalim ang galit niya hanggang sa hindi na niya 'ko magawang patawarin.

Pumunta ulit ako sa bahay nila, umaasang kakausapin niya ako pero sa mahigit tatlong oras na paghihintay ko walang Ahmira na lumabas. Ayoko ko sanang umuwi na lang basta kung hindi lang umulan. That fuckin' rain! Basang basa tuloy ang damit ko pati na ang ang kotse ko.

Pagkadating ko sa bahay, hindi na gaanong malakas ang ulan pero pinagtataka ko lang, bakit naka bukas na ang ilaw.

"What the! What are you doing here?" Di makapaniwalang tanong ko nang makita ang isang babaeng nakahiga sa sofa ko.

"Inaasahan ko nang ganyan ang magiging reaksiyon mo Adam. Matagal ko na ding tanggap na wala kang respeto sa ate mo" Walang emosyong sabi niya habang sa tv nakatingin.

"Tsk.. Bakit hindi mo sinabing pupunta ka dito?" Mabilis kong hinubad ang basang jacket na suot ko at umupo sa kabilang upuan.

"Duh? Kailangan pa ba 'yun?....Alam mo Adam isusurprise sana kita pero mukhang ako pa ang nasurprise sa nalaman ko!" Sabi niya at umayos nang upo.

"Anong pinagsasabi mo?" Nalilitong tanong ko pero nagulat ako ng bigla niya 'kong batukan.

"Huwag ka nang mag-maangmaangan..alam mong tungkol kay Ahmira ang tinutukoy ko" Nakapamewang na litanya niya. T*ng *na naman oh.. dinagdagan niya lang ang problema ko. Napailing na lang ako at agad na tumayo.

"Saan ka pupunta? Kinakausap pa kita Adam Wesley Ferrer" Alam kong galit na siya dahil sa patawag ng buong pangalan ko pero hindi ko na kaya ang ginaw at alam kong hindi na ko makakaalis sa oras na simulan niya 'kong sermonan.

"Magbibihis lang ako...." Maikling sagot ko. Hindi ko na hiintay na sumagot siya at tuly tuloy akong umakyat ng kwarto.

Pagkapasok ko si Ahmira kaagad ang naalala ko. I missed her a lot! Magkasama sana kami ngayon kung hindi ako nagpakagago kay Therine. Ako dapat ang nasa tabi niya ngayon at binibigay ang lahat ng gusto niya ngunit paano ko magagawa 'yon kung ayaw niyang makita man lang ako...

A Hot Night with Mr. Bartender (Completed-Editing)Where stories live. Discover now